Chapter 23

1485 Words
Hinalikan muli ako nito ng banayad at puno ng pagmamahal. Napapikit na lamang ako at sinabayan ang halik nito. Para akong nasa ibabaw ng kalangitan at tila lumulutang sa parang sasabog kong pakiramdam. Naramdaman ko ang mainit nitong kamay sa aking bewang at hinapit pa ako nito palapit sa kanya habang hindi bumibitaw sa aming halik. Dahan-dahang humiwalay ang labi nito sa akin at tinukod ang kanyang noo sa akin at tinitigan ako nang husto. Ramdam ko ang init ng aking pisnge dahil sa nangyari at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. "I-I love you, Athena..." Nahihirapan nitong bigkas sa kabila ng mabigat niyang paghinga. "I love you the day you enter in my life," Dahil hindi ko na kinaya ang confession nito sa akin ay humiwalay na ako sa hawak nito at napakagat na lang sa labi dahil sa hiya. "I-I don't know what to say," Pag-amin ko rito at nahihiyang tinignan ang reaksyon nito. Bumuntong hininga ito na tila alam niya na ang isasagot ko ngunit hinawakan ko ang kamay nito at pinisil na siyang tinignan niya. "Pwede mo ba akong mahintay, Jin? Right now ang iniisip ko ang kalagayan niyo. Mahuli lang natin si Timothy, sasabihin ko rin ang nararamdaman ko sayo," Nagliwanag ang mukha nito at mabilis akong niyakap, "Huwag kang mag-alala, Athena. I will do everything para matigil na ang panggugulo ni Timothy sayo. If I need to spend billions of money just to catch him, I will spend all my wealth just for you and our kids safety." Natapos ang buong umaga na may naiwan sa akin na maluwag na pakiramdam dahil sa nangyari sa amin Jin. Para bang nagkaroon kami ng pag-uusap nito sa anong mangyayari sa amin dalawa once natapos na ang panggugulo ni Timothy. Nagpahinga ako ng nagpahinga upang maibalik ko ang lakas ko. Ang sabi rin kasi sa akin ni Jin na mahigpit raw siyang binilinan ng aking personal na doctor na magpahinga muna ako dito sa bahay at maglakad-lakad. Isa na rin kasi sa naging dahilan raw kung bakit ako nahimatay dahil sa mga nakaraang linggo na napuyat ako at napagod sa mga bagay-bagay. Kinabukasan at naging maayos-ayos na aking pakiramdam kaya nakapaghanda na ako ng mga gamit at uniform nila Apple sa Amethyst. Gusto ko rin kasing magawa ang mga bagay na ginagawa ng isang ina na nakikita ko sa palabas. Ayoko rin naman iasa lahat sa mga katulong rito pati na ang mga pangangailangan nila Apple at Red. Hirap-hirap akong mag-plantsa ng mga uniform nila Red dahil hindi ko alam kung tama ba ang paghawak ko sa plantsa. Noong nakaraan naman na pinanood ko ang mga videos sa utube ay parang ang dali lang gawin. “Ay hala!” Pagsigaw ko nang kamuntikan ng masunog ang blouse ni Apple dahil bigla na lang dumikit ang plantsa sa damit ng husto. Agad kong inihipan ang kaunting usok na nasa damit at natatarantang kumuha ng isang basong tubig at binuhusan ito. “Miss Athena! Ano pong nangyari sa uniform ni Apple at Red?!” Hysterical at nanlalaki ang mata na sambit ni Faye nang madaanan ako nito. Nataranta lalo ako sa sinabi nito dahil mukhang may mali akong ginawa. “Umuusok kasi at baka lumiyab kaya sinabuyan ko agad ng tubig! Hindi ba tama lang ang ginawa ko?” Kinakabahan kong wika. Napakamot na lang ito sa kanyang noo dahil sa sinabi ko. “May spare po bang uniform sila Apple?” Bigla nitong tanong kaya out of nowhere kaya agad akong tumango. “Ako na po magpa-plantsa muna ng uniform nila ngayon. Kailangan ko pong palitan ang mga ito dahil sunog na at basa na po.” Paliwanag nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng hiya. Kumuha ito ng spare uniform sa malaking cabinet na para sa mga damit ni Red at Apple. Mabilis nitong nilatag isa-isa ang mga uniform sa higaan at kumuha ng isang uniform at plinantsa ito ng mabilis ngunit maayos na ikinamangha ko. Tinignan ko ito nang hindi makapaniwala. “Ang galing mo, Faye. Kailan at saan mo natutunan yan?” Namamangha kong tanong. Nagulat ito nang bigla itong mahinhin na tumawa as if may nakakatawa sa sinabi ko. “Ang totoo niyan, Miss Athena, madali lang po gawin ito as long as pag-aaralan mo talaga ito. High School pa lamang po ay natutunan ko ng ma-malantsa ng uniform ko dahil sa pagtuturo sa akin ng lola ko,” Mahabang lintanya nito at napangiti na lang na tila may inaala. Tango na lang ang naisagot ko dahil sa narinig. Pinagmasdan ko lang ito sa kanyang ginagawa at sobrang na-amaze talaga ako dahil tuwid na tuwid at walang kusot ang naging resulta ng pamamalantsa ni Faye. Pinasalamatan ko ito at sinabihan na tataasan ko ang kanyang sweldo ngunit agad itong tumanggi dahil madali lang naman raw ang ginawa niya. Nahiya naman ako sa umusok na uniform nila Apple kanina. “Mommy! Pupunta ulit kami school?” Malungkot na sambit ni Red sa akin nang makapasok ito sa aming kwarto. Nakaayos na ang buhok nito. Amoy ko rin ang baby powder sa kanyang katawan at ang nakakaadik nitong pabango. “Yes, baby. Kailangan niyo mag-aral para marami kayong matutunan,” Malumanay kong paliwanag rito. Ngumuso ito na tila nagpapaawa sa akin ngunit inilingan ko ito. “Huwag tatamarin sa pagpasok sa school, baby. Ang saya kaya mag-aral! Isa pa, maglalaro ulit tayo mamaya nila Daddy niyo pag-uwi niya.” Wika ko at ngumiti. Agad na sumigla ang mata nito at nagtatatalon. “Wow! Maglalaro ulit kami ni mommy at Mr. Jin! Excited na akong umuwi mamaya!” Napahalakhak ako sa sinabi ni Red at hindi maiwasang kilitiin ito. Si Apple naman ay napailing lang at umupo ng maayos sa higaan habang ang maliliit nitong biyas ay nakalaylay. Nilapitan ko rin ito at pinanggigilan ang pisnge nito kahit na nakakunot na ang kanyang noo sa akin. Nakatali na rin ang buhok nito magkabilaan at nakaayos na. Maya-maya lang ay pinalapit ko na ang mga ito sa akin upang mabihisan na ng uniform. “Hahatid mo ulit kami mommy?” Pagtanong ni Apple kaya tumango ako. “Hindi ba sasama si Mr. Jin sa atin?” Malungkot na tanong naman ni Red kaya agad kong tinap ang ulo nito at pinatahan. “Mr. Jin can’t go with us, baby. Nasa work siya ngayon eh,” Pagpapaintindi ko rito na siyang tinanguan niya ng marahan. “Pero si Kuya Ken niyo at Kuya Jerome ay sasama sa atin ngayon. Okay ba sa inyo iyon?” “T-Talaga mommy? Sasama si kuya Ken?” Bahagyang tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Apple. Bigla rin naging mahinhin ang boses nito na lalong nagpataka sa akin. “Oo, kasama natin si Kuya Ken niyo.” Namula bigla ang pisnge nito na ikinatawa ko ng malakas. “May crush ka kay Kuya Ken mo ‘no?” May nang-aasar kong sambit kay Apple. Agad nanlaki ang mata nito at lalong namula. “N-No, mommy! Kuya Ken is too old and ugly no!” Pagtanggi nito na halata mo naman na nagpapalusot. Tinawanan ko lang ito at hinayaan na. Bumaba na kami bitbit ang kanilang gamit para makaalis na. Maya-maya lang ay naaninagan ko na ang normal ngunit matipunong katawan ni Ken at Jerome. Kung si Ken ay may seryosong mukha kabaligtaran naman niya si Jerome. Katulad ni Ken ay may maganda rin itong mukha at katawan. May approachable itong side dahil makikita mo ang ngiti nito na napakaganda. Masasabi kong habulin rin ito ng babae katulad ni Ken dahil sa punong-puno ng karisma ang kanyang awra. Nagsalita bigla si Ken sa mababa nitong boses na ikinagulat ko. “We will escort you and the kids, Ma’am Athena. We will make sure that you’re safe and unharmed,” Wika nito at nagpatiuna ng maglakad. Nagsimula na rin akong sumunod sa kanila habang nahihirapan hilain si Apple dahil mukhang nahihiya itong makita si Ken. Napailing ako. Nakarating kami ng maayos sa Amethyst ng walang nangyayaring masama na ipinagpapasalamat ko sa Diyos ng todo. Dahil dalawang oras lang naman ang pasok ng mga ito ay hinintay na namin ito sa parents area. Lumipas ang dalawang oras ng mabilis, hindi ko na nga namalayan na naglalakad na pala kami pabalik sa sasakyan at nakarating sa bahay nang hindi ko namamalayan. Napahinga ako ng maluwag na tumingin sa kawalan. Kasalukuyan ngayon na nagpapahinga ang mga bata sa kwarto dahil sa pagod. Si Jin naman ay hinihintay ko rin sa sofa bed dito sa guest area dahil mag-a-alas niebe na ay hindi pa rin ito dumadating. Hindi ko namalayan na unti-unti na palang kinain ako ng antok at nagising na lang na katabi at kaharap ang perpektong mukha ni Jin. Napangiti ako. “Matapos lang lahat ng ito, I will let you know my feelings for you, Jin.” Sambit ko bago pumikit muli upang ipagpatuloy ang pagtulog. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD