Chapter 19

1335 Words
Mag-iisang buwan na ngayon, masasabi kong naging normal na ulit ang bawat araw na dumaraan. Nawala na rin ang pangamba at takot ko simula noong magpadala si Timothy ng isang box na punong-puno ng litrato namin at mga larawan ng mga personal na gamit ko noon. Naging tahimik at wala na kasing nangyaring masama matapos ang pananakot nito sa akin na siyang pinagpapasalamat ko ng sobra sa Diyos. Mas naging malapit pa ako sa mga bata ngayon dahil sa ilang linggo na naming pagsasama sa bahay—lalong-lalo na kay Jin. Hindi lang kami mas naging malapit dahil palagi pa ako nitong hinahalikan sa noo tuwing aalis ang isa sa amin sa bahay at katulad noon ay nararamdaman ko pa rin ang mga paru-paro sa aking tiyan tuwing ginagawa niya ang mga bagay na paghalik sa noo, pagyakap at pagkausap nito sa akin ng malambing at mahinahon. Ewan ko ba, maski titigan nga lang ako nito o ngitian, nag-uunahan na sa paglipad ang mga paru-paro sa aking tiyan. Si Chef Grey naman ay as usual, nasa bahay tuwing kailangan namin ito. Nasabay rin itong kumain sa amin sa hapag kapag sinasabi kong sumabay sa amin lalo na kapag wala si Jin pero kapag magkakasama kaming pamilya nila Jin ay kusa na lang itong umaalis. Marahil ay natityempuhan lang na kailangan siya sa kanyang restaurant kaya hindi ko na ito inisip pa. Si Red at Apple naman ay nagsimula nang pumasok sa Amethyst Pre-school na recommended ng aking secretary na si Sunny. Ang pagkakaalam ko ay sa Amethyst rin nag-aaral ang mga anak ng ibang politicians, mga artista at ibang mga mayayaman na kahanay ko rin sa trabaho. Sa ngayon, mas naging less ang paglalaro ng dalawang bata tuwing nandito sila sa bahay dahil na rin siguro ay kinukuha ang lakas nila sa paaralan sa pag-aaral. Kilala rin kasi ang school na iyon na matindi at magaling magturo sa mga pre-schoolers na talagang mamamangha ka. “Doon na lang kaya tayo sa loob ng car ko kumain? Nilalamok na ako dito eh, tsk.” Reklamo ni Jin na siyang nagpailing sa akin. Masasabi kong nagbago na ang pakikitungo nito sa akin at sa mga bata ngunit nandoon pa rin ang over dramatic nito at crankiness nito sa mga bagay-bagay. Kasalukuyan kasi kami ngayon na nasa Green Nature’s Park kung saan naisipan namin mag picnic kasama ang mga bata. Ang lugar na ito ay sobrang viral na sa toktok dahil sa natural at na ganda at malinis na lugar na ito kahit pa halos mapuno na ang lugar sa sobrang daming tumatambay rin dito kasama ang kanilang pamilya. “You’re so dramatic, Mr. Jin. Hindi pa nga tayo nakakaupo ng 5 minutes dito eh,” Pagsupalpal ng batang Apple kay Jin na ikinasimangot naman nito at dinilaan pa si Apple upang asarin. “Diba picnic ‘to mommy? Ang saya naman ng picnic!” Masiglang wika naman ni Red at nagtatatalon. Nakisali naman si Apple kay Red at tumalon talon rin. Tawa lang ako ng tawa sa sobrang bibo ng dalawa. Si Jin naman ay hindi na naman mapinta ang mukha na tila ba naiinis siya kina Apple kaya tinawag ko ito at sinuway. “Kasi naman ang kulit kulit nila! Tinitignan ko pa lang sila, nauubos na lakas ko!” Reklamo nito sa akin. “Kasi nga they are still kids. Kids are meant to experience fun and enjoyment on their lives! Kung hindi sila magkukulit, ano na ang mangyayari sa mundo na puno ng problema?” Lintanya ko. Pumitsik lang ito at bumuntong hininga. Tinignan ko ulit sila Apple na masayang naglalaro. I just love seeing them happy and having fun everyday kaya nasabi ko iyon. Hindi naman ito opinyon nang nakararami pero dahil nagbibigay ng kakaibang saya sa aking puso na makita ang mga bata na walang problema, naisasantabi ko ang mga iniisip ko kahit sandali because of them. Besides, I want them to experience things paunti-unti na makakatulong rin sa kanila once they are in their right age. Kinuha ko ang phone ko sa tabi nang mag-vibrate ito at nakita ang isang mensahe na nagpa-excite sa akin ng todo. “Oh my gosh! Gianna will be here tomorrow!” Masayang wika ko. Si Gianna Morwell ay isang fashion designer, may-ari ng mga sikat na clothes sa ibang bansa at aking best friend. Sobrang fashionista at bubbly ng taong ito na gustong-gusto ko dahil nahahawa ako sa kanya. “Who’s Gianna? A woman or a man?” Napaikot ang mata ko sa tanong ni Jin sa akin. Kunot ang noo itong nakatingin sa akin habang naghihintay ng sagot. “Malamang Gianna is a she, duh! Kaya nga Gianna eh,” “Mabuti nang malinaw. I don’t want any close friend of yours na lalaki who will contact you or make something na makakasira ng rules sa kontrata natin, right Athena?” Pagdiin nito sa pangalan ko. Naalala ko tuloy bigla ang ginawa naming kontrata. Kung hindi lang ito may pirma naming dalawa ni Jin siguro matagal ko ng pinunit ito. Nakakainis pero dahil ako ang nanghingi ng tulong noon sa kanya, hindi ko magawang tapusin na lang ang contract. Isa pa, mawawalan talaga ako ng ari-arian. “Hey, little monsters! What do you want to eat? I’ll buy food for everyone,” Tanong nito sa mga bata at tumayo. “Wait, Mr. Jin! Shama ako sa’yo! Shama ako!” “Ayoko!” “Ako rin sasama!” “No, ayoko ng makulit!” “Please shama kami ni Apple!” Nakatingin lang ako sa kanilang tatlo and seeing them makes me happy. Ang saya nilang panoorin. Napatingin ako kay Jin. I saw a glimpse of longing and happiness in his eyes na para bang he wants to be happy with the kids or he wants to be good with the kids. But his past experience are still lingering on his mind kaya mas nangingibabaw ang pag-iwas nito sa mga bata. I don’t know what happened in the past but I hope masabi niya ito sa akin. “Oo na, sige na nga! Basta pilitin niyong isama si mommy ha!” Nabalik ako sa ulirat nang may maliliit na kamay ang humawak sa akin. Nagulat na lang ako nangpilit akong hilain nila Apple sa magkabilang kamay na para bang pinapatayo ako ng mga ito. “Anong ginagawa niyo?!” Nagtatakang tanong ko. “Sama ka sa amin mommy! Bili tayo pagkain marami!” Red exclaimed. “Please mommy sama ka na ha?” Pakiusap naman ni Apple kaya wala na akong nagawa kundi tumayo. Ang balak ko pa naman sana ay hayaan ang mga ito mag-bonding para magkalapit na agad sila pero ang ending pala ay kasama pala ako sa kanila. Tinitigan ko si Jin na ngayon ay nakangisi na. Sinimangutan ko ito dahil sa pinagawa niya sa mga bata. “May araw ka rin Jin Juevas. Sisiguraduhin kong mauubos energy mo sa mga bata!” Pagbabanta ko rito na tinawanan niya lang. Dumiretso kami sa napaka-kulay at mamahalin naming sasakyan. Hindi ko alam kung hahagalpak ba ako ng tawa o aasarin si Jin nang makita ang mala-rainbow na sasakyan ni Jin na Royce. Ginamit kasi namin ang sasakyan na ito papunta sa lugar na ito dahil gusto-gusto nila Red at Apple na sakyan ito kaya ang ending ay ginamit namin ito. “This is so embarassing talaga,” Mahinang wika ni Jin sa kanyang sarili nang makita muli ang sasakyan niya. Habang ang mga bata naman ay tuwang-tuwa na hawakan ang sasakyan dahil sa kaakit-akit nitong kulay. Pinasakay ko muna ang mga bata sa loob at siniguradong naka seat belt sila ng maayos. Pagkatapos ay pumasok na rin ako sa unahan katabi ni Jin. Nagsimulang tumunog ang makina. “Are you ready to have fun, little monsters?!” Sigaw ni Jin sa mga bata na nakangisi. “Yes! We are ready Mr. Jin!” Matapos magsalita ng mga bata ay agad pinatakbo ito ni Jin. Rinig na rinig ang sigawan nila Apple na tuwang-tuwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD