After 3 years.. Dahan-dahan akong umakyat sa stage nang tawagin ang pangalan ko. Nakipagkamay at humarap ako sa lahat ng tao. Simple akong huminga ng malalim. Finally... ngayon masasabi ko na kahit isa, kahit isa lang, may nangyaring maganda sa buhay ko. Naglakad ako muli pababa at agad hinanap ng mga mata ko ang mahahalagang tao sa buhay ko. Mga taong naging malaki ang papel sa buhay ko. Pero natigilan ako nang makita ang taong hindi ko na gusto pang makita kahit kailan. Nakatayo ito sa isang sulok habang nakatingin sa akin. Imposible. Mariin akong pumikit at pinilig ang ulo. Nang muli ko itong tiningnan, ibang mukha na ang nakita ko. I knew it. Isa na naman sa mga guni-guni ko. Gusto kong saktan ang sarili dahil tatlong taon na ang nakalipas pero bigla pa ring sumusulpot ang imahe

