Agad akong lumabas ng silid para habulin si Daddy. Nakita ko itong pababa na ng hagdan. Walang tigil akong nagmakaawa sa kaniya na 'wag kong dalhin kina Lola sa ibang bansa. Halos lumuhod na 'ko sa harapan nila pero parang wala na siyang naririnig. "D-Dad... please don't do this to me. Huwag mo akong dalhin sa California. G-gawin ko lahat huwag mo lang ako ilayo rito. Pangako, ga-graduate ako with latin honor at tutulong sa negosyo. Please, Dad..." Pakiusap ko habang hilam ng luha ang mukha. Hinawakan ko siya sa braso niya pero marahas niyang inalis ang kamay ko. "Para ano? Para maipagpatuloy ang pakikipagrelasyon mo kay Del Mundo? Ang patuloy kaming ilubog sa kahihiyan? Hindi! Hindi ko hahayaan ang kalokohan mong iyan. Hindi mo na ako mapapaniwala ulit dahil ang buong akala ko sinusunod

