Chapter 7

880 Words
"Yeah, that's my most expensive car that I bought recently. Gusto ko nga ulit sana bumili ng ganyan kaso aanuhin ko naman ang dalawang Royce diba?" Sambit nito na tila ba normal lang sa kanya ang ganitong usapan. "Anyway, let's talk some important matters, shall we?" Mabilis na pag-iba nito ng topic na hindi ko nasagot kaya hinila ako nitong muli sa sofa. Nakita ko ang isang bagong plato na may lamang iilang toast bread at gatas na sa tingin ko ay dinala ni Lola Anna when Jin and I were talking. "So you remember proposing me your hotel?" Diretsong tanong nito kaya tumango ako. "Let's discard that proposal of yours because honestly, I don't need it anyway." Nanliit ang mata ko sa narinig. Anong ibig sabihin nito na hindi niya ito kailangan? That hotel of mine can earn millions too! "What do you mean by that? Minamaliit mo ba ang pinaghirapan kong itayong hotel?" Mataray na sambit ko ngunit agad itong umiling at sumandal ng prente. "No, don't get me wrong. Your hotel has the power to surpass one of my hotels but I will not gonna take it from you. Besides, people will think that our marriage is just a contract marriage." Nang marinig ko ang paliwanag nito ay natahimik ako. Since people are now eyeing us, kailangan namin mag-ingat dahil maaaring ito ang makita nilang weakness sa amin ni Jin. People wanted Jin to go down lalo na at isa siya sa pinaka-mayamang tao sa mundo ngayon. His competitors from the business world are trying to get his weakness that they might use to attack him na maaaring ikawala ng kanyang mga malalaking investors. Dumating ang secretary nitong lalaki na hindi ko man lang napansin kanina. May inabot itong isang papel na sa tingin ko ay isang kontrata. "Isa itong kasunduan na kung saan kailangan natin sundin kapag napirmahan na natin ito. Maliwanag ba?" Hindi ko alam kung bakit may pakontrata pa itong nalalaman ngunit tumango na lamang ako at hindi na kumontra. Binasa ko ang nakapaloob rito na kailangan namin gawin. 1. Mr. Jin Juevas will live from Ms. Athena Lulu Herrera's house from now on until the contract expires. 2. No boyfriend/girlfriend allowed during the contract. 3. No funny movements outside the house as people might gossip and photograph us. 4. No posting of other man/woman in any social medias the both party has. 5. Lastly, do not leave the house without informing the other person what will you do, where will you go and who are the people you are with. Nang mabasa ko ito ay hindi makapaniwalang napailing ako dahil sa nabasa. Hindi ko alam kung anong clauses ang binigay nito dahil para bang tinatanggalan ako nito ng karapatan na kumilos na ayon sa gusto ko. "Hindi ba masyadong mahigpit naman ang gusto mong gawin?" Hindi ko napigilan na sambit sa lalaki. "Don't worry, hindi lang naman ikaw ang gagawa niyan. I also need to comply with that kahit na mahirap sa akin," matapos nitong magsalita ay natawa na lang ako ng sarkastiko at napailing. Kung mahirap naman pala sa kanya, bakit kailangan niya pa itong gawin? "Whatever. Kaya ko naman gawin yan lahat," Saad ko at nilapag na ulit ang papel matapos pirmahan ito. Pumirma rin ito agad. Tumingin ito sa akin at napataas ang kilay. "Are you not going to write yours?" Pagtanong nito kaya ako naman ngayon ang ngumiti at sumandal sa sofa. "Can I ask you first?" Pagtanong ko na hindi nawawala ang ngiti sa aking labi. Recently, I asked his secretary about his life and he said something that pique my interest. Tumango ito kaya agad akong nagtanong. "What don't you want to have in your life or what do you hate the most?" Napangiti ako ng palihim nang marinig ko ang sagot nito. "I hate kids and I don't want to encounter a kid ever in my life," "Then, you should remove your hatred from kids from now on, Mr. Jin." Sambit ko at kinuha muli ang ballpen at nagsulat sa papel. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong nito na nagpaalis sa kanyang pagkakasandal dahil sa narinig nito mula sa akin. Inabot ko sa kanya ang papel upang mabasa niya ang isa kong hiling. Binasa niya ito na tila naguguluhan. "Be a father with Red and Apple. What the heck is this?" Hindi ko ito pinansin at kinuha ang phone ko nang tumunog ito. Nabasa ko ang text ng namamahala sa orphanage. Nanay Mathel: Nandito na po kami sa labas, Ma'am. Ang dami po ninyong kotse! Napangiti ako sa nabasa. Nandito na sila! Agad akong tumayo at lumapit sa kung saan pinakita ni Jin kanina ang kanyang mga kotse at sumilip. Tinawag ko si Jin na agad rin sumunod na tila ba hindi pa rin alam ang nangyayari. Halos mawalan ito ng kulay nang makita ang dalawang bata na ngayon ay naglalaro sa labas. "T-The he—No!" Utal na sambit nito at napahinto nang makita ang ginagawa ng dalawang bata sa kanyang mamahaling kotse. They are continously pulling the door handle of the car as if they want to wreck it. Pagkatapos ay kinukulayan naman nung isa gamit ang krayola ang pinakamahal na sasakyan ni Jin. Napangisi ako sa nakita at hindi maiwasang mapahagikhik. "Surprise, Jin Juevas!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD