Kinabukasan ay agad kong prinoseso ang mga dokumento na kailangan kong asikasuhin para sa mga bata. Gusto ko rin kasi maging smooth na lang ang pagkuha ko sa kanila at nang hindi na ako mahirapan pa.
Kalahating araw akong naglakad ng mga papeles at kung saan-saan pumunta. I am tired already but thinking of Red and Apple excites me.
My secretary texted me that I'll be having a meeting with Juevas later kaya kinuha ko ang pagkakataon na ito upang makausap si Juevas.
Dumating ang hapon na natapos ko ang paglalakad ng mga dokumento kaya saglit akong nagpahinga sa aking mansyon.
Kinuha ko ang phone ko at nag-scroll sa aking gallery. Nakita ko ang picture ng mga bata sa orphanage at napangiti.
"I hope they feel contented and happy," Bulong ko sa sarili.
Pagka-scroll kong muli ay nakita ko ang dalawang mukha ng bata na halos panggigilan ko sa sobrang cute.
"Hay naku, Red at Apple! Sobrang cute niyo talaga, gosh!"
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod. Pagkatapos kong magpahinga ay agad akong nag-ayos ng sarili. I wore my formal dark blue dress matching it with a black 3 inches heels na binili ko pa sa South Korea.
I straightened my hair para mas pormal akong tignan mamaya. Hindi naman kasi ito basta-basta meeting lang with someone. I'm going to meet the most successful hotel owner and the one who has more power than me, according to him.
Lumabas na ako ng aking kwarto at nagpaalam kay Lola Anna na aalis lang ako. I went out and ask kuya Dennis to drive me to Dine at Boromeo, one of the most popular restaurants in the Philippines for being expensive.
Nakarating kami ng halos dalawampung minuto dahil nagkaroon ng kaunting aberya sa dinaanan namin.
I am 10 minutes late.
Nang makapasok sa restaurant ay may lumapit sa akin na waiter at tinanong kung ako ba si Athena Herrera kaya tumango ako. Iginaya ako nito papunta sa isang VIP room at pinapasok.
I saw a man who was sitting already in the other side of the table. He looks at me and smirk.
"Oh, here comes the very very important person!" Pang-aasar nito sa akin.
Muntik ko ng mabato ang mamahalin kong bag sa kanya dahil sa nakakaasar nitong sinabi. Hindi pa man kami nito lubos na magkakilala ay pinakita na niya agad ang kanyang maruming ugali.
Pinilit kong ngumiti at magpakilala sa mayabang na lalaking kaharap ko.
"Sorry for coming late. May insidente lang na naganap kanina. By the way, I am Athena Lulu Herrera, the owner of the most bankable hotel in the Philippines, Luna Hotel with five successful branches in Pasay, Makati, Quezon, Cebu and in Baguio City." Mahabang pakilala ko sa aking sarili habang nakangiti at nakipag kamay sa kanya. Pagkatapos ay naupo na ako.
"That's interesting," Wika ni Jin at tumango-tango. "I think you know who I am already but still, let me introduce myself to you. I’m Jin Rafael Juevas, a billionaire man who owns the most popular hotel among business and hotel owners in the world, the JRJ Hotel."
Mayabang na sambit nito kaya ngumiti na lang ako at tumango. There is no way na magpapatalo ako sa lalaking ito, mayaman rin ako and I also own five hotels.
"Let met get straight to the point, please accept my marriage proposal." Walang pag-aatubili kong wika sa lalaking kaharap ko.
"There is no way that I'll accept if for free, Ms. Herrera. Isa pa, kung may gusto ka sa akin, pwede ka naman mag-confess but not to the point na you'll ask me to marry you," Mahabang lintanya nito at nag de kwatro. He looked at me and wink.
Napahawak ako sa batok at napapikit. "You are not handsome and wealthy enough for me para magustuhan ko romantically. What I am asking is a pure business, Mr. Juevas."
Lintanya ko na magpapasupalpal sa ugali niya. Not every woman falls for him because of looks, mas marami pang mas gwapo sa kanya at mas mayaman na I can like.
Nakita ko ang pagkunot noo nito na siyang hindi ko pinansin bagkus ay nginitian ko lang. I can feel his irration towards me but who cares?
"Do you have anything to say to me?" Tanong nito at umupo ng maayos.
"I will give you my two branches of Luna Hotel just to marry me," Biglang nag-iba ang tingin nito sa akin at tila nabuhayan sa narinig.
"Are you insane, Ms. Herrera?" Wika nito na tila amused sa narinig.
"No, I am totally sane. Anong sagot mo?" Naiinip na tanong ko.
Saglit itong natahimik at tila nahulog sa malalim na pag-iisip. Maya-maya lang ay tumingin muli ito sa akin at nagtanong.
"Anong rason mo kung bakit gusto mong magpakasal sa akin, to the point na handa mong ibigay ang dalawang branch ng hotel mo sa akin?"
May kuryosidad nitong tanong. "If I answer that question, you're going to marry me." Wika ko. Tututol na sana ito nang magsalita ako agad na ikinainis niya.
Of course, I will not let him speak since I want to marry him already.
"Kailangan ko ng power mo to protect me, in short, I need your troops. Hmm, may isa pang rason pero sa susunod ko na iyon sasabihin sayo," Natapos ang usapan namin nang maayos.
Kumain kami ng tahimik at nag-usap ng mga kung ano-ano lang. Nagtanong ng mga walang kwentang tanong basta may mapag-usapan lang. Gusto ko na ngang tadyakan itong si Mr. Jin dahil sa random question nito sa akin na halos ikabaliw ko nang sobra.
"How many crocodiles do we have in the Philippines?"
"Have you tried using tissue only when you poop?"
"Have you tried eating siopao? That's gross! I heard somewhere that it was made from cat!"
"How many cars do you have? Car race tayo tapos let's destroy our most espensive car!"
Parang gusto ko na lang tuloy mag back out dahil sa ka wirduhan ng lalaking kaharap ko. Sa lahat ng lalaking nakilala ko, pangalawa siya sa pinaka weird na taong nakilala ko.
Syempre, that Timothy psycho is the most weirdo of all time. Walang makakatalo sa taong iyon.
"At least this man looks a little bit normal than him," Pagkausap ko sa sarili at tumango.
"Are you talking to yourself? Ang weird mo ha," Nawiwirduhan na wika ni Jin sa akin kaya hindi ko maiwasang hindi matawa ng sarcastic sa lalaking ito.
Padabog na tumayo ako na ikinagulat niya.
"A-Anong problema mo?" Nauutal na tanong nito sa akin na tila natakot sa asta ko.
"Aalis na ako, salamat sa time Mr. Juevas." Nagpipigil kong sambit at kinuha ang bag ko. Nakakailang hakbang pa lang ako nang magsalita ito na sakto lang sa pandinig ko na talagang nagpainit sa ulo ko.
"Sobrang weird ng babaeng iyon, I don't know how her ex-boyfriend liked her,"
Sa araw na ito, napatunayan kong ang hirap pala makipag-usap sa baliw at weirdo. Nakakasakit ng ulo at nakakaubos ng pasensya na parang anytime ay may masasakal kang tao.
Dagdagan pa na he mentioned my previous relationship na wala naman siyang alam. I don't know kung saan niya ito narinig, or maybe, he background check me?
Bumalik ako sa pwesto namin at sasabuyan na sana ito ng tubig nang matapilok ako dahil bigla na lang bumigay ang paa ko dahil sa heels.
Nanlaki ang mata ko nang mapayakap ako kay Jin dahil sa pagtatapilok ko. Unti-unting dumaloy ang dugo ko sa ulo ko dahil sa naramdaman na hiya.
"W-What are you doing, Ms. Herrera?" Utal na sambit nito habang nakataas ang dalawang kamay.
Aalis na sana ako sa pagkakayakap nang matapilok muli ako at nawalan ng balance. Halos gusto ko na lang lamunin ako ng lupa dahil napasiksik ang mukha ko sa leeg ni Mr. Jin.
Nakagat ko ang labi ko at napapikit. Anong problema ko ngayon?! This is the most embarrassing moment of my life!
Wala akong narinig na salita mula kay Jin. Tanging ang naririnig ko lang ay ang kanyang mabigat na paghinga at ang bilis ng t***k ng kanyang puso.
For the third time, I tried to stand up pero ang hindi ko inaasahan ay ang nagpahinto sa akin.
Jin Rafael Juevas hugged me. He hug me!
"Stay like that, Ms. Herrera. People are looking at us right now. You don't want to embarrass yourself, right?"
Naramdaman ko ang dahan-dahan nitong pagtayo habang nakayakap sa akin. Inalis nito ang pagkakayakap at humarap sa akin na may namumulang mukha.
He is red as tomato!
"B-Bakit namumula ka?" Nauutal na tanong ko.
"I-I don't know. Ikaw rin naman," Saad nito at umiwas ng tingin.
Napatingin ako bigla sa kanyang leeg at biglang nanlaki ang mata sa nakita. Dahil sa gulat ay napalapit na lang ako sa kanya ng husto at bahagyang pinunasan ang kanyang leeg na may bakas ng aking lipstick.
Ramdam ko ang pag-tense ng katawan nito dahil sa biglaan kong paglapit.
"W-What are you doing?" He asked nervously.
Hindi ko ito pinansin dahil naka-focus ako sa pagtanggal ng lipstick ko sa kanya na ang hirap tanggalin.
"H-Hey, what are you doing?"
"I-I'm sorry, nalagyan ko ng lipstick ang leeg mo," Nahihiyang sambit ko kaya sinubukan niyang tignan pero hindi niya makita.
Sumuko rin ito at inayos ng maigi ang kanyang polo at coat. "I-I'm goind to remove it later na lang when I get home,"
Tumango at nagpaalam na mauuna ako ngunit napahinto muli ako nang magsalita ito.
"I think I don't need to think more about your proposal. Let's get married, Ms. Athena Herrera."