"Surprise, Jin Juevas!"
Nakita ko ang pagnginig ng kamay ni Jin at tila hindi mapakaling kilos nito dahil sa kanyang nakikita. Sino ba naman ang hindi manginginig sa kaba kung ang pinakamamahal at pinaka-iingatan mong mga sasakyan ay para bang binagyo na ngunit dalawang bata lamang ang gumawa?
The two cute little kids are pulling the door handle of the car continuously as if they want to wreck it. Habang ang isa naman ay biglang lumipat sa Bugatti ni Jin at pinagkukulayan naman ito nung isa gamit ang krayola na tila ba gusto nitong palitan ang kulay gamit ang maliliit na krayola.
Hinarap ako ni Jin na may umiigting na panga at may malalim na paghinga. "Who are those little brats?!" Singhal nito na inis na inis.
"They are the kids that I've mentioned in our contract. Do you liked my surprise?" Nang-aasar na sambit ko rito at tumawa nang makita ang pagkairita nito sa sinabi ko.
Tinignan nito ang hawak na papel at tila inaalam kung ano ba ang kanyang gagawin. Nakita ko ang bahagyang paglukot ng papel dahil sa sobrang diin ng hawak niya rito.
"I can still back out in our contract, right? Hindi pa ito effective dahil wala pa naman tayong ibinibigay na breach compensation," Agad na sabi nito na tila nabunutan ng tinik.
"Then, let's make one since we already have our signature on the first part." Mabilis na wika ko at bahagyang nginitian ito. Saglit akong napaisip kung ano ba ang sasabihin ko. "Ah, alam ko na!" Excited na sambit ko.
"Lahat ng ari-arian ng kung sino man ang nag-breach sa contract at nag-break ng rules ay mapupunta sa kabilang party. In short, mapupunta sa akin lahat ng pagmamay-ari mo kung ngayon pa lang ay hindi ka na susunod." Lintanya ko at ngumisi. "Ano sa tingin mo, Jin?"
"That's too much, Athena! Hindi makatarungan ang compensation na iyon!" Naiirita nitong singhal kaya ngumiti lang ako at nagkibit balikat.
Hinayaan ko itong mabahala at mag isip-isip nang sa gano'n ay makapagdesisyon ito ng maayos. Halos umabot ng sampung minuto ang pagninilay nito na siyang nagpapailing na lang sa akin.
"I'm going to sign the contract," Agad akong napaayos ng umupo ng marinig ko itong magsalita. "But I'm going to return to my house," Pahabol na sambit nito kaya umiling ako at tinuro ang unang rules na ginawa niya.
"Number 1. Mr. Jin Juevas will live from Ms. Athena Lulu Herrera's house from now on until the contract expires. Please follow the rules or else you'll be in trouble," Hindi ito nakaimik sa sinabi ko at padabog na lang itong umalis at umakyat muli sa taas.
"Ang hina naman pala no'n," Natatawang wika ko sa aking sarili at sumubo ng prutas. Tumayo akong muli at naglakad palabas ng mansyon nang maalala ko ang mga bata sa labas.
"Nay Mathel!" Pagtawag ko sa isang hindi gaanong katanda na babae. Panay punas nito ng kanyang pawis sa noo dahil sa kulit ng mga bata kaya bahagya akong natawa.
Lumingon ito sa kinaroroonan ko na may pawising mukha at tila ba nabuhayan nang makita ako nitong papunta sa kanila. "Oh, Ms. Athena! Nand'yan na ho pala kayo,"
Maingat na hinila nito ang kamay ng dalawang bata at ipinagtabi sa kanyang harapan. Tinignan ko ang mga ito at nginitian ngunit nagulat ako ng dumila si Red sa akin at mabilis na pinikit-pikit ang kanyang mata.
Napaatras ako sa nasaksihan. "W-What's happening to you?" May bahid ng takot na tanong ko sa bata at tumingin kay Nanay Mathel upang humingi ng sagot. Napatingala na lang ito na tila ba pagod na pagod at tumingin muli sa akin.
"Pagpasensyahan niyo na po ang batang 'to. Huwag po kayong mag-alala, inaasar lang po kayo ng bata," Paliwanag nito at ngumiti sa akin ng alanganin.
"Mga bata, magpakilala kayo kay Ma'am Athena. Siya ang magiging mommy niyo simula ngayon," Umupo ako upang pantayan ang dalawang batang ubod ng ka-cutan. Nginitian ko muli ang mga ito at ginulo ang buhok ng mga ito.
"Kumusta kayo?" Tanong ko. "Kumain na ba kayong dalawa?" Sabay na tumango ang dalawang bata na si Apple at Red kaya hindi ko maiwasang pisilin ng bahagya ang pisnge ng mga ito.
"Mish Athena, kanino po big cars na 'yon?" Natawa ako sa maliit na boses at bulol na salita ni Red, ang lalaking bata. Namumula ang matambok na pisnge nito at tila may kuryosidad na makikita sa bilugan nitong mata.
Tinuro ko ang lahat ng mga sasakyan at nagsalita. "Lahat ng 'yan ay kay Mr. Jin Juevas, ang magiging daddy ninyo simula ngayon." Mahinahon na sambit ko at ngumiti.
"Daddy? Ano po ibig shabihin no'n?" Muli nitong tanong. Sasagot na sana ako nang magsalita si Apple, ang babaeng bata na kanina pa nakatingin sa akin ng tahimik. "Daddy means tatay, papa o itay. Diba may kalaro tayo sa labas na may gano'n?" Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Apple. She speaks more clearly with maturity than Red.
Upon seeing her cute little body with her innocent face, maiisip mong bata lang rin ito kung mag-isip pero nagulat talaga ako nang magsalita ito ng diretso. Pumasok bigla sa isip ko ang sinabi nito kaya hinawakan ko ang maliit nitong kamay at nginitian.
"Don't worry, Apple. Simula ngayon, you will have your own family and I'll make sure na ligtas kayo palagi at masaya," Pag-assure ko rito. Yumuko ito. "I will be your mom from now on kaya pwede niyo na akong tawagin na mama o kaya ay mommy,"
"Okay lang po ba 'yon? Kasi yung iba po na umampon sa amin, ayaw po kaming maging anak nila kasi makulit raw kami," Pagsalita ni Apple na may himig ng lungkot kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng kirot sa aking dibdib.
Tinignan ko ang dalawang bata na nasa harap ko. Red keeps his eyes wandering around Jin's cars habang si Apple naman ay pirming nakatayo habang nakayuko ang ulo. These two brave kids doesn't deserve to be an orphan and all the children out there who doesn't have a family. Isa na rin siguro sa rason ko kung bakit mas pinipili kong mag-donate at puntahan ang orphanage dahil ayokong maramdaman ng mga bata na sila-sila lang ang meron sila. Gusto kong maramdaman nila na kahit papaano sa mundong ito, may mga adults na gusto silang bantayan at alagaan.
"Hey, walang masama sa pagiging makulit, okay? Alam mo bang love na love ko ang makukulit?" Pag-alo ko kay Apple at niyakap ito ng mahigpit. Naramdaman ko ang maliit nitong braso na umakap rin sa akin kaya nakaramdam ako ng kakaibang saya sa aking puso. Tinignan ko ito sa mata at nagsalita. "Basta don't hate them ha? Siguro God planned it to meet me kasi He knows na ako yung magiging karapat-dapat na maging magulang niyo," Mahabang lintanya ko rito. Hindi ko alam kung naintindihan ba nito ang sinabi ko kahit alam kong malawak na ang isip ni Apple pero gusto ko lang sabihin lahat ng iyon sa kanya.
Bigla itong mahinang humikbi at nagpunas ng luha sa kanyang mata. Hinawakan ko ang pisnge nito at pinatahan. Humihikbi pa ito nang tumingin ito sa akin na may bahid pa ng luha at nagsalita.
"Can we really call you mommy?" Tanong nito kaya nakangiti akong tumango.
"Okay, mommy! Pewo pwede bang laro ko big toy cars na 'yan?" Mabilis na sabat ni Red na fixed pa rin ang mata sa mga sasakyan. Malakas ako na tumawa sa narinig. He calls Jin's cars as a big toy!
"Of course, you can baby! Ang totoo niyan, para sa inyo talaga ang mga big toys na 'yan," Mahinang bulong ko sa kanila kaya hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Red.
"Wow!" Sambit nito na may kumikinang na mata. "Pewo shino nagbili n'yan shamin, mommy?" Inosente nitong tanong.
"Siya po ba 'yong gwapong lalaki kanina na nakatingin sa amin?" Tanong ni Apple kaya tumango ako. "Tingin niya kami kanina ng masama, mommy. Galit po ba siya kasi lalaro namin big toys niya?" Biglang sumbong ni Apple sa akin.
"No, baby. He's not mad. Ang totoo niyan, he was sooo happy kanina nung makita kayo!" May excited kong bigkas sa dalawa.
"Pewo shino nga siya?"
Malawak na ngumiti ako sa mga ito at nagsalita. "He is Mr. Jin Juevas, ang magiging Daddy niyo simula ngayon,"