Chapter 18

1203 Words
“W-What just happened?” Sa dami-daming pwede kong gawin na pagkakamali, ang paghalik pa kay Jin ang nagawa ko. Parang gusto ko na lang maglaho sa harap nito dahil bagama’t nanghihina ito dahil sa kanyang nararamdaman ay kita pa rin ang kanyang nalilitong ekspresyon. Lalo rin tumindi ang pamumula nito sa kanyang pisnge na sa tingin ko ay dahil sa nakakagulat kong paghalik rito. “I…I’m sorry! N-Nadala lang ako ng emosyon ko,” Paghingi ko ng paumanhin at umiwas ng tingin. “What? Wala lang iyong halik na binigay mo?” Nahimigan ko ang boses nito na tila ba nasasaktan kaya napaangat ang tingin ko kay Jin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon dahil sa nakita. Tikom ang kanyang bibig ngunit ang kanyang mata ay tila nasasaktan. “I—I’m really sorry, Jin. Sobrang natuwa lang ako dahil sa tingin ko alam ko na kung sino ang taong nagpadala sa akin ng box,” Paliwanag ko. Napakislot ako nang hawakan nito ang kamay ko at hinalikan na ikinagulat ko. Ngumiti ito sa akin na para bang hindi ko ito nakitaan ng lungkot kanina. “Is that your reason for kissing me? Then, I am glad you kissed me because you’re happy. At least alam ko na kung bakit mo iyon ginawa.” Naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko dahil sa sinabi nito na para bang sasabog ang puso ko sa kakaibang pakiramdam na ito. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Jin na ikinangiti niya pa ng husto. “Kiss me when you’re happy, when you’re sad, when you’re hurt and when you fall in love me already. I willingly let you do that to me, Athena because I am already yours the day when we got married,” Halos hindi ko na kayanin ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa mga salitang binitawan ni Jin. Nakatitig lamang kami sa isa’t-isa na para bang ayaw na nitong bumitaw. Tumingin ito sa aking labi na ikinalunok ko. Is he going to kiss me? Pinikit ko ang mga mata ko nang unti-unti itong lumapit sa akin. Halos mag unahan sa pagtakbo ang t***k ng puso ko dahil sa kalagayan ko. Ano bang nangyayari sa akin? Nagkakagusto na ba ako kay Jin? Naramdaman ko ang isang malambot na bagay ang dumampi sa aking labi. Libo-libong boltahe ang naramdaman ko sa aking katawan dahil sa banayad na halik ni Jin. Yes, Jin kissed me! The billionaire man kissed me! Naramdaman ko ang paggalaw ng labi nito na para bang humihingi ng permisong pumasok sa aking bibig. Hindi ko alam kung bakit pero I let him in by kissing him back. Para bang may sariling pag-iisip ang labi ko sa ginawa kong paghalik. “Are they eating each other’s lips?!” Napadilat ako sa maliit na tinig na nagsalita, si Red. Naitulak ko papalayo si Jin sa sobrang pagkagulat ko at kinakabahang tumingin sa dalawang bata ngayon na nakatingin sa amin—nagtataka kung ano ang ginagawa namin lalo na si Red. Halos mahiya ako sa ginawa namin ni Jin. Hindi ko man lang inisip na may kasama pala kaming bata rito. Tinignan ko si Jin upang humingi ng tulong ngunit tila ba wala ito sa sa sariling nakangiti sa kawalan. “J-Jin, the kids are looking at us,” Mahinang bulong ko ngunit para bang hindi ako nito narinig. Sa inis ko ay pinisil ko ang linky finger nito na siyang ikinabalik ng kanyang ulirat. “Ouch! Why did you do that, Athena?!” Kunot noo nitong singhal sa akin na inirapan ko lang. Nginuso ko ang pwesto nila Red kaya napatingin ito roon. Napanganga ako ng ngumiti ito at kumaway. “Good morning, little monsters! Did you sleep well last night?” Masigla nitong wika at mabilis na lumapit sa mga bata na talagang ikinagulat ko. Tumayo na rin ako at lumapit sa kanila. Ginulo ko ang buhok ng mga ito at nahihiyang ngumiti dahil sa kanilang nakita kanina. “Yes, Mr. Jin.” Maikling wika ni Apple. Tumango si Jin at ginulo rin ang buhok nito. “Tara, kumain na tayo ng breakfast?” Pagyaya nito sa mga bata at tumingin sa akin. Kinuha nito ang kamay ko at pinagsiklop ang kamay naming dalawa. Ngumiti ito sa akin at hinila na ako kasama ang mga bata. Natapos ang umagahan namin na para bang isa kaming pamilya. Sa unang pagkakataon ay nakasabay namin si Jin lamesa na masaya na walang simangot. Habang tahimik lang ang dalawang bata habang kumakain at panaka-nakang tumitingin kay Jin na para bang nagtataka sa kakaibang kinikilos ni Jin. Narinig ko pa ang bulungan ng dalawa na palihim kong ikinatawa. “Kita mo ba ‘yun? Bait ni Mr. Jin ngayon ‘no?” “Because mommy kissed him earlier,” “Yung pagkain ba ni Mr. Jin sha lips ni mommy?” “Yes. That’s what you called kiss, brother.” “Paano mo nalaman? Did you kiss someone?” “You little monster! I’m just 7 years old to do that!” Napatingin ako sa bandang kitchen nang mahagip ng patingin ko si Grey na pahalumbabang nakatingin sa amin—sa akin ng sa tingin ko ay nakangiti. Tinaas nito ang kanang niyang kamay at bahagyang kumawa sa akin na nginitian ko. Hindi ito nakita ni Jin dahil busy ito sa pakikipag-usap kina Apple. Mabilis lumipas ang oras at hapon na. Suot ang aking salamin na pambasa na inasikaso ang mga dumating na reports sa akin ng aking hotel. As usual, ni-review ko ang mga ito kung umangat ba ang kita namin o bumaba pero dahil kilala ang hotel ko para sa mga business owners ay halos triple ang tinaas ng sales namin. “You’re working so hard, my Luna,” Nakangiting papuri ko sa aking hotel. Sunod kong inasikaso ang mga birth certificate and other documents nila Apple. Gusto ko na rin kasing maayos ang papeles nila para maiwasan ang problema. Saglit akong umunat dahil sa pananakit ng aking likod sa sobrang ngalay. Nagbukas ako ng aking f*******: account at nag-scroll. Bumungad sa akin ang mga batchmates ko at ibang friends kong hotel owners na kasama nila ang kanilang anak papunta sa school. Napaisip ako bigla. “Kailangan na ba nila Apple pumasok sa school?” Bulong na tanong ko sa aking sarili. Nagtipa ako sa aking laptop at nag-search sa google kung anong edad pwede ng mag-aral ang bata. Napatango na lang ako nang makita na pwede na palang mag-aral sila Apple. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang aking secretary. Ilang segundo pa lang ang nakalilipas nang sagutin ng aking secretary ang tawag. “Hello, Ma’am Athena? May kailangan po ba kayo?” Hindi muna ako sumagot dahil iniisip ko kung pwede ko na ba talaga papasukin ang dalawang bata dahil parang medyo baby pa sila para sa akin. Ngunit sa huli ay napagpasyahan kong pag-aralin na ang mga ito dahil mas maganda nga naman na mag-aral na ngayon pa lang ang mga ito para mahasa na ang kanilang isipan. “Please find me the best school for my kids. I want them to build their knowledge and skills more from now on,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD