“Carl, ilang taon ka na?” natatawa kong tanong. “Are you still minor or you're already an adult?”
Kung sasabihin ni Carl na hindi na siya minor ay matatawa talaga ako ng malakas. Masyado kasi siyang naniniwala sa mga kuwento ko.
“I’m already twenty two. So, it means I'm not minor anymore.”
“Oh, I see,” tumatango-tango kong wika habang naaliw kay Carl. “Dito ka ba nakatira sa lugar na 'to, Carl?”
“No.”
“Saan ka nakatira?”
“Malapit lang sa bahay niyo.”
Awtomatikong bumilog ang mga mata ko. “Doon ka ba nakatira sa kulay green na bahay? ‘Yong may malaking puno ng mangga sa gilid ng gate?”
“Exactly.”
“Wow! Sabi ko na nga ba, eh!” Bahagya kong hinatak-hatak ang damit ni Carl. “Kaya pala pamilyar ka sa akin, eh!”
Natutuwa ako dahil mukhang madadagdagan ang matalik kong kaibigan.
Magaan kasi ang loob ko kay Carl kaya kahit naniniwala siya sa aswang ay mukhang magkakasundo pa rin kami.
“Zairyle, nasasaktan na ako,” walang emosyon nitong bulalas. “Pumunta ako rito mag-relax at hindi para masaktan.”
Natawa ako. “Broken hearted ka ba kaya ka nagpunta rito?”
“Ang bata ko pa para maging broken hearted. At saka, virgin pa ako, ‘no.”
“Ang bastos mo,” komento ko. “Hindi ko naman tinatanong kung virgin ka pa o hindi na. Tsk. Wala rin akong pakialam kung laspag na ‘yang itlog mo dahil buhay mo naman ‘yan.”
“Kita mo na! Ikaw nga ang bastos diyan, eh! Kababae mong tao, ganiyan ang lumalabas sa bibig mo. Siguro dati lang lalaki, ‘no?”
Kinurot ko si Carl. Sa tuwing natutuwa kasi ako sa kaniya ay bigla ko na lang siyang nakukurot o ‘di kaya’y nahahampas. “Ang sakit na ng katawan ko, Zairyle. Maawa ka naman sa akin. Kanina mo pa kaya ako sinasaktan.”
“Sorry na,” magiliw kong wika sabay kurot sa pisngi ni Carl. Hindi ko talaga maiwasan na hindi siya masaktan sa tuwing natutuwa ako sa kaniya. “Siya nga pala, may gagawin ka ba bukas?”
“Maglilinis lang sa bahay.”
“Bakit?”
“Wala kaming kasambahay, eh. Bukod sa wala kaming kasambahay, wala rin akong kapatid kaya wala akong makausap sa bahay.”
“Pareho pala tayo,” sabi ko. “Wala rin kasi akong kapatid tapos wala rin kaming kasambahay. ‘Yong yaya ko lang ang nakakasama ko madalas sa bahay namin.”
“Mabuti ka nga may yaya samantalang ako mag-isa lang talaga.”
“Malaki ka na rin naman kasi, eh,” sabi ko. “Hindi mo naman na kailangan ng kasama. Ayaw mo no’n tahimik lang ang buhay mo?”
“Sabagay.” Biglang nauwi sa seryosong usapan ang pagbibiruan namin ni Carl kanina. “Kapag wala kang ginagawa sa bahay niyo, p'wede mo ba akong dalawin minsan?”
“Oo naman!” mabilis kong sagot.
“Magdala ka na rin sana ng walis, dustpan at saka garbage bag, Zairyle.”
Kumunot ang noo ko. “Ba’t ako magdadala ng mga ganoon? Ano ‘yon, uutusan mo ‘kong linisin ang buong bahay niyo? Sinusuwerte ka! Hindi na lang ako pupunta sa bahay niyo. Siguro mas maganda kung matulog na lang ako sa bahay namin.”
“Biro lang!” nakangiti nitong usal. “May naglilinis talaga sa bahay namin araw-araw.”
“Mabuti naman! Akala ko gagawin mo akong alipin, eh!”
“Gusto ko lang ng may makausap o makasama kahit paminsan-minsan lang. Sobrang nakakabingi kasi kapag sobrang tahimik, eh.”
“Tama ka,” sang-ayon ko. “Alam na alam ko ‘yan dahil ganoon din ang nararamdaman ko. “Siya nga pala, anytime p'wede kang pumunta sa bahay kung halimbawa nababagot ka sa bahay niyo. Magdala ka lang lagi ng pagkain kapag pupunta ka.”
“Anong pagkain ang dadalhin ko? Ano ba ang mga gusto mo?”
“Biro lang,” wika ko. “Hindi mo kailangan magdala ng pagkain dahil marami no’n sa bahay namin.”
“Wala rin naman talaga akong balak na magdala, ‘no!” anito dahilan para sabay kaming matawa. “Sabagay, p'wede naman pala na magdala ako tapos doon na lang tayo sa ilalim ng puno kumain. May dalawang duyan ako roon sa bahay kaya p'wedeng tig-isa tayo. Wala kasi akong tiwala sa iyo dahil kung sasakay tayo sa iisang duyan ay baka ilaglag mo lang ako, eh.”
“Grabe ka naman!” pag-angal ko. “Hindi naman ako ganoon.”
“Anong hindi? Ngayon pa nga lang bugbog sarado na kaagad ako, eh. Isusumbong kita sa mommy at daddy ko kapag nagkaroon ako ng pasa. Isusumbong din kita sa lolo at lola ko pati na rin sa mga auntie at uncle ko. Akala mo, ha?”
“Gusto mo samahan pa kitang magsumbong sa lahat ng angkan mo, ha, Carl?” tanong ko habang taas-baba ang kilay ko. “Sumbungero.”
“Eh, sinasaktan mo ang kaisa-isang nilang anak, apo at saka pamangkin, eh.”
“Talaga bang nag-iisa ka lang sa lahi ninyo?”
“Oo, eh. Ang malas ko, ‘no? Ang boring ng buhay.”
“Carl.”
“Hmmm?”
“Madalas ka ba sa lugar na ‘to?”
“Medyo.”
“P'wede mo ba akong sabihan kapag balak mong pumunta rito ulit?”
“Bakit?”
“Gusto ko kasi ulit pumunta rito. Pero, sa susunod na punta ko rito ay isasama ko na ‘yong kaibigan ko. Mahilig kasi ‘yon sa mga ganitong lugar, eh. Ayos lang ba?”
“Oo naman! Malakas ka sa ‘kin, eh!”
“Thank you, Carlito!”
“Carlito?”
“Eh, ‘di ba nga Carl ang pangalan mo? Kapag naging gurang ka na kagaya ng lolo ko, Carlito na ang magiging tawag ng mga tao sa iyo.”
“Talaga ba? So, habang tumatanda pala, pabaho rin pabaho ang pangalan?”
“Mabaho ba ang Carlito? Ang cute nga, eh! P'wede naman Carcar kung ayaw mo ng Carlito.”
“Sige na, tatanggapin ko na ‘yong Carlito basta ‘wag lang Carcar. Tunog abnormal na kasi kung Carcar, eh,” saad ni Carl habang nakasimangot. “Alam mo, kanina ko pa napapansin na pinaglalaruan mo lang ang pagkatao ko. Ang sama-sama mo talaga.”
“Ay, ‘wag naman po, Kuya!” kunwa'y pagdadrama ko. ‘Wag niyo po akong sasaktan! Maawa na po kayo sa akin!”
“Baliw ka!” komento ni Carl habang natatawa. “Zairyle.”
“Bakit?”
“Ang sweet ng lola mo sa lolo mo, ‘no?”
Napatingin ako sa dalawang tao na tinutukoy ni Carl.
“Paano mo nasabi na sweet sila, Carl?”
“Kanina ko pa kasi nakikita na inaasikaso ng lola mo ang lolo mo, eh. Tinitingnan niya kung pawis na ang likod ng lolo mo tapos pinupunasan niya ng tissue tapos kanina nakita ko rin na inaayos din ng lola mo ang buhok ng lolo mo. Nakakatuwa lang,” nakangiting wika ni Carl na halatang sobra ang paghanga sa dalawa.
Marahil ay iniisip nito na sana ay makatagpo rin ito ng pag-ibig na kagaya ng nakikita niya ngayon sa pinaniniwalaan niyang lolo at lola ko. “Nakakatuwa sila, Zairyle, ‘di ba?”
“Hindi!” pagkontra ko sa sinabi ni Carl. “Kanina pa kaya ako inis na inis sa mga ‘yan. Kita mo, gabing-gabi na pero nandito pa rin kami dahil sa kalandian nilang dalawa! Hay naku! Kung may bomba lang akong dala ay baka kanina pa naghiwalay ang dalawang ‘yan.”
“Hindi lang sila basta maghihiwalay kun’di pareho pa silang matitigok diyan sa binabalak mo. Ang sama mo talaga.”
“Carl, hindi ka pa ba uuwi?” mahina kong tanong. “Umuwi na kaya tayo?”
Tingnan ko lang kung hindi mabaliw si daddy ninong sa kahahanap sa akin kapag hindi niya ako nakita rito.
Akalain mo, ni hindi man lang niya ako naisipang lingunin o tingnan kung ayos pa ba ako rito o hindi na.
“Gusto mo na bang umuwi?”
Tumango ako. “Kanina pa ako uwing-uwi. P’wede bang umuwi na tayo?”
“P'wede naman.”
“Kung ganoon, tara na?”
“Hindi ka ba magpapaalam muna sa lolo at lola mo?”
“Tatawagan ko na lang sila mamaya. Ayaw ko silang maistorbo kaya hindi ko na kailangan pang magpaalam ng personal sa kanila.”
Hinatak ko si Carl para tumayo na ito at pagkatapos ay patakbo kaming pumunta sa kinaroroonan ng sasakyan niya. “Alam mo, mapagkakamalan tayong magnanakaw nito," reklamo ni Carl.
“Mabuti sana kung may nakita sila na may bitbit tayong mga gamit mula sa lugar kung saan tayo kumain.”
“Pasok na.”
Kagaya ng sinabi ni Carl ay pumasok na rin agad ako loob ng sasakyan niya. “Bilisan mo, Carlito!"
Pinatay ko na rin ang cellphone ko para hindi ako makontak ni daddy ninong. Tsk. Manigas siya!