Hindi ko namalayang nakatulog ako sa sofa sa paghihintay sa kaniya. Nagising na lang ako na may masuyong humahaplos sa pisngi ko. Agad akong napabalikwas ng bangon nang makita ko si Lance at agad ko siyang niyakap. "Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?" puno ng pag-aalalang tanong dito. "I'm sorry, Babe. I'm here now. May kinailangan lang akong gawin," sagot nito habang hinahaplos ang likod ko. Bahagya akong lumayo at tiningnan ito sa mga mata. "Ano 'yon?" He fixed my hair. "Aalis tayo." Kumunot ang noo ko. "Saan tayo pupunta?" "Somewhere far from here. Sasama ka ba?" seryosong tanong nito. Napalunok ako. Ramdam ko na may problema. Ganoon pa man ay tumango ako. "Y-yes, of course. Sasama ako sa'yo. Ayokong magkalayo ulit tayo, Lance." "I won't let that happen again." He helped me

