She didn't even ask kung okay lang sa akin makipag-usap sa kaniya. Nakasuot ito ng itim na sunglasses kaya hindi ko makita nang mabuti ang mga mata niya. Hindi na 'ko nakasagot pa at sumunod na lang ako sa kaniya papasok sa loob ng sasakyan. Nakaupo kaming dalawa sa magkabilang dulo. Isinara naman ng lalaki ang pinto at nanatiling nakatayo sa labas. "A-ano pong... pag-uusapan natin?" Wala akong ideya sa sasabihin niya pero nakakaramdam ako ng kaba. Mahabang sandali akong naghintay bago ko ito narinig magsalita. "Lance was 15 when his mom died. Gumuho ang mundo niya. Nakita ko kung paano siya nahirapang tanggapin iyon at kung paano siya nangulila kay Tita." Saglit itong tumigil habang nananatiling nakatingin sa harapan. Kahit hindi ko alam saan patungo ang kwento niya, nakinig lang ako

