DINALA siya ni Draven sa isang fancy restaurant at doon sila nag-dinner nang silang dalawa lang maliban sa mga staff sa loob. He had the whole place reserved. The atmosphere was quiet and refined, with violinists playing softly in the background as they ate.
Ganito lang naman si Draven, masyadong eleganteng kasama, hindi katulad ni Theron na madalas ay sa fast food chain lang siya dinadala at parang tropa lang niya kapag 'yon ang kasama niya dahil sobrang daldal. Draven was different; he had no patience for anything cheap, always choosing sophistication over simplicity.
“Kuya, puwede ko bang makilala ang mga tauhan niyo na nagbabantay sa akin?” pasimple na niyang tanong habang kumakain na. “Gusto ko lang sana silang makilala lahat.”
“Sure,” agad naman sagot ni Draven. “But why? May nangyari ba?”
Mahina siyang umiling. “Wala naman, kuya. Gusto ko lang talaga makilala.”
“Alright. Mamaya pag-uwi natin.”
Tumango na lang siya at nagpatuloy na sa pagkain. Tanging musika na lang ng violin ang maririnig.
Seriously, kung siya ang papipiliin ay ayaw niya may music kapag kumakain. Mas gusto niyang tahimik lang. Pero sanay na siya kapag si Draven ang kasama niya dahil laging ganito, sosyal masyado pero napakatahimik kasama dahil ayaw nito sa sobrang madaldal lalo na kapag kumakain.
Matapos nilang mag-dinner ay tinanong pa siya nito kung may gusto pa siyang puntahan, pero niyaya na lang niya agad umuwi.
Pagdating nila ng mansyon ay agad nga tinawagan ni Draven ang mga lihim na nagbabantay sa kaniya sa araw-araw.
Hindi na niya mapigilan ang kabahan habang naghihintay na sa living room ng ground floor. Makalipas ang halos kalahating oras ay nagsidatingan na ang pitong tauhan.
Apat na babaeng nasa mid-30s at tatlong nasa mid-30s din na mga lalaki.
“’Yan na ba silang lahat, kuya?” panigurado pa niyang tanong kay Draven matapos pasadahan ng tingin ang tatlong lalaki na pare-parehong naka-black suit at blangko lang ang mga ekspresyon, wala man lang nangahas na tingnan siya.
“Yes, 'yan na silang lahat. Bakit, may problema ba sa kanila?”
Mabilis siyang umiling. “Wala naman po, kuya. May personal na itatanong lang sana ako sa kanila. Puwede mo ba kaming iwan muna saglit?”
Kibit-balikat nang tumayo na si Draven mula sa pagkakaupo sa couch. “Alright. Take your time with them. Tawagin mo lang ako kung may problema.”
Matapos nitong sabihin 'yon ay tumalikod na at umalis na ng ground floor.
Nang makasigurong nakaalis na ito ay muli na siyang tumingin sa pitong tauhan na ngayon ay nakatingin lang sa baba at tahimik.
“Sino sa inyo ang nagbantay sa akin nung nakaraang gabing pumunta ako sa nightclub?” tanong na niya sa mga ito nang hindi na nagpaligoy-ligoy pa.
Inaasahan na niyang sasagot ang isa sa tatlong lalaki. Ngunit walang sumagot sa mga ito at nanatili lang tahimik habang nanatili pa rin ang tingin sa baba, ni wala man lang nagtangkang mag-angat ng tingin.
“Ako po, ma'am,” sagot ng isang babae.
Nangunot na ang noo ni Roxy at napabaling na ang tingin niya rito. “Ikaw? Sinong kasama mo?”
“Ako lang po, ma'am.”
Mas lalong nagsalubong ang kilay niya at binaling muli ang tingin sa tatlong lalaki. “Kayong tatlo? Kasama ba ang isa sa inyo?”
They lifted their eyes briefly, then shook their heads one after the other.
“My shift’s daytime, ma’am,” sagot ng isa.
“Ganon din sa akin, ma'am.”
“Pareho rin sa akin, ma'am.”
Nalito na siya sa sagot ng mga ito. Mukhang nagsasabi naman ng totoo.
“Kung gano'n, sino sa inyo ang bumaril sa lalaking tumangay sa akin palabas ng club?”
Walang sumagot sa tatlong lalaki at nanatili lang ang tingin sa baba.
Pero hindi niya inaasahan ang biglang paglapit ng isang babae at pagluhod ng mga tuhod nito sa harap niya.
“Sorry po, ma'am. Naging pabaya ako dahil hindi ko kayo nahabol agad. When I arrived, the two men were already dead—and you were gone.”
“What?!” Napatayo na siya. “What the hell are you talking about? Who killed those men, then?!”
Hindi na makasagot pa ang babae at nanatili lang itong nakaluhod habang nanatili ang tingin sa baba.
Mas lalo naman nainis si Roxy at mabilis na siyang lumapit sa tatlong lalaki. Nakapamaywang na siyang huminto sa harap ng mga ito. “Kayong tatlo, tumingin kayong lahat sa akin.”
Sumunod naman ang mga lalaki at tumingin nga ang mga ito sa kaniya. Mataman na niya itong pinagmasdan ang mga mukha isa-isa bago pinasadahan na ng tingin mula ulo hanggang paa. Umikot pa siya para makita pati likod ng mga ito. Maganda naman ang pangangatawan at may mga itsura. But no, hindi niya pa rin matanggap kung isa man sa mga ito ang lalaking nangahas sa kaniya nung gabing 'yon. Talagang pinaikot siya at sinamantala ang pagiging lasing niya.
“Speak,” utos na niya sa tatlong lalaki. “Sabihin niyo sa akin. My princess.”
Agad naman sumunod ang mga ito.
“My princess.”
“My princess.”
“My princess.”
Napapikit na lang siya sa narinig dahil wala man lang isa sa mga ito ang match sa boses ng lalaking umangkin sa kaniya nung gabing 'yon.
“’Yan na ba talaga ang totoo niyong boses?!” sigaw niya na hindi na napigilan pa ang magalit.
Nagitla tuloy ang mga ito na parang hindi rin inaasahan ang pagsigaw niya.
Pero pa siya makapagsalita muli ay isang masiglang boses na ang bigla na lang umalingawngaw.
“Good evening, mi amore!”
Napalingon siya bigla.
Sa kaniyang paglingon ay gano'n na lang ang paglaki ng mga mata niya nang makita kung sino ang dumating.
“Oh my God—Kuya Thrynn!” Wala na siyang inaksaya pang oras at mabilis nang tumakbo papunta rito.
Mabilis naman binuksan ni Thrynn ang mga braso nito para sa kaniya at sinalubong siya agad ng mahigpit na yakap. “My love.” Diretso na siya nitong binuhat sa baywang. “I missed you so much, mi amore.”
“Na-miss din po kita, kuya!” she said breathlessly, cupping his face between her hands. Her thumbs brushed over his jaw, her lips pouting in mock complaint. “I missed your handsome face.”
Thrynn laughed and started showering her with playful kisses on the cheek.
“Hey—stop!” she giggled, trying to pull her face away while her arms stayed looped around his neck. “Kuya Thaddeus will get mad at you again if he sees that.”
He froze mid-kiss, one brow arching as his gaze locked on hers. “And why should I care if he does? Since when is it forbidden for me to kiss my little sister on the cheek?”
She pouted and shook her head. “It’s not like that, but you know how Kuya Thaddeus is. Masyadong strict ang isang 'yon kasi dalaga na raw ako, kaya hindi na kayo puwede pang humalik sa akin kahit sa pisngi.”
Thrynn only chuckled, scooping her up in his arms as he walked toward the couch. Pero agad itong napahinto nang mapatingin sa mga tauhan na nakatayo.
“Wait. What's happening here, my love? Bakit narito ang mga 'yan?”
“Wala lang ’yan, kuya.” Tumingin na siya sa mga tauhan. “Kayong lahat, puwede na kayong umalis. Kakausapin ko na lang kayo sa susunod na araw.”
Saka lang gumalaw ang mga ito na parang nakahinga na nang maluwag at tahimik na lang lumabas ng mansyon.
Naiwan na sila ni Thrynn at dinala na siya nito paupo sa couch, pero buhat pa rin siya ng mga bisig nito.
“Nag-dinner ka na ba, kuya? Gusto mo sabihan ko ang mga katulong para ipaghanda ka?” she asked softly.
Thrynn pouted at her. “Wow, ang bait naman ng little sister ko.”
Napabungisngis naman siya at mahina itong hinampas sa dibdib. “Of course you're my brother, siyempre ayokong magutom ka, 'no.”
Napahalahkhak lang si Thrynn at pinaupo lang siya sa kandungan nito bago marahan nang hinawi-hawi ang ilang hibla ng buhok na kumalat sa mukha niya.
“At last,” he murmured, his eyes warm yet intent, “I finally get to see my beautiful little sister again.”
Muli naman siyang napabungisngis. “Let's go to my room, kuya. Kuwentuhan mo na lang ako hanggang sa makatulog.”
Agad naman itong pumayag. “Alright.” Tumayo na ito at binuhat na nga siya paalis ng ground floor.
Pero kahit nasa loob na sila ng elevator ay buhat-buhat pa rin siya ng mga bisig nito. At siya naman ay parang bata na sumiksik lang sa dibdib nito at ginalaw-galaw pa ang kaniyang mga paa sa hangin dahil sa pagiging komportable niya sa pagbuhat nito. Favorite na niya yata ang mga bisig nito dahil lagi na lang siyang binubuhat.
Sa limang kuya-kuyahan niya ay itong Thrynn lang ang masasabi niyang pinakamalambing sa lahat. kapag nasa mansyon lang ito ay laging siya ang nakikita, siya ang napapansin, buong atensyon ay nasa kaniya. Kaya minsan ay pinagseselosan na rin ito ni Thaddeus, pinagbabawalan na siyang magpabuhat dito at maupo sa kandungan nito kahit alam nitong wala namang malisya ang pagiging malapit nila, dahil alam niyang nakakabatang kapatid lang ang turing sa kaniya ni Thrynn. Sadyang malambing lang talaga ito at makulit minsan. Halos magkapareho lang kay Theron, pero 'yon naman ay hindi lang makulit kundi sobrang daldal, parang kaibigan kung ituring siya, dahil madalas ay pinipingot siya sa tainga kapag nagkukulitan sila at inaasar siya. Kaya madalas siyang mapikon, pero sinusuyo naman siya agad.
“Maliligo lang ako saglit. Babalik ako agad,” paalam na ni Thrynn sa kaniya at matapos siyang ilapag sa kama ay lumabas na ito.
Naiwan naman siya sa kaniyang bedroom at naghintay na lang habang pangiti-ngiti na. Sobrang saya niya na narito na kasama niya muli ang dalawa niyang kuya. Tatlo na lang ang kailangan niyang hintayin at mabubuo na ulit sila.
Naglaro na lang siya ng video game sa kaniyang phone habang naghihintay. Ngunit sa kalagitnaan ng paglalaro niya ay isang text message ang bigla na lang dumating.
From Unknown: I want to f**k you again, baby. I want to bury my tongue in your p***y, lick that wet c**t until you’re shaking and begging me not to stop. I want to stretch you open and pound you so hard again until you’ll forget how to breathe, then flood you deep with my c*m. God, I need you tonight. I want to f**k you so hard and deep until you can’t walk.
Nanlaki na lang bigla ang mga mata niya sa nabasang mensahe. Nanginig na ang kamay niyang may hawak sa phone.
“This bastard.” Nanggigil na siya at mabilis nang tumipa ng reply.
To Unknown: How dare you deceive me! You’re not Thaddeus—you bastard! I swear I’ll kill you myself! Maghintay ka lang at ipapaputol ko ang d**k mo sa mga kuya ko! You filthy rapist!
Agad naman itong nag-reply sa kaniya.
From Unknown: Why are you so mad, baby? Come on, I didn’t rape you. You gave yourself to me—I claimed you because you wanted it. You kissed me back, you moaned for me, begged me to suck those soft little n*****s. You opened your sweet p***y for me, let me f**k you hard, and God . . . you loved it. You’re my favorite flavor now—salty, sweet, addictive. Don’t lie to yourself, baby. You want me again, don’t you? What if we meet tonight or tomorrow night? Just you and me.
Parang mas lalo siyang nanggigil sa reply nito. Napapikit na lang siya saglit para pakalmahin ang kaniyang sarili, bago muling nag-reply.
To Unknown: Fine. Let's meet again this coming weekend. Same nightclub. 9PM.
After sending the reply, she quickly turned off her phone in anger and climbed out of bed. She went straight to the drawer, pulled it open, and took out a stun gun hidden inside. She switched it on and smirked as she tested it, satisfied to see it was still working.
“Sige, magkita tayo ngayong weekend. Tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari sa 'yo kapag naibigay kita kina Kuya.”
Napangisi na lang siya sa naisip na plano at muli rin binalik ang stun gun sa loob ng drawer bago bumalik na sa kama.
Moments later, the door opened and Thrynn walked in, freshly showered, dressed in sleek black satin pajamas. May dala pa itong isang glass ng milk.
“Hi, my love. Here's your milk.” Nilapag na nito sa ibabaw ng nightstand.
Natawa naman siya. “Kuya, hindi na ako umiinom ngayon ng gatas sa gabi. I’m nineteen now, almost twenty. Wine suits me better.”
Thrynn chuckled and climbed onto the bed. “Alright then. Tomorrow, I’ll bring you wine instead.”
Still smiling, she lay her head on his lap. Marahan naman nitong hinaplos-haplos ang buhok niya pagkahiga niya.
“Kuya,” she murmured, looking up at him, “what if I kill someone?”
Natawa naman ito sa tanong niya. “Don't hesitate. I’ll take care of the corpse,” sagot nito na akala'y nagbibiro lang siya.
“Makukulong ba ako kapag nahuli ako?”
“Makukulong?” He let out a low chuckle. “Come on, lil sis. As long as I’m alive, the law doesn’t exist for you.”
Natahimik naman siya.
She had never killed before. But right now, the fury in her blood made her want to. Nagagalit talaga siya sa lalaking 'yon dahil naloko siya nito. Parang gusto niya itong sakaling na lang kung nasa tabi lang sana niya ngayon.
“Why? Who dared to touch you? Don’t dirty those hands. Give me a name, and I’ll blow their skull open and rip their guts out with my own hands.”
“Never mind, kuya. Patulugin mo na lang ako at kantahan.”
Thrynn smiled, brushing his fingers through her hair. “Alright. I know you miss my sexy voice—”
“Bad voice, you mean,” she teased, forcing a small grin before closing her eyes. “Hindi ka naman talaga magaling kumanta.”
Napaasik na lang si Thrynn. “Tsk. You little basher.” He pinched her cheek softly, but still sang to her anyway.
Safe in the warmth of his lap, with his fingers combing through her hair, her anger finally ebbed. Hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog sa mahina nitong himig.