"Kurt, magkapatid tayo...."
"Hindi tayo magkapatid Anjo. Ayokong maging kapatid mo lang" sabi niya pa.
"Pero Kurt..."
"Hindi mo ako mapipigilan Anjo" sabi niya.
Mukhang seryoso talaga si Kurt. Nakatingin lang siya saken habang inaabot niya yung bulaklak saken. Napakaganda ng bulaklak na to, parang ang sarap sa pakiramdam na makatanggap ng ganito.
"Tsaka isa pa, alam ko mas lamang ako kay Teejay. Marami akong alam na mga gusto mo, bilang ako naman si spiderman at ikaw superman ko" sabi niya pa.
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Kinuha ko yung bulaklak sa kanya.
"Ayun lang naman Anjo, sige na alam ko pagod ka, magpahinga ka na!" Sabi pa niya.
Lumabas na siya ng kwarto at naiwan ako dung magisang nakatayo dun. Hawak ko yung bulaklak at pinagmasdan ko uli yung kwarto. Nakakatuwang tignan, ang romantic.
Tinabi ko muna lahat ng chocolates sa kama. Di ko na tinanggal mga nakasabit sa kisame, ang ganda kasi tignan.
Nagbihis na ako at nahiga, sa sobrang pagod ko, di ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising na lang ako sa maingay na naririnig ko sa loob ng kwarto.
"Ay sht, sorry Anjo, nagising ba kita?" Si Kurt yun, asusual, wala na naman siyang suot na damit kundi yung boxer shorts niya. Lumalaki na katawan ni Kurt, mukhang batak na batak sa gym.
"Ano ba ginagawa mo??" Tanong ko.
Lumapit siya saken na may dalang isang sandwich at isang bottled juice.
"Di kasi ako marunong magluto eh, pero ayan oh, breakfast in bed, sabi mo saken dati nung magka chat tayo, gusto mo ng breakfast in bed" sabi niya. Nakangiti siya saken. Ang cute ni Kurt. Di ko mapigilang di mapangiti sa ginawa niya.
"Ahhh, salamat" sabi ko.
"Oh, ano balak mo for today?" Tanong niya.
Bago ako makasagot, napansin kong may tumatawag sa phone ko, Si Teejay.
"Wait lang ha? Sagutin ko lang to" sabi ko kay Kurt. Tumayo siya at lumayo ng kaunti.
"Good Morning sa Anjowings of my love," bungad ni Teejay.
"Haha Good Morning Teejay" sabi ko.
"Kumain ka na ba?"
"Ah hindi pa, pero naghatid si Kurt ng pagkain dito sa kwarto ko" sabi ko.
"Ahhh hmmm. Andiyan pa si Kurt?"
"Ah oo,"
"Ahhh okay, nakapag impake ka na ba? Sa linggo na tayo aalis Anjo ha?"
"Ah sige mamaya magimpake na ako hehe"
"Okay sige, gusto mo bang umalis mamaya?"
"Hmm, okay lang, saan ba tayo pupunta??" Tanong ko.
Napansin ko naman na palapit si Kurt saken "Anjo aalis tayo diba?" Sabi ni Kurt.
"Si Kurt ba yun?" Tanong ni Teejay.
"Oo"
"Tara Anjo, alis tayo" sabi ni Teejay.
"Anjo, aalis tayo mamaya ha?" Sabi ni Kurt.
"Hindi Anjo, tayong dalawa aalis" sabi ni Teejay.
"Eh kung kayong dalawa na lang kaya umalis? Sa bahay na lang ako" sabi ko sa kanilang dalawa.
Natahimik naman silang dalawa at sabay na nag sorry.
"Sige na Anjo, sorry. Text mo ko kung anong plano natin ha?" Sabi ni Teejay.
"Sige sige"
Binaba na niya yung tawag at si Kurt naman yung nangulit.
"Eh kung gusto mo dito na lang tayo Anjo, movie marathon at foodtrip" sabi ni Kurt.
"Hmmm medyo okay nga yan hehe. Sige"
"Nice!!"
"Eh paano si Kim?"
"Sus, aalis yun sigurado ako. Baka nga ngayon, nakaalis na eh" sabi ni Kurt.
"Sige" sabi ko na lang. Lumabas na si Kurt ng kwarto ko, tinext ko rin si Teejay sa plano, sumangayon naman siya at sinabing pupunta siya rito.
Kumuha ako ng tuwalya at pumunta sa banyo. Nakasalubong ko pa si tita.
"Oh Anjo oh, sa sabado na kami aalis, eto yung pera mo for the whole vacation" inabutan niya ako ng pera worth 2000.
"Wow salamat tita"
"Kasama na diyan yung sweldo mo" sabi pa niya.
"Ah? Eh kulang na po to tita" sabi ko.
"Hindi kulang yan Anjo, sobra sobra pa. Wag ka ngang oa"
"Ehh tita aalis po ako ngayon, di po ako dito magpapasko" sabi ko.
"Ahh edi sige" kinuha niya yung 1000 pesos. "Oh ayan na lang pera mo" umalis na kaagad si tita at hindi na niya ako pinagsalita pa.
1000? Paano to, pamasahe pa lang to papunta kina Teejay sa Baguio. Wala pang pabalik, kahit alam ko na libre niya, nakakahiya pa rin kung walang dalang pera.
Sobra akong naiinis kay tita pero ayokong sirain yung araw ko ng dahil lang sa pera. Naligo na ako at nagbihis. Maya maya na ako bumaba, gusto ko makasigurado na wala na talaga si tita at Kim.
Naupo muna ako sa kama ko at nagisip isip. Si Teejay at Kurt, di ko maimagine na darating sa buhay ko na magkakaroon ng ganitong manliligaw.
Maya maya pa, kumatok na si Kurt sa kwarto ko at sinabing wala na mama niya pati si Kim.
Sabay na kaming bumabang dalawa.
"Nice, so since tayo na lang dalawa yung nandito, ano kayang magandang gawin, manuod ng movie, magluto o make love" nakayakap siya saken sa likod habang sinasabi yun.
"Baliw haha, magluluto na lang ako ng pagkain natin" sabi ko. Dumiretso ako ng kusina at sumunod naman siya.
"Ano kayang ipagluluto saken ni Anjo?" Tanong niya.
"Edi spaghetti hehe. Lutuin ko na yung nasa ref" sabi ko.
"Aba nice, siguradong masarap kasi luto ni Anjo yan" pumunta uli siya sa likod ko at yumakap saken.
"Kurt...."
"Sige, gawin mo lang gagawin mo, dito lang ako sa likod mo" bulong niya saken, ramdam kong inaamoy amoy niya ako.
"Ang bango mo talaga Anjo hmmmmm" dinidikit niya ilong niya sa leeg ko, sa tenga, sa pisngi.
"Kurt..."
"Anjo, magluto ka lang" bulong pa niya, hinahawakan na niya ako sa may bewang ko. Medyo nakikiliti ako sa ginagawa niya.
Maya maya, inalis niya yung pagkakayakap saken dahil sa kumakatok na pinto sa labas.
"Ako na magbubukas" sabi ni Kurt.
Tinapos ko lang yung paghihiwa ng bawang at sibuyas saka sumunod sakanya, nakita ko si Teejay pala yun. Nakasuot ng pulang Tshirt at black na shorts, naka tsinelas lang siya pero ang lakas ng dating niya.
"Anjom ininvite mo ba si Teejay??" Tanong ni Kurt.
"Ahh oo, tinext ko siya"
Mukha namang nainis si Kurt pero pinapasok niya si Teejay. Lumapit saken si Teejay at niyakap ako.
"Ang bango mo Anjo ah" sabi niya saken.
"Hehe ewan ko sayo,"
Bigla naman lumapit si Kurt at tinanggal yung pagkakayakap saken ni Teejay.
"Oops oops, bahay namen to so dapat walang physical contact sainyong dalawa"
"Eh di dapat ikaw din, dun ka sa sala at manuod ng TV" sabi ni Teejay.
"Eh kung ikaw ang umalis tapos itutuloy namen ni Anjo yung pagyayakapan namen sa kusina bago ka dumating" sabi ni Kurt
"Ah eh kung ikaw ang umalis tapos kami naman magyayakapan ni Anjo sa kusina, ano?" Sabi ni Teejay.
"Eh kung ako na lang kaya umalis tapos kayong dalawa na lang magyakapan? Kanina pa kayo ehh" inis kong sabi.
Di naman sila umimik na dalawa. Bumalik na ako sa kusina para ituloy yung ginagawa ko, sumunod naman si Teejay saken dun.
"Ano bang niluluto ng Anjowings of love ko?" Tanong ni Teejay.
"Spaghetti"
"Hmmm, mukhang masarap siguro, tapos mas masarap tikman kasi ikaw nagluto" pumunta siya sa likod ko at pinisil pisil braso ko.
"Ahhh Teejay??"
"Shhh, nagseselos lang ako gusto ko may yakap moment din tayong dalawa" ganun nga ginawa niya, niyakap niya ako at nilagay niya sa tyan ko mga kamay niya.
"Anjo, ang sarap sa feeling kapag kayakap kita. Sana ganito na lang palagi" mahina niyang bulong sa tenga ko. Di ko naman mapigilang mapangiti sa sinasabi niya.
"Teejay...."
"Hay nako jusko, dito pa siya humarot!!" Sumingit si Kurt at pinaalis yung pagkakayakap saken ni Teejay. Nainis naman si Teejay sa ginawa ni Kurt.
"Kurt, nanliligaw ka ba sa KAPATID mo?" Inemphasize ni Teejay yung word na kapatid.
"Oo Teejay, bakit? At isa pa hindi kami magkapatid na dalawa!" Sabi ni Kurt.
"Oh talaga? Diba stepbrother mo? Brother diba hindi naman step not brother yung term" sarcastic na sabi ni Teejay.
"Eh ikaw? Nanliligaw ka ba kay Anjo ha?" Tanong ni Kurt.
"Oo bakit! Nanliligaw ako, at kaya kong ipagsigawan sa lahat na nililigawan ko siya, eh ikaw? Kaya mo bang ipagsigawan na nililigawan mo kapatid mo???"
"Jusko Teejay ano ba kumpetisyon na naman ba?"
"Ano ba kayo tama na nga yan!!!!" Sigaw ko sakanilang dalawa.
"Hindi naman nakakatulong yan eh, aalis na lang ako gusto niyo???" Sabi ko sakanila.
"Sorry Anjo" sabay nilang sabi na dalawa.
"Kapag nag away pa kayong dalawa, sinasabi ko sainyo aalis talaga ako" inis kong sabi sakanila.
"Sorry na po" sabay uli nilang sabi.
"Good, dun na kayo sa sala at magluluto ako. Set up niyo na yung papanuoring movie" sabi ko.
Umalis naman silang dalawa at pinagpatuloy ko na yung niluluto ko.
Pagkatapos ko magluto, napansin ko naman na nag uusap sila sa sala at nagtatawanan na dalawa. Medyo natuwa ako sa nakita ko, bitbit ko yung platong may spaghetti at saka nilapit sakanila.
"Pwede naman pala yan eh, na magkasundo kayong dalawa" sabi ko sakanila.
Tumawa naman silang dalawa na parang napipilitan lang. Medyo ang cute nilang dalawa kaya natuwa ako sa reaksyon nila.
Naupo ako sa sofa at pinagitnaan nila akong dalawa. Si Teejay sa kanan ko tapos si Kurt sa kaliwa, ang sinalang nilang movie eh cartoons, Meet the Robinsons.
"Bakit kasi cartoon sinalang mo Kurt, ano ba yan" sabi bigla ni Teejay.
"Haha syempre si Anjo masusunod at alam kong ayan ang isa sa favorite movie niya" sabi ni Kurt.
"Talaga ba Anjo?" Tanong ni Teejay.
"Hehe, oo. Mahilig kasi ako sa animated movie" sabi ko pa. Napansin kong ngumiti lang si Kurt na parang nakapuntos siya samantalang si Teejay nakasimangot lang.
"Favorite ko rin kaya animated film" sabi naman ni Teejay.
"Sus, mahilig ka sa comedy Teejay, di mo ko maloloko" sabi naman ni Kurt.
"Wala na akong naintindihan sa pinapanuod natin" singit ko naman sakanilang dalawa na kanina pa nagtatalo.
Tumahimik silang dalawa at nagfocus sa panunuod.
Kumuha si Teejay ng spaghetti at inabot niya saken.
"Tsk tsk, ayaw ni Anjo na ma sauce, ang gusto niya yung sakto lang" kinuha ni Kurt yung plato at nilagay sa lamesa, sinandukan ako ni Kurt ng spaghetti na konti lang yung sauce.
"Para sayo Anjo" pa cute niya pa.
Nainis na naman si Teejay sa ginawa ni Kurt.
Nanuod na lang ako ng movie habang kumakain. Napansin ko namang tumayo si Teejay at pumunta ng kusina, pagbalik niya may dala siyang juice, mukhang nestea icedtea.
"Anjo oh, juice" alok saken ni Teejay.
"Tsk tsk, sorry Teejay pero ang gustong inumin ni Anjo, pineapple juice. Ayaw niya ng nestea" sabi pa ni Kurt. Nilapag niya lang yung juice sa lamesa at tumabi uli saken, nakakibit balikat na siya sa inis.
Para naman hindi masayang yung effort niya, kumuha ako ng nestea at uminom.
"Salamat Teejay" sabi ko na lang. Nagbago yung reaksyon niya at ngumiti ng todo, ang gwapo ni Teejay pag nakangiti.
Nanuod na uli kami ng movie. Sobrang favorite ko talaga tong Meet the Robinson, futuristic kasi yung theme kaya talaga nakakamangha. Tapos yung plot at twist, ang ganda. Nakakaiyak pa yung dulo. Basta pag disney film talaga, maganda.
Natapos na yung movie pero di pa rin natatapos yung away nilang dalawa sa harapan ko.
"Teejay, linisin mo na yung lamesa." Utos ni Kurt.
"Ganyan ka ba tumrato ng kaibigan at bisita mo?"
"Hindi, trip ko lang pag ikaw"
Sa sobrang inis, ako na yung naglinis ng lamesa at naghugas ng pinggan. Di naman sila sumunod na dalawa.
Tinignan ko yung oras, alas dos palang ng tanghali. Marami pang mangyayari ngayong araw.
Pagkatapos ko maghugas, bumalik na ako sa sala at mukhang di pa rin sila nagpapansinan. Si Teejay nagtetext, tapos si Drew din mukhang nagtetext.
"Oh antahamik niyo atang dalawa kapag wala ako?" Sabi ko sakanila
"Eh syempre wala naman kaming pinagtatalunan eh." Sabi pa ni Kurt.
Umupo uli ako sa pwesto ko.
"Ikwento niyo na lang yung storya niyong dalawa" sabi ko.
"Haha wala naman kaming nakaraan ha?" Sabi ni Kurt.
"Di naman yun tinutukoy ko, hindi naman kayo magtatalo ng ganyan kung hindi kayo sobrang close noon diba?" Tanong ko.
"Si Kurt kasi mang aagaw yan. Parang ngayon, inaagaw ka niya saken" sabi ni Teejay.
"Una sa lahat, hindi sayo si Anjo. Pangalawa, di ko inagaw si Cara sayo. Ikaw nga sinagot diba?" Sabi ni Kurt.
"Kami nga pero umaaligid ka pa rin sakanya noon. Alam mo na ngang kami diba"
"Eh kasi nauna akong nagsabi sayo noon na gusto ko si Cara, tapos nung nalaman mo bigla mo na rin siyang nagustuhan"
Di naman nakapagsalita si Teejay, mukhang guilty siya sa sinabi ni Kurt.
"Ako na nga yung totoong may gusto, ako pa yung hindi pinili" nagbago naman yung tono ni Kurt, parang nalungkot siya bigla.
"Pre, di naman ganun yun." Sabi ni Teejay.
"Okay na pre, matagal na yun." Sabi naman ni Kurt.
Biglang nagbago yung mood, from galit na galit sila sa isat isa to sumbatan hanggang sa halos magiyakan na.
"Tara shot tayo?" Yaya ni Kurt.
"Tara!" Sabi naman ni Teejay.
"Ahh hindi ako malakas uminom ha?" Sabi ko.
"Pag di mo na kaya, hindi na tayo mag iinom" sabi naman ni Teejay.
So, naglabas ng pera si Teejay at Kurt. Bumili sila ng alak sa labas, samantalang ako nagprepare ng mapupulutan. Pagbalik nila, may dala dala silang Fundador.
"Bumili ako ng pineapple juice Anjo, alam kong yun ang chaser mo eh" sabi ni Kurt pagpasok. Mukhang naiinis na naman si Teejay kasi mas maraming alam si Kurt tungkol saken kesa sakanya.
"Nice, sige tara na" pumunta kami sa sala at dun naginom. Alas kwatro palang naman at sabi ni Kurt, di uuwi mama niya.
Sa kalagitnaan ng inom, nakakaramdam na ako ng pagkamanhid ng katawan, si Teejay naman ang cute malasing, sobrang namumula, mestisuhin kasi kaya pansin na pansin. Si Kurt naman, namumula rin at pinagpapawisan, ang cute din.
"Anjo, sino ba mas lamang sameng dalawa??" Lasing na tanong ni Kurt. Mapungay na yung mata niya nung tinanong ako.
"Ahhh, ehhh" di ako makasagot, medyo lasing na rin kasi ako.
"Teejay, pare, parehas lang naman tayo ng intensyon kay Anjo diba? Bakit hindi na lang tayo manligaw ng patas?" Tanong ni Kurt kay Teejay.
"Pare, hindi kayo pwede ni Anjo, magkapatid kayong dalawa" yung tono ng boses nila, sobrang lasing na.
"Pare, sa papel lang kami magkapatid, at saka ngayong college lang naman kami nagkakilala, kaya hindi kami magkapatid" paliwanag ni Kurt.
Medyo marami na kaming naiinom, pinapababaan ko yung tagay saken kasi nahihilo na ko. Pero kina Teejay at Kurt, pataasan. Malakas uminom si Teejay pero si Kurt pansin kong nahihilo na.
"Anjo, naalala mo ba nung unang beses tayo nagkita? Ikaw pa sumundo saken nun sa airport kasi busy si mama at Kim." Kwento ni Kurt. Ang alam ko, lasing na lasing na siya kasi halos nakapikit na siya ng nakikipagusap.
"Di naman ako naattract sayo kasi di pa ako sure sa feelings ko nun. Basta ang alam ko, mabait ka at maalaga." Nakikinig lang kaming dalawa ni Teejay sa kwento niya.
"Sayo ko lang nasasabi na di ako okay sa school, kasi parang mapagkakatiwalaan ka" sabi pa niya.
"Feeling ko kasi naiinlove na ako pero inisip ko kapatid kita, kaya hindi pwede. Kaya pinigilan ko, nagfocus ako sa pagmomodel nun, kasama ko nga si Teejay. Pero ang boring ng buhay ko non, parang walang thrill kaya tinry ko lahat ng social media kahit pati omegle pinatos ko na, dun na kita nakilala"
"Atleast random stranger kausap ko, hindi ako kilala so okay lang na sakanya ko ikwento lahat ng problema ko. Naging si Superman ka at ako naman si Spiderman. Sobrang saya kayang kausap ka sa chat. Tapos nung nalaman kong ikaw pala yun, di ko alam yung magiging reaksyon ko pero ang alam ko masaya ako." Paliwanag pa niya. Medyo naluluha mga mata niya. First time ko lang makita si Kurt na ganito.
"Di ko alam kung Destiny or what, basta ang alam ko sa ngayon eto yung gusto kong gawin, yung iparamdam sayo kung gaano kita kagusto" sabi niya pa. Napansin ko ng tumulo yung luha niya. Lasing na lasing na siya talaga. Napansin ko namang nakapikit lang siya, di ko alam kung tulog na siya eh.
Parang naiiyak din ako sa kwento ni Kurt.
Pero naiihi ako, kailangan ko mag CR. Nagpaalam muna ako sa kanila at pumunta sa CR, katabi ng kusina. Paglabas ko, nakita ko si Teejay na nakatayo dun at mukhang hinihintay ako. Pulang pula yung katawan niya pati yung mukha niya.
"Oh, mag cr ka ba?" Tanong ko sakanya.
Di siya nagsalita, lumapit lang siya saken at niyakap niya ako ng mahigpit. Ang init ng katawan ni Teejay lalo na't nakainom siya.
"Uyy Teejay ano problema?" Tanong ko.
Naririnig ko naman na umiiyak siya dahil sa pagsinghot ng sipon.
"Uyyy bakit???" Nakayakap pa rin siya saken.
"Teejay anong problema??" Tanong ko. Humarap siya saken at tama nga ako, umiiyak siya.
"Wala Anjo, hehe. Naiiyak lang talaga ako" sabi pa niya.
"Naiyak ka sa kwento ni Kurt?" Tanong ko.
"Hindi, alam ko naman yung kwento niya eh. Naiiyak ako kasi feeling ko talo ako? Parang lamang na lamang si Kurt. Ang dami niyang alam sayo, alam niya kung ano yung gusto mo at hindi mo gusto, samantalang ako...... hayst" sabi niya. Tumigil siya sa pagiyak at nakatingin lang saken.
Hinawakan niya yung kamay ko at tinignan ako sa mga mata ko. Ang gwapo ni Teejay talaga, kung makatingin siya parang tinitignan niya buong pagkatao ko.
"Pinapangako ko Anjo, gagawin ko lahat makilala ka lang ng lubusan. Di ako susuko sa panliligaw sayo, kahit anong mangyari alam kong sobrang worth it lahat kung sa huli ikaw lang din naman makakasama ko" sabi niya pa.
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Agad agad?" Sabi ko.
"Oo naman. Di naman ako nanliligaw para lang sa panandalian eh, liligawan kita kasi alam kong ikaw na talaga hanggang sa huli." Nakangiti na ngayon si Teejay at mas lalo siyang gumwapo pag nakangiti.
Napangiti din ako sa sinabi niya.
"Ayan ha, ngumingiti ka. Ngumingiti rin ako, happy tayo together" sabi niya pa.
"Ewan ko sayo lasing ka lang haha"
"Lasing lang ako pero hindi nalalasing nararamdaman ko para sayo. Buhay na buhay at gustong kumawala at iparamdam sayo" bigla niya akong niyakap uli ng mahigpit at binuhat.
"Hmmmm. Ang bango bango talaga kahit nakainom" amoy niya saken.
"Tse ewan ko sayo, tara na dun, si Kurt?" Tanong ko.
"Ayun bagsak, di naman talaga malakas uminom yun ehh"
"Ikaw nga ang lakas uminom eh" sabi ko.
"Hindi ah, syempre kailangan kong lakasan para mabantayan kita. Ayokong malasing ka ng todo mamaya kung ano pa gawin ni Kurt sayo haha malibog pa naman yun"
"Haha baliw"
Inakbayan niya ako at bumalik na kami sa sala.
Bago pa kami makarating dun, narinig nameng bumukas yung pinto at pumasok si Kim na medyo mapungay din mga mata at namumula, mukhang lasing si mokong.
Nahuli niya kaming nakaakbay si Teejay saken.
"Hoy, ano to bakit nandito si Teejay tapos nakaakbay sayo ha?" Lumapit si Kim samen pero pinigilan siya ni Teejay.
"Ahhh, ganun? So totoo pala chismis na may namamagitan sainyong dalawa!" Sigaw ni Kim sameng dalawa.
"Oo nililigawan ko si Anjo, ano naman sayo?" Nakita ko reaksyon ni Kim na parang nasaktan, nagulat. Napaurong siya bigla at alam kong galit na galit siya.
"Cara!!!!!!" Sigaw ni Kim.
Napansin ko naman na may pumasok na babaeng maganda, nakayuko kasi siya at mukhang si Cara nga. Mukhang lasing na lasing rin siya. Lumapit si Kim sakanya at may binulong.
Humarap si Cara samen at nagulat ng nakita niyang magkaakbay kaming dalawa. Humigpit pa pagkakaakbay ni Teejay saken ng mga oras na yun.
Lumapit si Cara sa harap ni Teejay at sinampal niya to ng malakas. Rinig na rinig ko yung tunog ng sampal.
"Pinagpalit mo ko sa bakla, Teejay ha?!!!" Sigaw ni Cara sakanya. Tumingin lang ng masama saken si Cara.