Halos isang linggo na ang lumipas pero wala pa rin akong makuhang balita sa Pilipinas lalo na kay Lance. Wala akong maayos na tulog kakaisip sa kaniya. Walang oras na hindi ko siya naisip at walang araw na hindi ako umiyak. Gustong-gusto ko na siyang makita. Ni lumabas ng kwarto hindi ko magawa. Kung hindi lang ako nahihiya kina Lolo at Lola ay hindi ko sila pagbibigyan na lumabas at sabayan sila sa hapag-kainan. Napipilitan akong sumubo ng ilan para lang hindi malungkot si Lola na hindi ko tinitikman ang mga luto niya. Napukaw ang malalim kong pag-iisip nang marinig ang tinig niya. "Apo, kumain ka naman ng marami. Palagi na lang gatas lang ang iniinom mo at dalawang subo ng kanin." Nawala sa isip kong nasa hapag kami. Matamlay akong bumaling sa kaniya sa tabi ko. "Lola, bakit kailanga

