Oh God. Hiniling na niya na sana huwag nang bumisita pa ulit dito ang lalaking 'to. Pero bakit narito na naman? Nakakainis! “How have you been?” tanong na nito sa kaniya nang hindi na siya makasagot. “Ah o-okay lang po, kuya,” sagot na lang niya na nautal pa at mabilis nang iniwas ang tingin. “Welcome back po sa inyo.” Tumalikod na siya para tuluyan nang makaiwas. Mabilis na siyang lumakad papunta sa may elevator para sana dumiretso na lang sa kaniyang bedroom. Ngunit bago pa siya makapasok sa elevator ay bigla na lang siyang lumutang dahil sa mabilis na pagbuhat sa kaniya—na kaniyang kinasinghap na lang sa gulat at muntik nang ikatili. Sisigaw na sana siya at magpupumiglas—pero paglingon niya ay agad na namilog ang mga mata niya nang makita kung sinong mukha ang bumungad sa kaniya. “L

