Chapter 36

1476 Words

Katatapos lang ng P.E class namin kaya nanuod muna kami ng soccer. Maya maya ay nakatanggap ako ng text mula kay Sir. "Where are you?" Agad akong nag-reply. "Garden. Why?" Ilang minuto akong naghintay bago ito muling sumagot. "I'm here." Namilog ang mga mata ko at agad itong hinanap sa paligid. Nakita ko siyang nakatayo sa 'di kalayuan malapit sa gymnasium. "Wait lang, girls," paalam ko sa kanila. "Saan ka na naman?" nagtatakang tanong nila. "Kay Sir." Nagmadali na akong umalis at pasimpleng lumapit sa kinaroroonan nito. Sinundan ko ito nang magtungo ito sa likod ng gymnasium kung saan walang tao. Napansin ko agad ang salubong nitong kilay habang nakatingin sa shorts ko. Simple ko iyong hinila pababa. "Next school year, mag-re-request ako na gawing jogging pants ang P.E uniform

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD