"Hey, what are you thinking? hmm?" Tinig nito na pumukaw sa akin mula sa malalim na pag-iisip. Hindi ko namalayan na kanina pa ako tahimik habang nakatingin sa labas ng binata ng sasakyan niya. "W-wala," tipid na sagot ko at bahagyang ngumiti sa kaniya. Bigla ko na naman kasi naalala ang mga sinabi ni Ms. Geneva. Para iyong recorded at paulit-ulit nag-pi-play sa isip ko. Marahan niyang dinampian ng halik ang kamay kong hawak niya habang nagmamaneho. Dinala niya ako sa condo niya at nag-order siya ng food para sa dinner naming dalawa. Pagtapos namin kumain nanuod kami kami ng movie sa sala pero hindi ko namalayang nakatulog ako sa tabi niya. Nagising na lang ako na nakahiga na ako sa kama niya. Nakita ko itong nakaupo sa harap ng office table niya at may ginagawang kung ano sa laptop

