Chapter 11

1568 Words
Hindi ako mapakali simula ng tumawag si Lola kaya palakad-lakad ako dito sa guest area. Nalingon ko ang tumawag sa akin kaya agad-agad akong lumapit rito. "Anong sabi ni Lola Anna?" Kinakabahang tanong ko. Lumunok muna ito bago nagsalita. "H-Hindi raw po kakayanin magluto ng sampung putahe ngayon, Ma'am. Lalo na't si Nay Anna lang po ang marunong magluto dito," napapikit na lang ako sa sobrang pagka-frustrate. Kung bakit pa ngayon kasi naisipan ni Lola bumisita? If I know, ginawa lang niyang excuse ang nangyari kanina. "Bakit parang balisa ka, Athena?" Napadako ang mata ko kay Jin na kabababa lang ng galing second floor. Lumapit ito sa akin na nakakunot ang noo. Nagdadalawang isip tuloy ako kung magsasabi ba ako sa lalaking ito dahil masasayang lang ang minuto ko kung wala naman itong maitutulong sa akin. Ngunit sa huli ay nasabi ko ang problema ko. "Bibisita ang Lola at ang iba kong family dito ngayon. Ang kaso, namo-mroblema ako sa mga ihahanda ko sa kanila na pagkain. Hindi naman kakayanin ni Lola Anna na magluto ng marami ngayon," Kwento ko rito na problemado. "Why don't you order na lang?" Suhestyon nito ngunit napailing ako dahil ginawa ko na rin 'yan kanina. "Negative. I called a restaurant kanina para mag-order ng food pero ang sabi, four hours pa raw ito made-deliver dahil may mga naka-reserve na raw na mag-oorder." Wika ko. Tumango naman ito at kalmadong nilabas ang kanyang mamahaling cellphone at may tinawagan. Maya-maya lang ay sumagot na ang taong tinatawagan niya sa kabilang linya. Ako naman ay nag-iisip pa rin kung ano ang gagawin ko. Mabuti sana kung tatlo o apat na putahe lang ang ihanda mamaya pero dahil si Lola Lilly iyon, required na sampung putahe ang nakahain sa lamesa. "Yes, yes. I'll give you 20 minutes—wait! Please can you go here at least 15 minutes? I'll send you my personal and my most expensive chopper there to pick you up. Thank you!" Ibinaba ni Jin ang kanyang telepono matapos ang tawag niya sa kabilang linya. Bahagya itong ngumisi sa akin at ginulo ang buhok na siyang ikinabigla ko. "Problem solved, Athena. Hindi mo na kailangan mag-alala pa sa ihahanda natin mamaya," Pag-assure nito habang nakangiti. Tumingin ito sa kanyang relo at nagsalita. "My personal chef will be here after 15 minutes. Asikasuhin mo muna yung mga bata, ehem!" Sambit nito at umiwas ng tingin. Nakaramdam ako ng ginhawa nang marinig kong may pupunta na rito na chef para magluto. Hindi ko alam pero kusa na lang akong napangiti sa malaking bagay na ginawa nito at nakaramdam ng pagbilis ng tinok ng aking puso. Humakbang ako papalapit rito at kusa na lang pumulupot ang aking braso sa kanyang katawan na ikinabigla ni Jin. "S-Salamat, Jin. Alam kong wala lang sayo ang ginawa mo pero I. . .I appreciate your help," Matapos kong sabihin ito sa kanila ng aming pagyakap ay humiwalay rin agad ako dahil hindi ko alam kung bakit lalong mabilis na tumibok ang puso ko sa pagyakap kay Jin. Naiilang na tinignan ko ito at tumalikod na upang puntahan ang mga bata at para makaalis na rin sa awkward na pangyayari. Nakita ko pa ang namumula nitong tenga dahil na rin siguro sa nakakahiyang ginawa ko. "Bakit may pagyakap ka kasi? Kakahiya kang babae ka!" Naiinis kong bulong sa aking sarili habang naglalakad paalis. Pinilig ko ang ulo ko upang mawala ang kakaibang nararamdaman ko. Natapos ang buong araw na puro kwentuhan at may kaunting saway lang sa akin si Lola. Tuwang-tuwa rin ito pati na rin si Dad at mga pinsan ko nang makita sina Red at Apple dahil ngayon lamang nila ito nakita at nalaro. Ang mga bata naman ay naging mailap noong una pero dahil makukulit ang mga pinsan ko ay nagkasundo ang mga ito. Buong araw ay nagsaya lamang ito at lumabas rin upang mag-shopping kasama ang mga bata. Ako naman ay nag-stay na lang sa bahay at hinayaan ang mga bata na makasama ang aking Lola at mga pinsan. Bago umalis si Dad kanina ay nakita kong lumapit ito kay Jin at niyaya lumabas. Hindi ko na lang ito pinansin at hinayaan na mag-usap. Pinagpapasalamat ko rin talaga ang mabilis na tulong ni Jin sa akin at ang hindi niya pag-alis dahil inurong niya ang kanyang meeting bukas. Ngayon ay nandito ako sa veranda, pinagmamasdan ang madilim na kalangitan at ninanamnam ang natural na simoy ng hangin habang nainom ng paborito kong tsaa. "Athena. . ." Nalingon ko ang lalaking tumawag sa pangalan ko at nakitang si Jin pala ito. He's now wearing a plain white shirt and grey baggy pants na alam kong mamahalin. He walked towards me while smiling boyishly. Inalis ko ang kakaiba ko na naman na nararamdaman at bahagyang ngumiti rito. “Bakit hindi ka pa tulog? May meeting ka pa bukas ha,” Obvious na sabi ko para lang maiwasan ko ang awkwardness. Inilapag nito ang kanyang iniinumang tasa sa malapad na hawakan at huminga ng malalim. “I can’t sleep. Siguro dahil na rin sa dami kong iniisip.” Sambit nito kaya napatango ako at humigop muli ng tsaa. “For sure hinihintay mo ang mga bata na makauwi.” Tumango ako sa sinabi nito at muli kaming natahimik. “Why do you love kids?” Bigla nitong tanong sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero palihim akong napangiti sa tanong nito na tila ba gustong-gusto nito malaman ang sagot ko. Saglit muna akong hindi nagsalita upang kalapin ang sagot na gusto nitong marinig. “Siguro dahil na rin wala kaming bata na sa pamilya namin? My cousins doesn’t have a family yet kaya walang kabata-bata sa bahay,” Naiiling na kwento ko rito habang nakangiti. “Pero ang totoo niyan, gustong-gusto ko ng bata sa paligid ko dahil iba ang nabibigay nitong saya sa akin. When I’m surrounded by kids, I feel happy and free,” Lintanya ko at inalala yung mga panahong bumibisita ako sa orphanage. Nilingon ko ito nang hindi ko ito narinig magsalita at bahagyang nagulat na lang na ang mga magaganda nitong mata ay nakatingin lamang sa akin ng mapungay. Hindi man lang ito natinag o nailang sa pagkatitig ko at mas lalo ko pang naramdaman ang lalim ng pagtitig nito na parang hinihigop na nito ang pagkatao ko kaya agad ko na itong tinapik upang mahinto ito sa kanyang pagtitig. “I’m sorry, did I make you feel uncomfortable?” Wika nito na tila ba wala lang sa kanya ang ginawa niya kanina. He smiled at me again at bahagyang tinap ang ulo ko as if I did something good. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko sa kakaiba nitong kilos pero I can feel the unfamiliar heat in my face. “Tama nga talaga siguro na pinakasalan ko siya,” Bulong nito sa hangin na tama lang para marinig niya habang nakangiti. I honestly want to commend this man because he can change his moods in an instant “Minumura mo ba ako, Mr. Jin?” I don’t know why I felt uncomfortable with him talking to hinself. Para bang he’s saying ill or cursing me without me knowing. “Hindi ah!” Depensa nito sa sarili kaya napabuntong hininga na lang ako at hindi na muli itong pinansin. “Bakit mo ba ako ginugulo, Mr. Jin?” “Can you drop the word ‘Mister’ when you’re mentioning my name? I know, I get it! I am already your ‘mister’ but I prefer you calling me by my beautiful name, Jin.” Napanganga na lang ako sa sinabi nito habang nakatingin rito na kunot ang noo. Seriously? “What’s wrong with you today? Ang corny at ang oa mo, tsk.” Saad ko at umirap ngunit tumawa lang ito na nagpailing sa akin. Natapos ang usapan naming dalawa ng matanaw ko na ang mga bata. Magsasalita pa sana ito nang mabilis na akong naglakad at bumaba upang salubungin si Dad na bitbit sina Red at Apple na tulog na tulog. “Kumusta, Dad? Ginabi na kayo ng husto ha,” Wika ko habang iginaya ito paakyat sa aking kwarto upang malapag ang mga bata. Matapos ay bumaba rin kami ng maayos ang mga ito. “Mga pinsan mo masyadong natuwa sa pamangkin nila kaya bagsak na bagsak ‘yang mga bata,” Natatawang kwento ni Dad at tumawa na nagpangiti sa akin. Inabutan ko ito ng tubig dahil hingal na hingal ito sa pagbitbit sa dalawa. “Sila Lola po nasaan?” I asked and he just said na nasa sasakyan raw at nagpapahinga na dahil sobra raw ito napagod kakaalaga kay Red at Apple. Yan na nga ang sinasabi ko! Saglit pa kaming nag-usap at nagpaalam na rin agad dahil gusto na niya rin magpahinga. Hinayaan ko na ito at nagpaalam na pagkatapos ay umakyat na sa taas ngunit naabutan ko si Jin na nakasandal malapit sa pinto ng aking kwarto. Bigla itong lumapit sa akin at niyakap ako na siyang ikinabigla ko ng husto. Hindi ako nakagalaw dahil sa ginawa ni Jin at dahil na rin sa nararamdaman kong kiliti sa aking leeg dahil sa mainit na hininga nito. “A-Anong problema mo?” Humigpit lalo ang yakap nito. “Can I do this for five minutes? I have a sudden business trip tomorrow until sunday and for pete’s sake! I’m going to miss you, my wife.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD