ROXY sat in front of the vanity mirror, her hands trembling as she stared at her own reflection. Nakasuot na siya ng wedding gown at tapos nang ayusan ng makeup artist na kinuha ni Thaddeus. Yes, si Thaddeus ang lalaking sakay ng kotse ng gabing 'yon. Kaya ang balak niyang pagtakas ay parang hindi rin natuloy, dahil isinama siya nito. And now here she was, trapped in his mansion in Bulacan, with no way out. At kaya siya nakasuot na ngayon ng wedding gown ay dahil gusto na siya nitong pakasalan. Ngayong araw na ang kasal nila. Pero labis-labis ang takot niya na baka mabuko na siya—malamang mabubuko na nga siya nito mamaya. Sa ngayon ay ang gusto nito na magpakasal muna sila, ceremony muna bago kukuha ng marriage license. Kaya ligtas pa ang sekreto niya na kasal na sa iba—sa ngayon. Pero

