Dumating ang hapon na puno pa rin ng sigla ang mga bata na tila ba hindi ito naglaro kani-kanina lang. Dahil na rin sa pangako ni Jin kay Red Apple na ipapalaro niya ang kanyang sasakyan ay nagpasya akong mag-order kanina ng painting.
"Ma'am Athena, dumating na po ang order ninyo kanina," Sambit ng aking katulong sa mansyon. Nagpasalamat ako rito at kinuha ang box na naka-sealed ng husto.
Pumunta ako sa guest area at umupo sa isa sa mga sofa doon. Nanghiram ako ng cutter sa isa sa mga helper ko upang mabuksan ito. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang mga parang maliliit na balloon na kung saan ang laman nito ay imbis na tubig lang ay laman nito ay mga iba't-ibang kulay ng pangpinta. Napangisi ako bigla sa naiisip ko sa mga mangyayari.
"Oh my gosh! Lobo 'yan ba mommy?" Excited na tanong ni Red nang makapunta sa puwesto ko. Natawa pa ako dahil nabaliktad nito ang salita dahil sa pagkabulol. Tumango ako rito.
"Itong balloon na ito ay may kulay sa loob. Kapag hinagis mo ito sa isang bagay, masisira yung balloon at lalabas yung kulay na gusto mo!" Tuwang-tuwa ito sa narinig kaya hindi ko maiwasang guluhin ang malago nitong buhok. "Ready na ba kayo ni Apple mag-paint?" Nakangiti kong sambit na mabilis niyang tinanguan.
Agad kaming lumabas ng mansyon at pinuntahan ang sasakyan ni Jin na Royce naka-park sa aking malawak na field.Buhat ng isang katulong ang box dahil hawak ko sa magkabilang kamay si Red at Apple na hindi maalis sa kanilang mukha ang tuwa. Inilapag ng katulong ang box sa tapat ng mga bata kaya agad kong tinuruan ang mga bata sa paggamit ng mga ballons na iyon.
"Okay, listen to me. Ang kailangan niyo lang ay ihagis ang mga balloons na ito na may lamang paints colors. Don't worry about a thing, okay? Just have fun mga baby ko!" Matapos kong magsalita ay excited na kumuha si Red ng dalawang balloons at pinanggigilan muna ito bago ihagis sa mamahaling sasakyan ni Jin. Halos magtatalon si Red nang makita ang naging resulta ng kanyang ginawa. Halata rin sa mukha ni Apple ang tuwa habang naghahagis rin ito ng mga balloons. Halos ilang minuto ko rin sila pinanood dahil ramdam ko ang excitement ng dalawang bata na maglaro.
Bigla tuloy pumasok sa isip ko si Jin and I can picture out his mad face and tantrums already.
"Hay, Jin Juevas! If only you can witness this funny moment, baka masiraan ka ng bait!" Pagkausap ko sa aking sarili habang nangingiti. Natapos ang dalawang bata na gutom at pagod kaya inaya ko na ang mga ito na maglinis ng kanilang katawan upang makakain na kami ng merienda.
Pinatawag ko ang isa sa mga driver ko at ipinaayos ang sasakyan na nilaro ng mga bata. Hindi ko alam kung magagamit pa ba ito ni Jin at kung willing pa ba itong gamitin niya kaya I let my driver decide what should we do about the car.
Nakangising umiling ako bago pumasok sa loob ng mansyon. I really want to see Jin's reaction on what the kids dis to his precious and most expensive car pero dahil he needs to attend an emergency meeting ay maaga pa lang umalis na ito. He just texted me that he will be home late because of some matter na hindi ko na tinanong.
Nagkibikit-balikat ako. I bet he just want to runaway with the kids kaya maaga itong umalis. Natapos magbihis at kumain ang mga bata kaya mabilis rin nakaramdam ng antok ang mga ito. Hindi ko na nga nayaya si Apple na mag-tour sa pink room ko na kung saan ay ang walking closet na iniingatan ko dahil puro limited edition ang mga gamit ko doon.
Inayos ko ang pagkakahiga sa dalawang bata na makakatabi ko sa pagtulog mamayang gabi. Dahil hindi rin naman trip ni Jin ang mga bata aynapagpasyahan kong sa akin na lang matulog ang mga ito. Napangiti ako ng bahagya nang makita ang mga inosente nilang mukha habang nakapikit.
I can't imagine na magkakaroon agad ako ng responsibilidad sa buhay ko. All I think before is how will I thrive more on my works and how will I become more rich. Oo, I really love kids noon pa man kaya nga I helped an orphanage who has a lot of little kids pero hindi ko inisip na gusto kong magkaroon ng sarili kong family or having kids that I will taken care of kasi alam ko sa sarili ko na hindi madaling bumuo ng pamilya. But seeing the kids who often calls me mommy, pinagsisihan ko na ang mga sinabi ko noon.
Napahinga ako ng malalim dahil sa iniisip. Hinalikan ko ang mga ito sa kanilang matatambok na pisnge at iniwan ang mga ito. Lumabas ako ng kwarto upang magpahangin sa labas at nasaktuhan ko naman ang madilim na ulap na ngayon. Tinignan ko ang oras sa wall clock at nabasa na ala-sais na pala ng hapon.
Nakatitig lamang ako sa labas nang may magsalita sa tabi ko. It's Lola Anna.
Ngumiti ako rito nang tumabi ito sa akin at nakisilip rin sa labas. "Masaya ka ba ngayon, Athena?" She asked out of nowhere.
"Opo, Lola Anna. I am happy that I have a lovely kids now," Saad ko na may totoong ngiti sa aking labi. Tumango ito at tumingin sa akin ng tuwid.
"Paano naman ang asawa mo? Hindi ka ba masaya na may makakasama ka na sa buhay mo?" Natahimik ako sa panibago nitong tanong. Masaya ba ako to have a husband like Jin beside me? Kasi ang totoo niyan ay ni-katiting na kilig sa puso ko ay wala akong maramdaman.
"Sa papel lang po kami kasal ni Jin dahil sa mga personal namin na dahilan kaya I don't think I'll be happy to have him since we don't have a romantic feeling to each other," Lintanya ko at tumingin sa malayo. Tahimik itong tumango ngunit humarap ito sa akin na siyang ginawa ko rin at bahagya itong ngumiti.
"Apo, alam ko ang personl na rason mo. Ilang taon ba naman kitang kasama at nakakasalamuha ng mga naging nobyo mo noon na talagang nagbigay sayo ng trauma katulad ni Tim—" Napahinto ito sa pagsasalita at napabuntong-hininga. "Katulad nga ng sinabi ko, alam ko ang karanasan mo pero bakit hindi mo subukan ulit magmahal?"
"With whom?" Tanong ko na tila hindi ko alam ang tinutukoy nitong tao.
"With your husband of course, Jin Juevas."
Mabilis na sambit nito ngunit napailing ako. Alam ko sa sarili ko na imposibleng magustuhan ko ang hambog na lalaking iyon at gano'n rin siguro siya. As you can see, we both love to hate each other kaya imposible ang gustong mangyari ni Lola Anna.
"There's no way that I will love that man! Bukod sa parehas kaming mayabang at nagbabangayan, I don't think we will fall in love to each other." Naiiling na wika ko ngunit napahinto ako sa tanong nagsalita.
Nilingon ko ito at nasilayan ang magandang mukha ng isang lalaki na kanina ko pa hinihintay.
"Bakit hindi natin subukan, Athena? We are already tied to each other kaya bakit hindi natin subukan mahalin ang isa't-isa?"
Wala ako nasabi nung gabing iyon dahil nabigla ako sa sinabi niya. Nagmamadali pa nga akong umakyat dahil pakiramdam ko ay dumaloy ang kakaibang init na nraramdaman ko sa mukha ko. Mabuti na lamang ay nakatulog ako ng maayos kahit papaano dahil kung hindi, paniguradong makikita nila ang panda kong mata.
Kringgg Kringgg Kringgg Kringgg!
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko dahil sa narinig kong tunong ng aking alarm. Nararamdaman ko pa ng kaunti ang hapdi sa aking mata ngunit hindi ko na ito ininda.
"Mommy! Mommy! Buti gising ka na. Diba we're going to play on your pink yummy room?" Excited na wika ni Apple na nagtatatalon sa aking kama.
"Y-Yes, baby. We will play later, okay? Let mommy sleep muna ha?" Napipikit na wika ko sa bata ngunit wala na akong narinig muli na ingay mula dito kaya nahulog muli ako sa lalim ng pagtulog.
Ngunit nakarinig muli ako ng tunog pero sa pgkakataong ito ay narinig ko ang tunog na may tumatawag sa akin. Agad kong kinuha ang phone ko at sinagot ang tawag na hindi man lang tinitignan ang caller.
"Hello? Can you call me later? Antok pa ako eh," Saad ko sa kabilang linya ngunit napamulat na ng tuluyan ang mata ko nang marinig ang isang tinig ng isang matandang babae.
Oh no, si Lola Lily!
"Anong oras na, Athena?! Your daughter answered your phone a while ago and she said that she will only eat if you are awake, gosh! Ready yourself at pupunta ako dyan mamaya, bye!"