Napahinto ako sa paglalakad nang makasalubong namin si Gian sa hallway. Mukhang katatapos niya lang sa practice. Narinig ko ang pagtikhim ng mga kaibigan ko. Ilang sandali kaming nagkatinginan bago ako lakas loob na nagsalita. "P-pwede ba tayong mag-usap?" Alam ko nakausap na siya ni Sir pero gusto ko pa rin siyang makausap dahil ramdam ko na iniiwasan niya ako mula nang magkita kami sa mall. Saglit itong hindi nagsalita. "Girls, I think kailangan ko nang mag-retouch ng make up." biglang sabi ni Emma. "Ako din yata. Tara." ani Gail. Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Jona sa braso bago ito sumunod sa dalawa. "Nakausap na ako ni... Mr. Del Mundo. Huwag kang mag-alala. Wala akong pagsasabihan," walang emosyong wika nito. Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil sa narinig

