Chapter 15. Secret agenda!

1517 Words
“Ba’t parang ang layo ng iniisip mo, Zai?” tanong sa akin ni Aida habang kumakain kami rito sa cafeteria. “May problema ba? Hindi mo ba gusto ‘yong pagkain?” “Ayos naman. Masarap naman," tinatamad kong sagot. “Eh, ba’t kanina ka pa tulala?” tanong ulit ng kaibigan ko. Napabuga ako ng hangin sabay titig Kay Aida. “Aida.” “Hmmm?” “Pangit ba ako?” tanong ko pagkuwan. “Ha? Bakit mo naitanong?” “Basta! Sagutin mo na lang ang tanong ko. Pangit ba ako?” “Hindi naman masyado. Medyo, angat ka lang ng kaunti sa unggoy.” Walang gana kong tiningnan ang kaibigan ko. Ang lala pala ng tingin sa ‘kin ng babaeng ‘to. Tsk. “Wala bang mas malala pa, Aida?” tamad kong tanong dahilan para tumawa ng malakas ang kaibigan kong may saltik. “Unggoy talaga?” “Eh, ‘yon ang tingin ko sa ‘yo, eh,” katuwiran pa nito. “Bakit ba? Ba’t ba kasi bigla-bigla mo na lang tinatanong sa ‘kin kung pangit ka? May nagsabi ba sa iyo na pangit ka?” “Oo,” tipid kong sagot. “Sino naman?” “Si Daddy Ninong.” “Ha? Siya ang nagsabi? Siya talaga mismo ang nagsabi ng bagay na 'yan?” “Oo, eh.” “Paano niya naman daw nasabi na pangit ka?” “Hindi ko alam.” “Binibiro ka lang siguro ng daddy ninong mo, Zai,” wika ni Aida sa ‘kin. “Ikaw kaya ang pinakamaganda sa klase natin. May mga manliligaw ba sa ‘yo kung pangit ka? ‘Wag ka ngang magpaapekto sa matandang ‘yon.” “So, maganda ako?” “Oo naman!” “Thank you, Aida,” ani ko na ngayon ay nakangiti na. “Alam mo, niloloko ka lang talaga ng daddy ninong mo,” anito. “Ikaw naman, masyado ka namang affected sa mga sinasabi ng lalaking ‘yon. Hindi mo ba naisip na baka kabaliktaran ang lahat ng lumalabas sa bibig n’ya? At saka, paano niya ba nasabi na pangit ka?” “Pumunta kasi kami sa mall kahapon.” “Oh, tapos?” “May nagustuhan akong damit.” “Tapos?” “He said that dress didn't suit me because I was ugly,” malungkot kong saad. “Bagay lang daw ang damit na ‘yon para sa mga magagandang babae lang.” “Ano ba’ng klase ng damit ‘yong gusto mo sana?” “Knee length sleeveless dress. Color red. Alam mo, sobrang ganda nang damit. Simple but elegant. Sa isip-isip ko, sobrang bagay sa ‘kin ang damit na ‘yon kaya lang sinabihan ako ni daddy ninong na hindi bagay sa akin ang mga ganoong style kaya hindi ko na lang binili.” “Bagay nga sa iyo ‘yong mga ganoon, eh,” pahayag ni Aida. “Bagay naman sa iyo kahit ano pa ang suutin mo dahil sexy ka, maputi ka, at saka maganda pa. Ewan ko ba sa daddy ninong mo kung paano niya nasabi na pangit ka kaya hindi bagay sa iyo ‘yong mga ganoong klase ng damit. Ba’t kasi hindi ako ang isinama mo sa mall? Ba’t kasi siya ang pinili mong isama kaysa sa kaibigan mo?” “Hindi ko na naisip, Aida,” ani ko. “Hayaan mo dahil sa susunod, hindi ko na talaga siya yayayain pa. Nakakainis siya. Ang dami pa namang tao nang sinabi niya ang bagay na ‘yon.” “Hayaan mo na lang ang daddy ninong mo,” pagpapakalma sa akin ni Aida. “Hindi naman totoo ‘yong sinasabi niya, eh. Alam mo may plano ako.” “Ano?” “Malalaman natin kung talagang totoong pangit ka lalong-lalo na sa paningin niya.” “Ano naman?” “Huwag mong itaboy ‘yong mga nanliligaw sa ‘yo para malaman ng daddy ninong mo na hindi ka pangit sa paningin ng iba.” Napaisip ako bigla sa plano ni Aida. Siguradong hindi uubra ang plano namin dahil tiyak na may mga taong masasaktan. Pinagbantaan kasi ako ni daddy ninong na kapag daw may lalaking lumapit sa akin ay hinding-hindi ko raw magugustuhan ang gagawin niya. “Ano, game?” “Ayaw ko, Aida,” pagtanggi ko. “Ayaw kong may mapahamak ng dahil sa akin. Kilala mo naman si Daddy Ninong, ‘di ba? Kapag nakita no’n na may mga kinakausap akong lalaki ay baka gulpihin pa niya. Ang malala pa ay baka barilin niya ang mga ‘yon isa-isa.” “Sobra ka naman!” nakairap na sabi ni Aida. “Hindi naman siguro.” “Hindi mo pa siya kilala,” nakasimangot kong sabi. “Iba ang ugali ni daddy ninong, Aida. Mas mahigpit pa siya kaysa sa mga magulang ko kaya ingat na ingat ako sa mga ikinikilos ko dahil ayaw kong pagalitan niya ako. Sa summer vacation nga, hindi ko alam kung saan ako pupunta, eh. Ayaw kasi nila akong payagan na sumama kay Yaya Marissa dahil marami raw lalaki roon.” “Sino ang nagsabi na maraming lalaki roon?” “Si Daddy Ninong.” “Ano naman sa kaniya kung maraming lalaki roon?” “Hindi ko nga rin alam, eh. Eh, ‘di ba normal lang naman ang mga ganoon? Kahit nga rito sa Manila ay marami talagang lalaki, eh.” “Masyado lang talagang praning ‘yang daddy ninong mo, Zai. Ibang klase talaga siya tapos sasabihin niya pangit ka.” “Oo nga, eh. Sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan ang ugali ni daddy ninong minsan.” “Hayaan mo na,” wika ni Aida. “‘Wag na nating stress-in ang mga sarili natin sa mga ganiyang bagay, Zai. Ahm, siya nga pala, kung wala kang pupuntahan sa summer vacation, sumama ka na lang kaya sa akin.” “Saan?” “Sa Nueva ecija.” “Ano’ng gagawin natin doon?” “Magbabakasyon. Summer vacation nga, ‘di ba?” “Hindi ako basta-basta makakasama sa ‘yo kung walang permiso ng mga magulang ko, Aida.” “Papayagan ka naman siguro ng mga ‘yon lalo na’t ako naman ang kasama mo.” “Kung sakaling payagan nga nila ako, kailangan ko pa ring magpaalam sa daddy ninong ko. Kapag hindi niya ako pinayagan, hindi ako makakasama sa ‘yo.” “Ay ganoon?” Tumango ako. Halos si Daddy Ninong kasi ang nasusunod sa lahat lalong-lalo na kapag tungkol sa akin at sa kaligtasan ko. “Kung ganoon, magpaalam ka na agad pag-uwi mo mamaya para malaman ko kaagad ang sagot mo.” “She's not coming with you.” Kapwa kami napatanga ni Aida nang biglang sumulpot si Daddy Ninong dito sa cafeteria. Ano'ng meron? Ba't siya nandito? P'wede ba siyang pumasok rito ng walang sadya? “She's not going anywhere. If you're going to Nueva Ecija, go to that place alone.” “Daddy Ninong, ano po’ng ginagawa niyo rito?” tanong ko. Halos nakatingin na kasi sa amin ang lahat ng tao rito sa cafeteria dahil sa pagdating nila. Hindi kasi siya basta nag-iisa lang dahil marami sila. “May sadya po ba kayo rito?” “Sumabay ka na sa akin pauwi,” sa halip ay sabi ni daddy ninong sa akin. “Let's go home.” “May klase pa po ako.” “Anong oras ka uuwi?” “Alas-tres pa po.” Napatingin si Daddy Ninong sa suot niyang relo. “‘Wag niyo na po akong hintayin. Uuwi na lang po akong mag-isa.” “I'll wait for you outside.” “Hindi na po, Daddy Ninong,” umiiling-iling kong sambit. “Sasabay na lang po ako kay Aida. Ihahatid na rin daw po ako nila sa bahay, ‘di ba, Aida?” “Ha?” Sinenyasan ko si Aida na tumango para kunwari ay totoo ang sinabi ko kahit hindi. “Ay, opo! Sasabay na lang po siya sa amin mamaya.” “I can see that the two of you are both lying,” ani ni daddy ninong sabay titig sa akin. “Stop lying to me. It won't work.” Napangiwi tuloy ako. “I'll wait for you outside and that's final. I'll go ahead. Bye.” Pagkasabi no’n ay tumalikod na ito sa amin kasama ang mga lalaking kasama nito. “Ibang klase talaga ang daddy ninong mo, Zai,” napapailing na wika ni Aida nang mawala sa paningin namin si Daddy Ninong at ang mga kasama nito. “Bigla-bigla na lang sumusulpot!” “Oo nga, eh,” sang-ayon ko. “Ano kaya ang ginawa niya rito? At saka, ba’t ang dami niyang kasama?” “Hindi ko nga rin alam, eh. Ako man ay nagtataka rin kung ano’ng ginawa niya rito at bakit sandamakmak ang kasama ng daddy ninong mo. Hindi kaya may pinatalsik siya rito?” "Sino naman ang patatalsikin niya rito sa school natin?" curious kong tanong dahil palaisipan sa 'kin ang pagpunta ni daddy ninong rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD