Chapter 21

1260 Words
"Mr. Jin! Mr. Jin! Mommy is now awake!" "M-Mommy, kamusta ka po? Kilala mo pa ba kami ni Apple?" Dahan-dahan kong binuka ang pikit na pikit kong mata dahil sa pagkakatulog. Kahit nararamdaman ko ang sakit ng katawan ko sa hindi ko malaman na dahilan ay pinilit ko pa rin tumayo at tignan ang mga maliliit na tinig na nagpagising sa akin. Naaninagan ko si Red na nasa aking harapan ngayon, punong-puno ng luha ang kanyang mata na nakatingin sa akin na para bang umiyak ito. Si Apple naman ay namumula ang namamaga nitong mata na tila ba ilang oras itong umiyak. "B-Bakit kayo umiiyak?" Napapaos kong tanong sa mga ito at pinalapit sa akin upang yakapin kahit na sobrang sakit ng aking likod. Narinig ko ang hikbi nilang dalawa habang mahigpit na nakayakap sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan mag-alala sa kanila. "M-Mommy, 'wag ka na ulit bigla-biglang tutulog sa mall ha? Nag-alala kami sayo nila Apple at Mr. Jin eh!" Wika nitong habang naiyak. Kumunot ang noo ko sa narinig at inalala kung ginawa ko ba talaga ang pagtulog sa mall. Ngunit hindi nagtagal ay biglang pumasok sa isip ko ang nangyari sa akin kahapon sa mall that made me feel afraid again. Hinawakan ko ng bahagya ang dibdib ko nang maramdaman ang malakas na t***k ng puso ko. "M-Mommy okay ka lang ba? Tawagin ko si Mr. Jin!" Mabilis na bumaba si Apple sa aking kama na pinagtulugan ko at tumakbo papalabas ng kwarto. "Mr. Jin! Gising na po si mommy!" Malakas na sigaw ni Apple na hanggang dito ay rinig ko. Maya-maya lang ay narinig ko ang mabibigat na hakbang ng isang tao paakyat dito sa second floor. Mabilis na pumasok si Jin sa aking kwarto na punong-puno ng pag-aalala sa mukha nang makita ako. "Thank you for informing me about your mommy, Apple." Hinalikan nito ang tuktok ng ulo nito at ginulo ang buhok na siyang nagpagulat sa akin ng sobra. Nakatingin lamang ako sa dalawa na tila hindi makapaniwala sa nasaksihan. “A-Anong nangyari?” Hindi makapaniwala na nasambit ko na lang. Mabilis naman tinungo ni Jin ang higaan ko matapos nitong pasalamatan si Apple at mahigpit ako nitong niyakap. Nakatulala lang ako sa gitna ng pagyakap nito sa akin dahil sa kakaiba na naman na kinikilos ni Jin sa amin. Bigla kong naramdaman ang hapdi sa katawan ko kaya hindi ko maiwasan dumaing dahil na rin sa higpit ng yakap sa akin ni Jin. "Aww! Ang sakit ng likod ko. Ilang oras ba ako nakahiga dito?" Tanong ko kay Jin nang humiwalay na ito sa pagyakap sa akin matapos marinig ang daing ko. Nakatingin ito sa akin na tila naawa sa kalagayan ko at mabigat na bumuntong hininga. "Hindi ka lang ilang oras nakahiga, Athena. You passed out and slept for two days," My mouth opened in disbelief as I heard what Jin said. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito dahil feeling ko ay kanina lang ang lahat ng nangyari sa mall. Hindi ko tuloy maiwasan magtaka sa tagal ng aking pagkagising. Magsasalita pa sana ako ng biglang tumunog ang aking tiyan dahil sa naramdamang gutom. Nagkatinginan si Apple at Red dahil sa narinig samantalang seryoso naman ang mukha ni Jin. "Marami akong gustong itanong sayo, Athena. Mag-uusap tayo mamaya pero bago iyon ay bumaba na muna tayo para makakain ka na pati na ang mga bata." Lintanya nito na may seryosong ekspresyon. Inalalayan ako nitong tumayo nang makita nitong hirap akong kumilos dahil sa paglalakad. “Hintayin niyo na kami ni mommy sa baba ha?” Malumanay nitong pagkausap kay Apple at Red na talagang ipinagtaka ko ngunit hindi ko na inabala ang sariling itanong. Tumango ang mga ito at mabilis na bumaba sa hagdan. Kami naman ni Jin ay dahan-dahang naglalakad habang nakaalalay sa aking kamay at bewang. Ramdam ko ang matigas nitong mga kamay na nakaalalay sa akin ngunit nandun pa rin ang marahan nitong pag-alalay na tila ba ayaw nito akong masugatan o mahulog man. Bahagya kong sinilip ang mukha nito. Kunot ang noo nitong nakatingin sa dinadaanan namin na para bang gusto na niyang awayin ang hagdan. Umiigting rin ang perpekto nitong panga na tila na inaakit akong hawakan ito na siyang nagpalunok sa akin ng mariin. Dumako ang tingin ko sa ilong nito na napakatangos at perpekto. Maski mata nitong mapupungay at ang labi nitong maninipis at namumula ay hindi ko rin pinalagpas ng tingin. Naramdaman ko na naman ang hindi pamilyar na pakiramdam na ito tuwing malapit ang mukha nito sa akin. Ang kakaibang pakiramdam sa aking tiyan na tila ba gustong kumawala—at ang nagwawala kong puso sa tuwing malapit sa akin si Jin ay hindi ko mapigilan. Hindi ko namalayan na nakababa na pala kami ni Jin. Tumingin ito sa akin na may malambot na ekspresyon na siyang binalikan ko rin ng tingin. He smiled boyishly at me. Ngayon ko lang na-appreciate ang perpekto at mala-anghel nitong mukha na talagang nagkaroon ng malaking impact sa akin. My billionaire husband looks like a real greek god, oh goodness! Nababaliw na ako dahil sa lalaking ito. “Are you done fantasizing me, my beautiful wife Athena Herrera-Juevas?” Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita ito na may ngisi sa kanyang labi. Naiwas ko ang aking tingin dahil sa kahihiyan at napapikit. What’s wrong with me at finantasize ko si Jin Juevas?! “I did not! I was just looking at you ugly face!” Palusot ko at nagpatiuna ng naglakad kahit nahihirapan ako. Narinig ko ang nakakaasar nitong tawa pero patakbong sumunod rin agad sa akin at inalalayan muli ako. Hindi ko na pinansin pa ang pang-aasar nito dahil wala rin akong madahilan talaga. Lumakad kami papunta sa dining area at nakita ang mga bata na masayang naghihintay sa amin. Napadako ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa kanilang gilid—mariin na nakatingin sa akin na tila ba chinicheck ang buo kong katawan kung maayos ba ako. Saglit itong bumati kay Jin na may paggalang ngunit kitang-kita ang blangko nitong reaksyon. Tinanguan lang ito ni Jin at hindi na pinansin. Bahagya ko itong nginitian upang pasalamatan sa pagluto niya ng breakfast sa amin. Lalo akong nakaramdam ng gutom nang makita ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. May sopas, champorado at plain porridge a talagang nagpatakam sa akin. “Ang sarap ng mga pagkain! Thank you preparing these amazing food, Grey.” Pasasalamat kong wika sa aming Chef. Ngumiti ito ng malawak sa akin na halos makita na ang cute na dimples nito. “Any time, Athena. I hope you feel better now once you eat these foods.” Napangiti ako. “You are dismissed, Chef Grey. Thank you for your service,” Pagsabat bigla ni Jin at pinaupo na ako katapat ng mga bata. Biglang dumilim ang ekspresyon nito na kanina lang ay masaya. Hindi ko tuloy alam kung bakit biglang nagbago ang mood nito. Tumikhim si Grey at kunot noong umalis na lang bigla. Napaisip tuloy ako kung anong nangyari bigla sa dalawang iyon. Nagsimula kaming magdasal para makakain na. I let the kids lead the prayer again dahil they insisted na sila daw magdadasal pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain. Si Jin na ang anghanda sa amin ng pagkain na pinagpapasalamat ko. “Kumain kayo nang marami, okay?” Malambit nitong pagkakasabi kay Apple at Red pagkatapos ay naglagay rin ito ng mainit na sopas sa aking mangkok. “Ikaw rin dahil kailangan mo magpalakas dahil mahaba-haba ang gagawin nating pag-uusap sa nangyari sayo,” Sambit nito na may bahid ng kaseryosohan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD