Dumaan ang dalawang linggo matapos ang pag-uusap namin ni Jin and I can say na successful ang naging usapan namin. Hindi ko malilimutan ang araw na iyon dahil sa mga nakakahiyang pangyayari na talagang gusto ko na lang kalimutan.
Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa swivel chair sa aking office dito sa mansyon. Paikot-ikot kong ginalaw ang aking inuupuan dahil sa kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isip ko. Bukod sa dami ng aking iniisip about sa hotel, binabagabag ang utak ko dahil sa isiping ikakasal na ako at bukas na agad iyon. Though, ang magiging set-up ng kasal namin ay formal kung saan dadalo ang mga ibang business owners, nandun pa rin ang kaba ko.
Hinawakan ko ang aking calendar na nakalagay sa aking office table at binasa ang nakasulat doon.
"September 06, D-Day," Pagbasa ko. Bukas na pala talaga.
Sa loob ng isang linggo ay inasikaso namin ni Jin ang dapat namin asikasuhin. Magmula sa venue, foods para sa mga attendees namin and even souvenirs.
Nakatanggap ako ng tawag mula sa orphanage kaya sinagot ko ito agad.
"Hello, Ma'am Athena?" Wika ng namamahala sa orpahanage sa kabilang linya.
"Hello po, how are you? Bakit po pala kayo napatawag?" Magalang na tanong ko sa kabilang linya.
"Ay, okay naman po ako ma'am pati ang mga bata. Confirm ko lang kung tuloy ba bukas ang pagpunta nila Red at Apple diyan sa inyo?" Lintanya nito. Nakagat ko ang labi ko nang maalala ang mga bata na aampunin ko. Isa pa ito sa mga gumugulo sa isip ko dahil masyado akong kinakabahan sa mangyayari once na naging anak ko na sila officially. Handa na ba talaga ako maging ina? Magiging mabuti ba akong mommy? Maaalagaan ko kaya sila?
"A-Ah, opo tuloy na tuloy po. I feel nervous to be honest but I am also excited to meet the kids," diretsahan kong sagot.
"It's okay to feel nervous dahil first time mo palang ito pero kapag nasanay ka na, matutunan mong maging masaya kasama sila." Gumaan ang loob ko sa narinig kaya hindi ko maiwasang mapangiti at magpasalamat.
"Huwag kang mag-alala, kakayanin mong maging ina." Dugtong pa nito.
"Salamat po. Malaking tulong po ang sinabi niyo sa akin," pagpapasalamat ko rito. Natapos ang usapan namin matapos ang saglit na kamustahin namin. Kinamusta ko rin ang mga bata ngayon sa orpahanage and fortunately, maayos ang mga bata roon.
Nangako rin ako na bibisitahin ko sila once na normal na ulit ang schedule ko since ang dami ko pang inaasikaso ngayon. Natapos ang buong araw na puro pag-aasikaso ang ginawa ko at saglit na nag-check ng mga pending works galing sa hotel. So far, nasa magandang kalagayan pa rin ang hotel ko.
Maaga akong pinatulog ng mga nag-aasikaso sa akin. Halos i-off ko na nga phone ko dahil sa sunod-sunod nilang tawag sa akin at sa pagtadtad nila ng mensahe sa akin. Mabuti na lang at pagod rin ako ngayon kaya minabuti kong magpahinga ng maaga at i-relax ang aking isip.
Maaga akong nagising kinabukasan dahil na rin kailangan kong mag-asikaso. Maaga ang magiging wedding party namin ni Jin dahil sa mga business owners at business partners namin na lumipad pa galing sa iba't-ibang bansa. Kailangan namin i-adjust ang time para sa kanila dahil we consider our partners and hotel owners as our VIP.
Nakasuot ako ng isang hindi ordinaryong puting long dress na pinagawa pa ni lola sa isang sikat na designer sa Italy. Para akong nagliliwanag at kumikislap dahil sa mga beads na kapag natapatan ng ilaw ay kumikinang. Ang buhok ko naman ay pinlantsa ng aking stylist ng husto dahil sa sobrang tuwid nito at nilagyan ng mga kolorete ang buhok ko. Si Jin naman ay naka-itim na tuxedo at nakaayos ang buhok nito na talagang bumagay sa kanya.
Nagtama ang mata naming dalawa ni Jin ng matagal kaya halos manigas ako sa kinatatayuan ko at napalunok. There's something about his looks that makes my heart crazy. If there's one thing that attracts me towards men, that could be their neat look, nice hair-cut and hairstyle.
Siguro naman lahat ay ganito ang nagpapabaliw sa mga babaeng katulad ko.
"Am I dreaming or hallucinating? Ang ganda mo sa paningin ko ngayon," Napasinghap ako dahil hindi ko man lang namalayan na nasa harap ko na pala si Jin mismo and he's giving me an intense stare.
"T-Thank you but I-I am always beautiful, Mr. Jin." Sambit ko na bahagyang nautal at umiwas ng tingin.
Bigla itong umiwas ng tingin at nakita ko ang pagngiti nito ng bahagya. Saglit itong tumihkim at tumingin muli sa akin.
"How about me? Are you not going to say how handsome am I and how it makes your heart flutter?" Ang kaninang pagbilis ng tikbo ng puso ko ay biglang bumagal at halos gusto ko na lang itong ikutan ng mata dahil sa mayabang nitong sinabi.
May nais pa lang marinig kaya nagsabi ng maganda tungkol sa akin.
"Oh thank God! 'Yan ang kilala kong Jin Juevas!" Pagwika ko na tila nabunutan ng tinik dahil sa kakaibang naramdaman ko kanina.
Pinatong ko ang kanang kamay ko sa aking dibdib upang pakiramdaman ang pagkalma nito.
"What are you trying to say?" Tanong nito na may nagtatanong na mata. Tila ba hindi niya talaga napapansin ang lumalabas sa kanyang bibig.
"Wala, let's focus na lang sa mga guests natin. Alis ka na," pagtulak ko sa kanya paalis sa tabi ko. Hindi na ito nakaimik at naglakad na lang papunta s amga bisita namin.
Kung idi—describe ko si Jin, masasabi ko talagang mahangin at mayabang siya pero hindi nila napapansin ang kawirduhan nito minsan. Ewan ko, ako lang yata ang nakapansin no'n dahil sa nakikita ko ngayon, he's greeting our guests with a cold stares na para bang hindi siya katulad kanina.
Katulad nga ng sinabi ko, our wedding party is not what you will expect. It is more about business. We invited our investors, business partners and even business and hotel owners na galing pa sa iba't-ibang bansa ay nandito ngayon dahil na rin kay Jin. As you all know, Jin is not only a billionaire but also a man who owns a hundred hotels among these people. For them, it is a historical for Jin Juevas na maaaring makatulong rin sa kanila in the future.
Natapos ang buong party ng maayos. Jin offered his hotel for one day to all the guests who joined our wedding party for free. Halos lahat kami ay nagulat sa pag-offer ni Jin ng libre dahil hindi biro ang ginawa nito. Kung iisipin ninyo, his hotel sales will go up rapidly if he let the guests pay for their stay in his hotel kasi ganun ang gagawin ko kung ako iyon. But this man, he let them stay here for free! Imagine, a hundred thousand ang bayad kada hotel room and he didn’t grab the chance to earn.
Nasa parking lot na kami ng hotel ni Jin upang makauwi na dahil sa sobrang pagod sa pag-aasikaso sa mga guests ngunit hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip ni Jin ngayon dahil sa sinabi nito.
“Let’s have a dinner date, Ms. Athena.” Pag-aya nito sa akin na para bang hindi ito nag-aaya kundi parang utos.
“Sorry but I’ll have my dinner at my place,” Pagtanggi ko na hindi man lang tumitingin aa kanya at lumapit sa aking mamahaling sasakyan na galing pa sa America. Napahinto ako sa pagtangkang pagpasok sa sasakyan ko ng higitin nito ako sa braso na nagpahawak sa balikat niya.
Napanganga ako sa aming posisyon kaya agad-agad akong bumitaw sa kanya at umayos ng tayo ngunit halos maubusan ako ng hininga sa paghigit nito muli sa akin na nagpalapit ng mga mukha namin sa isa’t-isa. Titig na titig ang mga mata ni ni Jin sa akin at ramdam ko pa ang mainit nitong hininga sa pisnge ko.
“Ano bang hindi mo naintindihan sa sinabi ko, Mr. Jin? Ang sabi ko sa amin na ako kakain!” Singhal ko rito upang hindi mahalata ang nag-uunahang t***k ng puso ko.
Nanlaki ang mata ko nang tuluyan na itong lumapit sa akin at nilapat ang labi nito sa inosente kong labi. Halos gusto kong magwala dahil sa inis sa sarili ko dahil sa isiping ang tamis ng labi nito.
Nanghihina ko itong naitulak at nalilitong tumingin sa kanya na ngayon ay nakangisi na tila ba nasisiyahan sa nakikita sa reaksyon ko.
“H-Hoy, bakit mo ako hinalikan?!” Walang lakas kong singhal sa kanya at pinunasan ang labi. “My precious lips, oh my gosh! Magkakaroon ako ng bacteria nito!” Natataranta kong wika na ikinatawa niya ng malakas.
“That’s why I liked you! You are funny!” Pagtawa nito at umiling-iling. Sisigawan ko na sana ito ng muli nito akong halikan ng saglit at ngumiti sa akin.
“Let’s have a dinner together today, Ms. Athena and let me sleep at your place for tonight,”