“Hindi na. Mas gusto kong solohin ka. Ang tagal natin nagkahiwalay. Kaya dapat sa akin ka lang habang narito pa ako sa bansa. Sa akin lang dapat ang buong atensyon mo, ang mga ngiti mo, lahat dapat sa akin lang.” Napabungisngis na lang siya sa narinig at muli nang pinagpatuloy ang pagkain ng pizza. “Pero same din naman kayo ni Kuya Draven na ngayon lang din ako nakasama ulit after almost a year.” Thrynn chuckled. “My love, magkaiba kami. Masyado akong nangulila sa 'yo nang sobra sobra. Halos gabi-gabi na nga kitang napapanaginipan dahil sa labis kong pangungulila sa 'yo. So please, sumunod ka na lang sa gusto ko. Gusto ko tayong dalawa lang ang magbakasyon. No Draven, no interruptions. Just you and me.” She pouted. “Okay. If that's what you want. But wait . . . saan pala tayo magbabakas

