Chapter 6

846 Words
"Good morning, Ma'am Athe—maryosep!" Bati sa akin ng isa kong katulong na may gulat na ekspresyon matapos kong lumabas sa aking kwarto na tila ba tinakasan ng kamalayan. Ramdam ko ang pamimigat ng aking ibabang mata dahil sa hirap kong nakatulog kagabi. It is all because of him, Jin Juevas! Alam niyo ba yung feeling na napilitan kang makasama ang isang taong hindi mo naman lubos na gustong makasama o makasalamuha? Halos mangasim ang mukha ko dahil sa talagang hindi ko napigilan si Jin na pumunta sa pamamahay ko. At ang loko, nag-feel at home! Mabuti na lamang ay may mga kwarto ako rito sa aking munting mansyon kaya doon ko siya pinatuloy. Alam ko naman na we are officially married na pero lahat ng iyon ay kontrata lang. He doesn't need to act clingy or what towards me lalo na at wala naman makakakita sa amin. Besides, titigilan naman na siguro ako ni Timothy, ang ex-boyfriend kong baliw dahil alam na niyang kasal na ako kay Jin Juevas. "Did the man in black suit last night went home already?" Tanong ko na may kuryosidad at bahagyang sumilip sa baba. Kumalma muna ito bago umiling dahil sa nakita nitong itsura ko na gulo ang buhok at may nangingitim na eyebag. "So, he's still here?!" Naiirita kong singhal. Napahawak ako sa aking sentido dahil sa naramdaman na stress. "Gising na po ang asawa niyo kanina pa po, Ma'am." Sambit nito na nagpangiwi sa akin dahil sa binigkas nito ngunit hindi ko na lang pinansin at nagmadaling bumaba na lang. Nakita ko agad ang isang lalaking prenteng nakaupo sa guest area habang nahigop ng hindi ko alam kung tsaa ba o kape na nakalagay sa mamahalin kong tasa. Nainis ako sa asta nito sa pamamahay ko kaya hindi ko maiwasang sumigaw. "Mr. Jin Juevas! You are not in your own house to sit like that! Isa pa, bakit nandito ka pa rin?" Singhal ko habang naglakad patungo sa pwesto niya. Dumating bigla si Lola Anna na may dalang plato na puno ng hiniwang mansanas at inilapag ito sa center table kung saan nakatapat si Jin. Agad na tumusok ito ng kapiraso ng mansanas at sinubo ito habang nakangisi na nakatingin sa akin. "Wow! Ang tamis naman ng mansanas na 'to, Lola Anna." Nangunot ang noo ko sa narinig. Kailan pa nakilala nitong lalaking ito si Lola Anna ko? "Siguro ho ay dahil sa matamis talaga ang nabili ko kanina, sir." Nakangiting sagot ni Lola. Saglit kong pinagmasdan ang dalawang nasa harap ko. "No, I think it's because you made it with love, Lola." Hindi ko maiwasang mapataas ng kilay ng tumawa si Lola na animo'y matagal na ang dalawang ito na magkakilala. Tumingin sa akin si Lola at bahagyang nagulat. "Oh! Nandyan ka na pala, Athena. Ano ang gusto mong kainin ngayon?" Napapikit ako sa naramdamang inis sa hindi malaman na dahilan. "Lola, kanina pa po ako rito pero parang ngayon mo lang naramdaman ang presensya ko," Pilit na ngiti kong wika. Tinapik ako nito sa braso at nagsalita. "Pasensya na, anak. Nakakatuwa kasi ang asawa mo eh," Pagtawa nito na sinabayan ni Jin. "Lola Anna, do you want to work with me?" Agad na nalingon ko si Jin dahil sa narinig at binigyan ito ng isang matalim na titig. "Don't you dare or else!" Singhal ko na sinuklian niya lang ng ngisi. "Bakit hindi ka pa ba lumalayas sa pamamahay ko?" Naiirita kong tanong. Tumayo ito sa pagkakaupo at pamulsang lumapit sa akin. Unti-unti itong ngumiti na tila ba may binabalak ito na hindi ko magugustuhan. "I'm going to live here with you from now on," Napakurap ako ng ilang beses dahil sa narinig. "Teka—may mali yata sa pandinig ko," Sambit ko at hinawakan ang dalawang tenga upang mahinang haplusin ito. Nakangiti pa rin ito at hindi nagsasalita kaya napahinto ako. "Pakiulit ang sinabi mo," Utos ko ngunit nag kibit balikat lang ito at umiling. "You heard me already," "Then, my answer is a big NO. May sarili kang bahay at mas malaki pa iyon sa bahay ko kaya don't ever think about living with me," "But you don't have a choice, Athena." Prente nitong wika at naglakad patungo sa whole glass window at hinawi ang kurtina. Nanliit ang mata ko sa nakita. "I already parked my ten expensive cars in front. My important things were already sent here earlier when you were asleep," "Surprise!" Sambit nito na tila ba nang-aasar. Napanganga na lang ako sa sinabi nito at sa nakita sa labas. Katulad ng sinabi niya ay naka-park nga ang sampung sasakyan na halos nagpalaki talaga sa mata ko dahil sa mga hindi ordinaryo nitong sasakyan. Napasinghap ako ng makilala ang pinakamahal na sasakyan sa buong mundo kaya hindi ko mapigilang mapatakip ng bibig dahil sa gulat. "T-That's Rolls-Royce La Rose Noire Droptail. . ." Napansin ko sa peripheral view ko ang pagtango ni Jin na hindi ko na pinansin dahil ang focus ko ay sa kanyang mga mamahaling sasakyan. What a way to brag his 30 million dollar Rolls-Royce to me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD