Chapter 17

1239 Words
"T-These little kids are really. . .monsters. They played non-stop, they ride on me on the back as if I am a—dang! As if I am a horse! They want to kill me, they really do!" Halos gumuho ang mundo ko sa narinig. Is he serious? Did I hear him right? "Ipalinawang mo nga ang nangyari," Kalmado kong lintanya kay Jin. Ang kaninang pag-aalala ko ay naglaho at napalitan na kung anong galit sa nalaman ngunit pinananatili kong kalmado ang aking sarili dahil na rin tulog sila Apple sa tabi nito. Napapikit ito at bumuntong-hininga na tila ba nahihirapan sa kanyang sitwasyon na kung tutuusin naman ay maayos ang higa ng mga bata sa kanya. "Can you please put away these kids from me first? Hindi ko alam ang gagawin ko, I can feel the numbness all over my body for pete's sake!" Reklamo nito ngunit hindi ako gumalaw o lumapit man lang sa kanyang higaan. Ang kailangan ko ay ang paliwanag niya. I almost went crazy because of what did tapos ganito lang pala madadatnan ko?! I thought he was in pain—something that might kill him! Or I thought he and the kids are in danger pero hindi ko naman aakalain na he is really a total crybaby and over dramatic! Tinignan ako nito ng masama dahil hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Parang gusto ko tuloy ipa-head lock na lang ito kay Ken dahil sa nakakainis nitong kaartehan. "You wasted my precious time, Jin Juevas. Nilaro ka lang ng mga bata at napagod kaya nakatulog sayo tapos sasabihin mong they almost killed you?! And you even dare to call me and made me worried so much!" Sigaw ko rito sa sobrang inis ngunit mahina ko pa rin itong binibigkas sa kanya. Alam mo yung pakiramdam na kumukulo na ang dugo mo but you can't shout so loud because the kids might woken up? Nakakagigil sobra. "Let me explain after you put them on your room, please." Hindi ko ito pinakinggan. Halatang umiiwas ito sa pagtatanong ko sa kanya kasi he knows na he did something na makakapagkulo ng dugo ko. "Dahil ayaw mo talagang sumagot that would be your punishment. Sleep with the kids tonight. Have a great night, Mister Jin." Mariin kong wika at mabilis na lumabas ng kwarto. Hindi na ito nakasigaw pa nang makalabas ako dahil paniguradong hindi niya magugustuhan ang mangyayari kapag magising ang mga bata. Mabibigat na yabag akong naglakad patungo sa aking kwarto at binagsak ang katawan sa malawak kong higaan dahil sa pagod. Nakatingin lamang ako sa itaas na walang kahit anong thoughts na nagpatulog sa akin ng mabilis. Kinaumagahan ay nadatnan ko sila Apple sa aking higaan na nakaupo habang pinagmamasdan akong tumayo sa pagkakahiga. Namimikit pa ang aking matang yumakap ako sa mga ito dahil para bang isang buwan ko silang hindi nakita at nakasama. "Mish mo kami mommy 'no? Hihihi!" Hagikhik ni Red sa kalagitnaan ng aking mahigpit na yakap sa kanila. Niyakap ko pa ulit ang mga ito ng mahigpit. "Ang saya po namin kahapon! Naglaro kami ni Mr. Jin buong magdamag!" Pagkwento ni Apple sa akin na masigla. Halata sa mga mata nito ang saya na hindi niya masyadong napapakita noong nakaraan. "Nag-enjoy naman ba kayo?" Nakangiti kong tanong rito na mabilis nilang tinanguan. Hindi ko tuloy maiwasan pagmasdan ang masaya nilang reaksyon. Mapapaisip ka na lang talaga kung bakit hate na hate ni Jin ang mga bata dahil napaka-cute at loving nila. “Pero why are tou still calling him Mr. Jin? Diba I said na ang tawag niyo na sa kanya ay daddy or papa?” Wika ko na may nagtatanong na mata. Ngumuso ni Red at yumuko. “Kashi sabi niya nakaraan Mr. Jin lang nag itawag namin sa kanya eh,” Malungkot na tugon ni Red sa akin na sinang-ayunan naman si Apple. “Kasi he hates kids daw. Something happened daw sa kanya with the kids before,” Pagkuwento ni Apple sa akin. Hindi ako nakapagsalita dahil sa narinig. Biglang lumambot ang puso ko nang ma-imagine ko ang pangyayari na sinabi ni Jin sa mga bata. At lalong lumambot ang puso ko nang malaman na nagkuwento pala ito kina Red Apple kahit na hindi niya gusto sa mga bata. Nakaramdam ako ng guilty sa mga pang-iinis ko sa kanya noong mga nakaraan. “Where’s your Dad?” I asked at nag-ayos para makababa na. Nang makababa kami ay bumungad sa akin ang mga katulong na naglilinis ngayon dito sa baba. Nakita ko si Faye na seryosong nag-uutos sa mga katulong na baguhan kaya hinayaan ko na lang ito at lumakad na papunta sa guest area. Doon ko natagpuan ang lalaking nakahiga sa mahaba at malawak na sofa. Alam na alam kong si Jin ito kahit nakahiga dahil kabisado ko na ang built ng katawan nito. Nilapitan ko ito at nakita ang mapayapa nitong pagtulog. Nakaramdam ako ng awa at tila ba kasalanan ko na napuyat ito. Gusto ko sana itong gisingin para sabihin na matulog muna siya sa kanyang kwarto ngunit hindi ko ginawa. Tinignan ko muna ang mga bata kung nasa paligid ba ngunit narinig ko ang mga tinig ng mga ito sa labas kaya hinayaan ko ang mga ito at pasalampak na umupo sa sahig katawan ng mukha ni Jin. Tulog na tulog ito at tila pagod na pagod. Kinapa ko ang noo ni Jin kung mainit ba ang pakiramdam nito ngunit naramdaman ko ang init nito kaya nataranta ako. “T-Teka—paano ba ‘to ang init m-mo!” Wika ko at tumingin sa paligid. Tumayo ako at kinuha ang phone ko upang tumawag sa ospital. Hindi ako mapakali dahil hindi ko alam ang gagawin ko. “Bakit walang nasagot?” Kinakabahan kong wika. Maya-maya lang ay narinig ko ang mahinang boses ni Jin kaya agad ko itong nilapitan at nag-aalalang tinignan ito. “Kamusta pakiramdam mo? Okay ka lang ba?” Pagtanong ko nang sunod-sunod. Tumango ito at dahan-dahang umupo sa pagkakahiga. Inalalayan ko ito at umupo sa tabi niya. Magsasalita pa sana ako nang bigla itong humiga sa balikat ko na nagpahinto sa akin. “C-Can we stay like this for a while Nanghihinang pakiusap nito sa akin kaya wala na akong nagawa kundi payagan ito. Naalala ko kasi bigla ang sinabi ni Apple kanina kaya naramdaman ko na naman ang guilt sa aking puso. He stayed asleep on my shoulder for how many minutes na hinayaan ko lang. Hindi ko alam pero I honestly want him to stay like that for more than hours. “S-Sorry…” Mahinang wika ko sapat lang para marinig niya. “Hmm, for what?” Malambing nitong tanong. Sa pagkakataong ito ay nararamdaman ko naman ang puso ko na tila nagwawala sa sobrang dami kong nararamdaman ngayon. Ngayon ko na-realize na familiar pala ang pakiramdam na ito dahil minsan ko na itong naramdaman sa unang lalaki na nagpabaliw sa akin ng husto, si Timothy. Nanlaki ang mata ko nang ma-realize ang taong iyon. Ang taong naging dahilan kung bakit ako nagpakasal. Ang taong naging dahilan kung bakit nagkaroon ako ng dalawang anak. At ang taong nagpadala ng misteryosong box noong nakaraan. “Hey, why are you apologizing nga?” Inangat na niya ang ulo at tumingin sa akin ng mapungay. Bahagya akong ngumiti rito na ikinataka niya. Hinawakan ko ang batok nito at bigla na lang itong hinalikan na nagpagulat sa kanya ng husto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD