Natapos ang umagahan namin ni Jin at ng mga bata. Dahil walang pasok ngayon ang mga bata ay nandito lang ulit sa bahay na as usual ay walang ginawa kundi maglaro at gumawa ng mga bagay na gusto nilang gawin. Hinayaan ko ang mga ito sa malawak kong field na magtatakbo at paglaruan na naman ang expensive car ni Jin.
“Tsk. Those little monsters are still into my worth of billion peso car!” Asik ni Jin habang nahigop ng tsaa. Napansin ko ang medyo mahinahon na nitong boses kumpara noon na palaging galit at inis tuwing pinapakealaman ng mga bata ang kanyang sasakyan.
Hindi nga rin nito inalis ang mga color paints sa kanyang Royce car at hinayaan na lang ito. I thought ipapamigay na niya ito or itatapon dahil hindi niya gusto ang nangyari sa kanyang sasakyan pero gulat ako na hanggang ngayon ay nandito ito sa bahay at ginamit pa namin noong umalis kami.
“They looked adorable ‘no? Ang saya-saya pa nilang tignan kapag wala silang iniisip pa na mabigat,” Nakangiti kong wika habang tinatanaw sila Apple. Actually, nandito rin kami sa labas ni Jin at nagpapahangin. Isa pa dito namin napili mag-usap tungkol sa nangyari sa akin. Siguro ay nababagabag ito sa nangyari.
“They really are. Kung hindi lang sa trauma ko…” Malayo ang tingin nitong sambit na tila inaalala ang pangyayaring nangyari sa kanya “Pero this is not the right time to talk about it. May mas mahalaga pa tayong dapat pag-usapan,” Tinignan ako nito na tila ba binabasa ang aking isip.
Napabuga ako ng hangin at bahagyang tumingala sa magandang kulay ng kalangitan.
“Naalala mo ba ang huli kong sinabi sayo bago ako mawalan ng malay?” Panimula ko at tumingin sa mga mata ni Jin. Mahina itong tumango sa akin dahil mukhang naalala nito ang sinabi ko. “At naalala mo ba yung nagpadala ng misteryosong box sa akin? That person I saw last time sa mall at ang taong nagpadala ng box na iyon ay iisa lang.”
Nakaupo kami ngayon sa bench na talagang pinalagay ko noon lalo na para sa mga bisita ko na gustong tumambay o magpahangin dito.
Umalis ito sa pagkakasandal nang makuha nito ang atensyon ko. His brows crease because of curiosity. “Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko na iyong ex mo ang nananakot sayo ngayon,” Pahayag nito na siyang tinanguan ko.
“Yes he is. Si Timothy ang nakita ko sa mall at ang nagpadala ng box noon.”
“Pero bakit ka niya ginugulo na naman? Sorry for background checking you before pero base sa nalaman ko, that Timothy were obsessed with you before and even went to prison to pay what he did to you.” Mahabang lintanya nito. Hindi na ako nagulat sa ginawa niyang background check sa akin noon dahil ginawa ko rin naman iyon sa kanya.
Umiling ako tanda na wala akong ideya sa ginagawa ngayon ni Timothy. Kung bakit kasi mabilis na natapos agad ang oras niya sa kulungan when in fact, malaking kasalanan pa rin ang nagawa niya. Isa pa, he has psychotic behavior na nakita ng doktor noon sa kanya kaya may possibility na may gawin muli itong masama o mas malala pa sa ginawa niya noon.
“I thought he moved on already since I made him go to prison, eh. Hindi naman siguro siya naghihiganti sa ginawa ko noon?” Nababahalang sabi ko kay Jin.
Naging seryoso muli ang ekspresyon nito at tumingin sa kawalan na tila may iniisip.
“Now I know what your father said to me,”
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jin. Anong ibig sabihin nito? Nagkausap sila ni Dad? Lumingon sa akin si Jin na para bang binabasa nito ang nasa isip ko.
“Your dad told me before na you experienced a traumatizing event. He even asked me to protect you and the kids,” Nagulat ako sa narinig. My dad said that to him? Hindi ko masyadong close si Dad pero alam ko kung paano kakalmado at katahimik si Dad pagdating sa mga bagay-bagay.
I am shocked and at the same time I felt his over protectiveness towards me na hindi niya pinapaalam sa akin. Namuo ang luha ko sa gilid ng aking mata but I refrain myself from crying. Naramdaman ko ang mainit na palad ni Jin sa aking kamay at mukha.
He kissed me on my forehead and whisper.
“Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo at sa mga anak natin, Athena. I will protect you with all my strength from that jerk.” Matapos niyang sabihin ang mga nakakataba ng pusong mga salita na iyon ay niyakap ako nito ng banayad at parang puno ng pagmamahal.
He even hushed me when I don’t even crying. Binigyan rin ako nito ng yakap na nagbigay sa akin ng kapayapaan. I encircled both of my hands into his back to hug him back.
“Athena?” Pagtawag nito sa aking pangalan sa gitna ng aming yakap. Pikit mata kong ninamnam ang yakap nito na nagbibigay sa akin ng kapayapaan.
“Hmm?”
“I want to say something to you.” Maikli nitong saad na tila hindi sigurado kung magsasabi ba ito sa akin. Hindi ko ito sinagot bagkus ay hinayaan ko lang ito na ipagpatuloy ang kanyang sasabihin.
“Can we be honest with each other from now on?” Malumanay nitong sabi. Hindi ko alam kung bakit bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi ni Jin. “Can you be honest with your feelings with me?” Napadilat ako at hindi nakaimik ngunit nakayakap pa rin kami sa isa’t-isa na para bang ayaw namin bumitaw at matapos ang araw na ito.
“Do you feel butterfiles in your stomach when you were near with me or even when you’re talking to me?” Pagtanong nito.
Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong nito dahil ngayon pa pang na magkayakap kami ay libo-libo na ang nararamdaman kong boltahe at parang mga nagliliparang paru-paro sa aking tiyan.
“Tell me, Athena. Does your heart race like crazy when we hold hands, hug each other and kiss each other?” Sa pangalawang pagkakataon ay nagtanong muli ito na ikinalunok ko ng husto.
Gusto kong maglaho na lang sa awkward na sitwasyon namin ni Jin dahil sa tingin ko ay hindi ko na talaga kakayanin ang nag-uunahan sa pagtibok ng aking puso. I don’t even want to be in this situation with him dahil tila ba nababasa nito ang galaw ko at nasasagot ang dalawa nitong tanong.
Humiwalay ito sa pagkakayakap at tumingin sa akin na may nangungusap at mapupungay na mata. Hindi ko alam pero unti-unti kong nararamdaman ang hindi ko dapat maramdaman sa lalaking bilyonaryo na ito. Nagugustuhan ko na ba talaga si Jin Juevas? Ang lalaking ubod ng kaartehan at yabang sa kanyang katawan? Ang lalaking ayaw sa bata? Ang lalaking hindi ko pinangarap na makasalamuha man lang?
Hinawakan nito ang baba ko at itinaas upang magpantay ang tingin namin sa isa’t-isa. Tumingin ito sa aking labi ng matagal at bahagyang lumunok. “Can I be honest with you?” Bigla nitong sabi at muling tumingin sa akin.
Kinakabahang tumango ako rito na tila naging sunod-sunuran.
“I can feel a thousand of butterflies in my stomach right now, Athena.” Saad nito and he smiled boyishly. “My heart race like crazy now that you are close to me and even before when you accidentally slipped into me in our first meeting. Para kang isang magnet na ayaw kumawala sa isipan ko, Athena.”
Sambit nito at naramdaman ko ang pagbigat ng hininga nito. Halos magwala ang puso ko sa sinabi ni Jin at hindi makagalaw. Tila umaapaw ang nararamdaman ko sa mga salitang binibitawan ni Jin and I can’t take it anymore. Binuka ko ang aking bibig at magsasalita na sana nang bigla ako nitong halikan ng mabilis.
“I think I am falling inlove with you, Athena. No—I actually love you when we first met, my wife.”