"Magandang tanghali, Hija. Kumusta ang unang gabi mo rito sa Santa Felina? Nakatulog ka naman ba ng maayos?" "Opo, Manang. Tahimik at presko ang hangin dito." Hindi na namin nagamit ang aircon kagabiat iniwan na lang naming bukas ang balcony kaya malayang nakapasok ang malamig na simoy ng hangin mula sa labas. "Mukha nga napasarap ang tulog niyo at tinanghali kayo ng gising ng nobyo mo," nakangiting sabi nito. Nagluto kami ng sinigang na hipon at ilan gulay habang si Lance ay sinamahang manguha si Mang Art ng buko sa puno. "Kailan nga pala ang kasal niyo, Hija? May plano na ba kayo?" Natigilan ako sa tanong na iyon ni Manang. Kasal? Hindi ko alam. Wala pa naman kasing nabanggit si Lance tungkol sa bagay na iyon. Tipid akong ngumiti. "Wala pa po sa plano 'yon, Manang. M-marami pa po ka

