“Zai.” “Bakit?” “Let's hide for a moment.” Hinatak ako ni Aida papunta sa isang malaking puno kung saan hindi kami basta-basta makikita. “Bakit ba? May nag-aabang ba sa iyo sa labas?” takang tanong ko. “Do I need to call the security?” Kinurot ako ni Aida sa tagiliran kaya bahagya akong napangiwi. “Ano ba, Aida! Ang sakit naman ng kurot mo!” “Tumingin ka sa banda roon. Doon sa mismong sasakyan ng daddy ninong mo, Zai.” “Ha? Nandiyan siya?” "Oo!" "Ba't kailangan ko pang tingnan, eh, palabas na rin naman tayo?" “Basta!” Kagaya ng sinabi ni Aida ay mabilis nga akong tumingin sa direction ng kinaroroonan ng sasakyan ni daddy ninong. Talaga palang hinintay niya ang oras ng paglabas ko. Ang tiyaga niya talaga. Nakabukas ang bintana ng sasakyan ni daddy ninong kaya kitang-kita ko

