I woke up from the little taps of someone. Minulat ko ng kaunti ang aking mata upang tignan ang taong umistorbo sa aking payapa kong pagtulog at napamulat na ng tuluyan nang makita ang batang babae sa ibabaw ng kama ko habang hinihintay nito akong magising.
"Apple, what are you doing here baby?" Malambing na tanong ko batang cute na nasa harapan ko. Kinuha nito ang aking cellphone at tinapat sa akin.
"Kanina pa po tutunog cellphone mo, mommy pero hindi ka naman gigising!" Wika ni Apple sa akin. Napahawak na lang ako sa aking sentido at nahilot ito nang maalala kong hindi ko pala na-off ang alarm ko tuwing umaga. Parte na rin kasi ng araw-araw ko ang paggising ng umaga dahil sa mga kakailanganin kong gawin sa trabaho kaya hindi pumasok sa isip ko ang alarm ko.
"Oh, I'm sorry, Apple! Kumain na kayo?" Pagtanong ko rito at hinaplos ang buhok nitong mas malambot pa sa unan.
"No po, hintay ka po namin kanina pa eh," mahinhin na wika nito at ngumuso kaya hindi ko napigilan panggigilan ang matambok nitong pisnge.
"Gosh! Bakit ang cute cute mo, baby Apple?" nakangiti kong sambit rito habang nanggigigil. She just look at me innocently.
"Because I am born cute na po mommy?" She said innocently na talagang nagpahalakhak sa akin nang husto.
"This kid!" Natatawang saad ko. Naiiling na tumayo ako upang maghanda na. "Gusto mong bumaba ka na, Apple? Magbibihis pa si mommy kasi," Umiling ito at humiga. She spread her tiny little hands and waved it.
Napangiti ako sa nakita. Kumuha na ako ng mga pambahay kong damit at nagbihis na agad dahil kung tititigan ko lang ang batang ito ay hindi kami matatapos at makakakain.
"Let's go, baby." Binuhat ko na ito dahil parang inaantok ito. Hindi naman ako nahirapan sa pagbuhat kay Apple dahil ang gaan nito para sa akin. Nang makababa ay nasilayan ko ang bibong-bibo na si Red na nagtata-talon at sumasayaw sa hindi ko malaman na dahilan.
"Mommy, baba na ako. Kulit-kulit na naman ni Red eh!" Ibinaba ko ito sa pagkakabuhat at mabilis na tumakbo papunta kay Red.
Narinig ko itong nagsalita kay Red kaya na-curious ako sa sinasabi nito.
"Ikaw Red! Please 'wag ka na makulit kasi baka mawalan ulit tayo ng mommy!"
"Eh, kashe itong shi Mishter Jin ayaw ako pansinin eh! I want lang laro kaya!"
Nagmadali akong tumungo sa Dining Area nang marinig ko ang usapan ng dalawang bata. Unang bumungad sa akin si Red at Apple na naghihilaan at nag-aaway. Nagawi naman ang mata ko sa isang lalaking nakapatong ang dalawang paa sa kanyang inuupan habang nakatiklop ito at nakapa-halumbabang nakasimangot ang tingin sa direksyon ng mga bata.
Nagawi ang tingin nito sa akin dahil siguro ay naramdaman nito na may nakatingin sa kanya. Agad na lumiwanag ang mukha nito at kumaway sa akin na para bang ngayon lang ito nakakita ng tao.
“Thank goodness, Athena! You saved my life from that little monster!” Bigkas nito at tinuro nito si Red na akala mo ay inaway ito. Naikot ko ang mata ko dahil sa pagtrato nito sa bata.
“Anong monster ang sinasabi mo d’yan? Isa pa, pwede bang huwag kang pumatol sa mas bata pa sayo ng sobra-sobra?” Inis na wika ko rito at inirapan. Tinignan ko ito sa pagkakaupo at lalong nainis. “Tsaka, please lang! Umupo ka ng maayos o kaya lumapit ka rito!”
Sininghalan ako nito at umiling. Teka lang, maiintindihan ko pa ang kilos ng mga bata pero itong kinikilos ni Jin, para bang gusto ko itong yakapin sa leeg ng mahigpit! “Ayoko! That boy almost killed me by his naughtiness, tsk!” Tinitigan ko ito ng masama at mabilis na humakbang ng malalaki patungo sa kanya.
“Aray ko, Athena! My precious hand got a scratch from your long nails!” Maarteng sigaw nito at tinignan ang kanyang kamay na may scratch na gawa ko raw. Tinignan ko naman ito at wala naman akong nakita na kahit maliit na sugat kaya inis ko ulit itong hinila palapit sa mga bata.
Agad na lumingon ang dalawang bata nang mapansin nila ang presensya namin. Agad na nagtatalon muli si Red at naging excited ang expresyon nito nang makita si Jin. “Wow, mommy! Nakuha mo shi Mishter Jin, yehey!” Tuwang-tuwa na wika ni Red kaya napangiti ako.
“Tsk! Bakit ba ako kinukulit ng bubwit na ‘yan? Gusto ko lang naman kumain ng maayos kanina!” Pagmamaktol ni Jin kaya palihim kong kinurot ang tagiliran nito at ngumiti muli sa mga bata.
“Do you know this man, kids?” Tinanguan nila ako matapos kong magtanong.
“Siya si Mishter Jin! Siya tatakot kanina shakin eh, hahaha!”
“What do you mean takot, bubwit? You are just too naughty that’s why I hate you!” Inis na sagot ni Jin kaya halos pigain ko na ang tagiliran nito na siyang ikinangiwi niya. “Aww! Bakit mo ba ako kinukurot ha?!” Mahinang bulong sa akin ni Jin ng nakangiwi.
“Can you please be kind to the kids?! Super bait ng mga bata oh!” Bulong ko rito na inismiran niya lang. Tumingin ako sa mga bata at nagsalita. “Okay, after natin kumain anong gusto ninyong gawin?” Nakangiting tanong ko.
Nabigla ako ng may maliit na kamay ang humawak sa akin kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa nakangiting bata na si Apple. “Can I go to your pink room, mommy? I think your room looks yummy!” Hindi ko maiwasang matawa sa narinig. Did she got attracted to the color of my other room?
Naalala ko bigla na nando’n ang mga gamit ko na pang-alis. Nandoon yung mga limited shoes and heels ko, clothes, sunglasses that are worth thousands, bags and other accessories na talagang iniingatan ko because of its value. In that room, I only allow my helpers to go there para mapanatili nilang malinis iyon palagi. But today is an exception because my kid wants to go there.
“Okay, baby. We will go there later, okay?” Nakangiting sambit ko. Nakita ko ang pagkinang ng mata nito kaya nakurot ko ang pisnge nito. “How about you, baby Red? Anong gusto mong gawin mamaya?” Tanong ko naman kay Red na kinukulit pa rin si Jin. Ang lalaki naman ay parang estatwa lang sa isang gilid at tila ba hindi ito humihinga kaya lihim akong napangisi.
“Gushto ko laro kami Mishter Jin ng big toy cars niya! I want to paint it and ride it, mommy!” Natutuwang wika ni Red. Nilingon ko si Jin at nagsalita.
“Pagbigyan mo na si Red, Jin. He really wants to play your big toy cars oh!” Kunwaring pagmamakaawa ko rito ngunit tinignan lang ako nito ng masama.
“No! My baby cars are expensive!” Singhal nito.
Tinignan ko ang mga bata at sinabing, “Mga bata, pwede ba nating isigaw ng sabay-sabay ang ‘Please, can we play your big cars, Daddy? Please!” Tumango ang mga ito at sabay-sabay na sinigaw iyon.
Nagtakip ng tenga si Jin at tila ba sasabog na ang mukha nito dahil sa sobrang pula. “Stop it! There’s no way I’ll let you play my expensive cars!” Sigaw nito kaya sinenyasan ko muli ang mga bata.
“Please, can we play your big cars, Daddy? Please!” Paulit-ylit namin itong sinisigaw ng mga bata at halos hindi na ako makahinga sa kakatawa dahil para bang iiyak na si Jin sa ginagawa namin. Ang saya niyang tignan kapag naiiyak na siya, hay!
Halos magtatalon ang mga bata sa saya ng sumigaw si Jin.
“The heck, fine! Just leave me alone little monsters!”
Natapos ang chaotic argument namin na nasa amin ang huling halakhak. Kumain kami ng masaya ng mga bata.