DAHIL sa suhestiyon ni Felix ay mas lalong lumakas ang loob niya sa balak na pagtakas. Mas mabuti nga na lumayas na lang siya para hindi na lumala pa ang gulo sa pagitan ng mga kuya niya dahil sa kaniya. Nang sumapit ang gabi ay mas pinili niyang hindi na lang lumabas ng kuwarto. Kaya naman hinatiran na lang siya ng pagkain ng mga katulong para sa dinner. Kasalukuyan na siyang kumakain nang pumasok si Draven at kinausap siya nang mahinahon, pero sa tono ng pananalita ay halatang disappointed pa rin sa kaniya. “Next week binabalak na namin bumalik ng Bogotá, pero mukhang hindi na matutuloy dahil sa pakikipagrelasyon mo kay Thaddeus,” wika nito habang nakatayo sa tabi niya at nakahalukipkip, pinapanood siyang kumain mula sa kaniyang study table. “Ayaw nang bumalik pa ng isang 'yon, at isa

