NAGKAGULO sa mansyon kinabukasan nang hindi na mahanap pa si Roxy ng mga katulong, kaya galit na galit na naman ang mga kuya niya, lalo na nang tingnan ng mga ito ang CCTV footage at napanood ang kaniyang pagtakas na suot pa ang maid uniform. “Mga wala kayong kwenta! Paano kayo nakasan ng isang babae lang?!” galit na sigaw ni Theron sa dalawang security guard na nagbabantay sa gate at parang gusto pang barilin ang mga ito kung hindi lang mabilis na napigilan ni Draven. “Huminahon ka, hindi makakatulong ang init ng ulo mo. Kahit mapatay mo pa sila, wala rin saysay kung hindi natin mahahanap si bunso,” Draven said calmly. “Patawad po, sir, kung hindi namin nakilala, kasi kamukha po talaga siya ng isa sa mga katulong dito sa mansyon nang lumabas kanina. Hindi namin alam na makeup lang pala

