Hindi na kami nakabalik nila Jin sa park dahil nagustuhan ng mga bata dito sa mall na napuntahan namin. Kasalukuyan kami ngayon na nasa loob ng malaking PlayZone kung saan makikita ang iba't-ibang klase ng mga laro katulad ng car racing, game slots kung saan maghuhulog ng token para makakuha ng mga bears o anuman bagay at may mga videoke stationary pa.
"Mommy! Mr. Jin! Pwede kami lalaro ni Apple doon sa car racing?"
Hinawakan ni Red ang dulo ng damit ko at excited itong nagsalita. Namumula ang magkabilang pisnge nito na tila isang kamatis na kaya tumango ako rito at pinisil ang pisnge dahil sa panggigigil. Agad nagtitili ang mga ito at tumakbo patungo sa bakanteng car racing station at naglaro kahit wala pang token na nilulusot. Natawa ako. Hinila ko si Jin upang samahan ako pumunta sa cashier at magpapalit ng mga tokens. Bumili na rin ako ng PlayZone card na at nilagyan ito ng load na halagang 50,000 pesos.
"That's too low, Athena. Add more a hundred thousand to make the kids play unlimited," Turan ni Jin at nilabas ang kanyang black card gaya ko.
"B-Black card? Mayayaman ba ang mga 'to?" Nanlalaki ang matang bulong ng babae sa cashier area. Nagpabalik-pablik ang tingin nito sa amin na tila namamangha.
"Isn't that too much? Your hundred thousand can help more kids in the orphanage already." Pagsambit ko na inilingan niya.
"Don't worry about it, I'm going to donate on your supported orphanage more than a hundred thousand. Ilaan mo na lang ito para sa mga bata," Hindi ko alam kung nagyayabang ba ito sa hindi mapagsidlan nitong pera o talagang ganun lang siya magsalita dahil totoo naman na kaya niyang maglabas ng higit pa sa isang daan libo para sa orphanage.
"Okay, ikaw bahala." Kibit balikat ko at hinayaan na lang ito ngunit biglang sumingit sa pagsasalita ang babae kanina.
Naiilang na nakangiti ito sa amin sa hindi ko malaman na dahilan. "Ah—excuse me lang po, Ma'am and Sir. Gustuhin ko man hayaan kayong mag-usap ngunit gusto ko lang po ipaalam na hanggang one thousand pesos lang po ang limit ng aming PlayZone card," Napakamot ito sa kanyang ulo at naiilang na bumalik sa kanyang pwesto.
Napabuntong hininga ako dahil sa nalaman. I thought this PlayZone card can have unlimited loads, sayang. Humingi ako dito ng paumanhin at nagpapalit na ng worth two thousand pesos na token at paunti-unting binigyan si Apple at Red. Tuwang-tuwa ang mga ito at para bang amazed sa mga token na hawak nila.
Halos umabot ng dalawang oras ang mga ito sa paglalaro. Samantalng kami ni Jin ay pinanonood lamang ang mga ito kahit pagod na rin.
"Ngayon ko lang nararamdaman ang pagod sa pagbabantay sa mga bata," Panimula ko sa gitna ng aming katahimikan.
"Ngayon alam mo na ang sinasabi ko." Pag-iling nito. Sa halip na makitaan ko ito ng ekspresyon na 'I told you' ay halata pa rin ang tuwa nito kina Apple at Red. Parehas na kami ngayon nakaupo sa mga bakanteng upuan ng ibang game slot. Sa tabi naman nito ay may isang maliit na photo booth kung saan nakita ko ang dalawang magkarelasyon n pumasok roon at nag-picture na siyang nagpangiti sa akin dahil sa tuwa.
They pose a lot of wackys na nagpapatawa sa akin. They even kiss esch other before taking the last picture of them. Nalingon ko si Jin na nakatayo na at nakahawak na sa aking kamay.
"Let's take a picture, Athena. Don't worry about the kids dahil makikita naman natin sila sa loob ng booth," Hindi ko alam kung paano ako natangay nito basta ang alam ko lang ay nasa loob na kami ng booth at naghahanda.
Nagsimulang umandar ang timer sa unang pagkuha namin ng litrato kaya inayos ko ang aking sarili at ngumiti. Ginaya ako ni Jin at bahagyang nakahilig sa akin. Aalis pa sana ako nang makuhaan na kami ng litrato.
"Let's change the first picture." Presenta ko ngunit umiling lang ito at hindi ako pinakinggan.
"Ready for the second shot," Sambit nito at pumusisyon na. Hindi agad ako nakapag-wacky dahil nakatingin lang ako kay Jin sa pag nose crunch niya. Na-cute-an kasi ako sa itsura niya kaya na-distract ako at hindi nakatingin sa camera kaya ang ending ay si Jin lang ang maayos ang kuha.
"Wait—baguhin natin 'yon! Hindi ako nakatingin doon eh!" Reklamo ko.
"No way! Ang cute nga natin dyan eh!" Mariin na tanggi ni Jin na bahagya kong ikinainis. Saan banda ang cute dyan?! All I can see is myself looking amazed at Jin's cuteness!
"Ikaw lang ang cute na nakita ko dyan oh!" Maktol ko ngunit inasar lang ako nito at binelatan na para bang isang bata. Inikutan ko na lang ito ng mata at hinayaan na lang.
Natapos na namin ang tatlong shots kaya naghanda naman kami sa pang-apat. Nilingon ko muna sila Apple sa pwesto nila upang tignan kung okay pa sila doon na siyang agad na ikinaluwag ng dibdib ko dahil naglalaro pa sila doon.
"Tingin ka na dito Athena!" Pagkuha ni Jin ng atensyon ko kaya mabilis na napalingon ako sa camera at inayos ang kamay ko papuso. Ngunit hindi ko naman inaasahana ang pag-akbay ni Jin sa akin at pag-puwesto ng kanyang kamay na naka-akbay sa aking pisnge upang gumawa ng half heart. Matatapos na sana ang timer ng ganun lang nang biglang ilapat ni Jin ang kanyang labi sa aking kabilang pisnge na nagpagulat sa akin. Sakto naman na nakuhaan kami ng litrato at halos mamula ang pisnge ko dahil sa nakitang picture na lumabas.
Kinuha agad ito ni Jin na may ngiti sa kanyang labi. Tinitigan lang niya ito at humahagikhik samantalang ako ay nakakaramdam ng hiya.
"Oh my gosh, mommy! Gushto ko rin picture kami Apple!"
Nagliwanag ang mukha ni Red nang makita kami dito sa loob ng booth at nagmadaling tumakbo dito na iniwan ang kanyang nilalaro. Sumunod si Apple kay Red. Pinalapit ko ang mga ito at pinasok sa loob ng booth. Saglit akong lumabas upang maalis ang nararamdaman kong init sa aking pisnge.
Rinig ko ang tuwang-tuwang boses ng mga ito. Hindi lumabas si Jin kaya hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya doon habang nagpi-picture ang dalawang bata.
"Done na kami ni Red, mommy! Picture rin tayo kasama kayo ni Mr. Jin, okay?"
Hinila na ako ni Apple papasok muli sa loob ng booth at pumwesto. Ilang sandali pa ay nagsimula ng gumalaw ang timer kada shots namin. Halos matawa ako nang makita ang iba't-ibang posing at wacky namin apat.
Kinuha ko ang picture na nahulog sa machine at tinago ito. "I should make a big size of these pictures to display it in my house." Nakangiti kong bulong sa aking sarili at lumabas na rin ng booth kasama sila.
Nakakain at nakapamili na kami ng mga gamit namin. Magmula sa mga damit, bags at shoes at halos si Jin lahat ang nagbayad gamit ang kanyang black card. Halos umabot ng hundred thousands ang halaga ng aming pinamili but it seems like Jin didn't even care about how much money he paid.
Bitbit ang napakaraming paper bags na dala namin ni Jin ay lumabas na kami sa huling shop na pinasukan natin. Huminto kami sa gilid at binaba muna ang mga hawak namin.
"Ken and Jerome will be here any moment. Hintayin lang natin sila saglit," Pahayag ni Jin sa akin. Tinanguan ko ito at sumandal sa pader. Ilang minuto lang ang hinintay namin ni Jin dahil maya-maya lang ay nagsalita na si Jin at tinuro ang hinihintay namin.
"There they are!" Pagturo nito.
Hinanap ko ang mga ito at agad na natagpuan ngunit naestatwa ako sa aking paglingon sa likuran ni Ken at Jerome. Nakaramdam ako ng pamamawis sa aking palad at nginig nang makita ang pigura ng lalaking hindi ko malilimutan habambuhay. Diretso ang tingin nito sa akin na may nakakatakot na ngisi na para bang alam na nito kung nasaan ako.
Nanghihinang nabagsak ko ang aking katawan sa sahig. Pawis na pawis ang aking mga palad dahil sa takot na nadarama. Ramdam ko ang maliliit na kamay na dumampi sa aking katawan at yumakap na umiiyak nang makita nila ang pagbagsak ko.
Nanghihina ako.
"Anong nangyari, Athena?! Are you sick or hurt?" Ramdam ko ang pagkabalisa sa boses ni Jin nang lapitan ako nito. Hindi ako makasagot dahil maski ang aking bibig ay hindi ko magalaw sa sobrang takot na nararamdaman ko.
"For pete's sake! Dalian niyo Ken sa pagtakbo!" Halos dumagundong ang buong floor ng mall na ito sa lakas ng sigaw ni Jin.
Everyone was in shocked by Jin's loud and scary voice. Everyone turn their heads on us at nagsipuntahan sa gilid. While they are busy murmuring, my blurry eyes are still glued on the familiar man who is now going with the flow in the crowds.
Hinawakan ko nang mahigpit ang laylayan ng damit ni Jin at nanghihinang nagsalita.
"J-Jin...h-he's here...he's near...and h-he's watching us right n-now,"
Huling salitang binitawan ko bago magdilim ang paningin ko.