Hana Dela Fuente Dahan-dahan akong nagmulat ng mata pero bahagya akong nasilaw sa ilaw kaya pumikit ako ulit. "You're awake," rinig kong tinig ng isang lalaki mula sa kung saan. Muli akong nagmulat at nilibot ang tingin sa paligid. Nakahiga ako sa kama sa loob ng isang maliit na silid at puro puti ang dingding. May nakita akong isang 'di kilalang lalaki na nakatayo sa paanan ko. "Hi, Miss. How are you feeling? Are you okay?" Pinilit kong lumunok kahit tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Marahil napansin niya iyon kaya agad itong lumapit at inabutan ako ng bottled water. Dahil uhaw na uhaw ang pakiramdam ko tinanggap ko iyon pero natigilan din ako nang maisip na hindi ko siya kilala. Hindi ako makakasigurong safe ang laman ng tubig na iyon. May pakialam ka pa pala sa buhay mo? Eh, 'di ba il

