DIECISIETE

2979 Words
Makulit **Alex  Bwisit na Gernale talaga - Na miss mo kaya… - Ewan ko sayong malanding utak ka Deadma nalang that’s the best way to deal with this situation. Parang gusto ko tuloy takbuhan yung bagong Project… small world talaga nga naman. Sa dinami dami ng Projects nagkasama na naman kami sa iisa.  - Destiny, Fate whatever you call it is probably playing with us… - Or maybe bringing you together again, Sh*t !  Bumalik ako sa Metro ng Saturday… may Muay Thai class kasi ako, wala na ako last time kaya kailangan puntahan ko ngayon. Isa ito sa mga therapy ng psych ko… bawas sa pag iisip na kung ano ano. Mag jogging daw ako or gym or yun nga martial arts classes. Ito na ngayon ang gawain ko sa free time, binalik ko rin ang pag pi paint at sketching… paminsan minsan photography.  - Photography reminds me of him kaya paminsan minsan ko na lang ginagawa.  Naratnan ko sa apartment ang bouquet na naman ng bulaklak. May chocolate at stuff toy pa.  - Malamang na tsismis na ni Mam Riza kung saan na ako nakatira… Hindi ko alam kung kakampi o kalaban.  Sunday... I always comes to mass at noontime, para after mass kain sa labas at saka uwi… pahinga para sa isang na namang linggong pakikibaka.  Ang mokong nasa simbahan din… ng iistalk to. Deadma lang.  “Excuse me” sabay turo niya sa katabi king upuan - Letse! at tumabi pa talaga sa akin ha… Pinadaan ko lang siya, did not bother to acknowledge him. Hindi ka naman maka iwas nasa simbahan ka. After communion hindi na ako bumalik sa upuan ko, tumayo nalang ako sa likod. - I can see him looking for me, nanghahaba mga leeg.  Umuwi na ako after, sa bahay na ako kakain. - Panira ng araw, luluto pa tuloy ako… “Alex, may naghahanap sayo” sigaw ng landlady ko Dinedma ko lang… usually wala talaga ako sa bahay pag ganitong oras. Alam naman niya yun, pinakiramdaman ko lang.  Maya maya… narinig ko na lang may kausap siya... “Mukhang wala po talaga Sir, ang alam ko nagsimba po yun… mamaya pa uwi” sabi niya sa kausap niya “Sige po Mam, pakibigay na lang po mga to pagdating niya… Salamat po” boses ni Andreu…  - Gernale! lang ya naman oh… Tantanan mo ako.  Mamaya ko na bababain ang landlady ko.  SMS Message Andreu : Hi! It’s good to see you in the church today. Na Miss kita sobra… kaya lang tinakasan mo ako. (puppy eyes emoticon)  Andreu : Dumaan ako sa apartment mo, Wala ka pa, pero feeling ko pinagtataguan mo lang ako. (Sad emoticon) Andreu : Kainin mo yung dala ko baka masira kasi. Please eat properly. See you tomorrow.  Andreu : Uwi muna ako sa amin… ayaw mo ako kausapin eh. Nalulungkot ako sobra sa condo ko. Ok lang huwag kang sumagot…  - Kinonsensya pa ako… bahala ka sa buhay mo.  Bouquet of Flowers ulit yung iniwan niya sa landlady ko. Tapos may, frozen yogurt na kasama. SMS Message  Ako (Alex) : Gernale, Please tama na yung bouquet of flowers… Salamat, pero sayang pera. Thank you po pala sa dessert.  Andreu : Ha! Tama ako pinagtaguan mo lang ako kanina. I’m so sad (Loudly Crying emoticon)  Hindi na ako sumagot, pinatay ko cellphone ko.  ~~~~~~~~ Araw araw pa rin ang pa bulaklak niya sa opisina. Buti hindi na yung large bouquet… long stem roses, tulips, stargazers, carnations mga pa isa isa na lang madalas tatlo. Different Quotes everyday asking for forgiveness. May love letters din, pa sweet ang mokong. Araw araw din tumatawag at nagtetext hindi ko nalang pinapansin.  Weeks after... Design Meeting Day, siya mismo nagdala ng pa bulaklak niya… Grabe tili ng mga officemate ko. Ang mokong ngising ngisi pa, sarap ibato pabalik ang pa bulaklak niyang tulips pa naman. Kung hindi lang civilisado akong tao, alam na tuloy ng lahat na siya ang DAG. - Bwisit talaga…  - Kinilig ka kaya, Aayyiiee! “Good Morning Architect, Flowers for you” sabay abot ng pa bulaklak niya, with that makalaglag panty smile.  - Sarap hambalusin ng pa bulaklak niya “Good Morning Engineer, Thank you… nag abala ka pa” tinaasan ko pa siya ng kilay “You’re Welcome, I told you I’ll do everything so you’ll forgive me” binulong niya nalang yung huli. Pinandilatan ko siya… ngumiti lang siya ulit. Buti nalang dinayo niya ako sa table ko para sa pa bulaklak niya at hindi sa conference room.  “I’ll see you in the meeting” paalam niya… maaga pa kasi nandito na.  “See you, sige na alis na” binulong ko lang yung huli… nag pa cute pa ng puppy eyes look niya “I’m so hurt” bulong niya… inirapan ko na Pagka alis niya… Sakit sa tenga ng tili ng mga kasama ko. “Sabi ko na nga ba, yang si Engr. Gernale ang secret admirer mo” sabi ng officemate ko “Secret ba yun, eh siya pa dumayo… lakas ng apog” balik ko sa kanya “Last weeks secret ngayon hindi na” sabi niya pa “At malakas ang apog talaga, confident ha… para ikaw ay ligawan” sabi naman nung isa “Ligaw, pa bulaklak lang ligaw na… ewan ko sainyo” asar kung sabi sa kanila Dumating si Mam Riza “Anong kaguluhan to?” taas kilay niyang sabi, pero na ngiti ng makita ang hawak kung bulaklak “Kaya pala” bulong niya, sabay lakad papunta sa room niya Sinundan ko… “You told him where I stay now” akusa ko sa kanya “You know him, how persuasive he can be” sagot niya sa akin “He’ll be pestering me” reklamo ko “Oh, I’m sure he will… better talk to him or he’ll stalk you and pester you forever” natatawa niyang balik sa akin “But… I don’t want to talk to him” nakabusangot na akong nakaupo sa visitors chair sa opisina niya “Why? It’s been what… almost three years. And as far as I know he knows some truths already and He said, he is Sorry, He knows he’s the one at fault” paliwanag niya “So, you’ve talked already ha?” “Yeah, He’s Sorry but that doesn’t mean he’s forgiven” sabay tayo ko na “Don’t be a child Dear, you know him… He’ll do everything and anything if he wants something” “And Yeah, He ask for my forgiveness too and I’ve forgiven him already” habol niyang sabi - Naku Mam Riza, you don’t know what I have to lose just to prove myself to him. God! Baka masapak mo ang taong yan sa nagawa niya sa akin… isip isip ko pagka labas ko sa opisina niya. Uneventful naman ang meeting buti naman. He’s so serious and confident, galing sumagot sa Management Team na pilit silang ginigisa. I’m seeing a different side of him, I know how intelligent he is then but how confident he is now is Wow, really Wow. Magaling ang mokong… he’s not arrogant in his answers he’s cool headed and poised. I can see others convinced and others are envious… kabago bago kasi pero hindi nangingiming magsalita.  SMS Message ( Still in the Meeting, pagkatapos niyang magisa) Andreu : Hi! Ms. Beautiful (kiss emoticon) Ako (Alex) : Excuse me! nasa Meeting? - Bwisit nag mamalandi sa meeting Andreu : Nakikinig naman ako ha… multi tasking ba (smiley emoticon) Ako (Alex) : What do you want? (angry emoticon) Andreu : Have Dinner with me, Please…  Ako (Alex) : No, I don’t go out with strangers Andreu : Strangers now ha, Eh pano kung mabuntis kita… We need to talk please. Ako (Alex) : I hate you - Pinatay ko telepono ko… sabay lapag sa ibabaw ng lamesa. Tiningnan ko siya ng masama. I hate him. Papaalala pa talaga. Tang na niya... After the meeting, sumalisi ako paalis… kinakausap pa kasi siya ng Management. Lumabas ako ng opisina naglakad lakad ako, dala ko ng baon kung sandwich. Tang na kasi… ang sikip ng dibdib ko dun sa sinabi niya, alam mo yun ang bagay na pinaka gusto mong kalimutan sasambulat sayo. How cruel he can be. Sh*t!?& Talaga.  ~~~~~~~~~~ **David She’s really doing her best to avoid me… Last Sunday, hindi ko yun napaghandaan. Pero ang mga susunod… I’ll make sure hindi na niya ako matatakasan. She’s always prim and proper, she hates confrontations lalo na sa public. I know she’ll tolerate me.  Ayaw niya sa bouquets of flowers… eh di in stems or boxes naman. Kahit na ayaw niya hindi naman ako titigil. I’ll say sorry everyday… ako may kasalanan, ako gagawa ng paraan para mapatawad niya ako. Design Meeting Day… “Good Morning Architect, Flowers for you” I brought the flowers myself, I’m letting everyone know who I am to her. Magsusungit yun I’m sure pero hahayaan niya lang ako. “Good Morning Engineer, Thank you… nag abala ka pa” taas kilay niyang balik sa akin - Sarap halikan… nababaliw na naman ako. Gernale brain ang gamitin hindi ang ulo sa baba. “You're Welcome, I told you I’ll do everything so you’ll forgive me” binulong ko na lang ang huli. “I’ll see you in the meeting” nagpaalam agad ako, I need to prepare for the meeting kasi. Yung Management madaming issue sa amin…  “See you, sige na alis na” binulong niya lang din ang pagpapalayas niya sa akin tsaka ako inirapan Ginisa ako sa meeting, buti na lang prepared ako… ako pa ba, henyo eto uyyy. I need to prove myself to this Team, ako pinaka bagong salta sa Project kaya hindi pa nila ako kilala. After grilling me… they all know I’m not the faint-hearted type of guy. Hindi ako mayabang… ayoko lang din tinatapak tapakan ako or ang kompanyang kinabibilangan ko. At mukhang marami naman ang na believe sa akin, pero alam ko din may mga maiinggit pa rin. Oh! Well you cannot please everybody and I’ve learned that early on.  After that intense exchange with the Management Team, they’ve moved on to another Tradecon SMS Message ( Still in the Meeting) Ako (Andreu) : Hi! Ms. Beautiful (kiss emoticon) - Sarap landiin, seryoso pa naman Alex : Excuse me! nasa Meeting? - Para ko pang naririnig niyang sinasabi yun sa asar niyang boses Ako (Andreu) : Nakikinig naman ako ha… multitasking ba (smiley emoticon) Alex : What do you want? (angry emoticon) Andreu : Have Dinner with me, Please…  - Dapat Lunch sana, kaya lang may meeting pa ako ulit. Ako (Alex) : No, I don’t go out with strangers Andreu : Strangers now ha, Eh pano kung mabuntis kita… We need to talk please. - I saw her face turn white. Oh! Sh*t! Mali na naman yata ako… F**k! St*pid me…  - Gusto kung lumuhod sa harap niya at mag sorry. Ang tanga mo Gernale!  Alex : I hate you - Pinatay niya phone niya…  at tiningnan ako ng masama. Sh*t! Galit na siya…  - Malamang g*go ka…  - Tang na mo Gernale, Tanga ka.  Ni hindi ko siya nakita after the meeting… and I need to go dahil may isa pa akong meeting.  Sh*t! Talaga naman ang pagkakataon. Pinag hahampas ko ang manibela ng sasakyan ko. I’m so disappointed with myself. F**k!&% Mamaya na lang… kailangan mag focus sa susunod na meeting, I’m so sorry pinakamamahal. ~~~~~~~~~~ Halos hapon na ako nakabalik sa opisina ko, ni hindi pa ako nakapag lunch ng matino. God! I’m exhausted. I can feel migraine coming already… lahat ng text at tawag ko hindi niya sinasagot.  Telephone Call  “Hi Mam Mercy, may pagkain pa dyan sa Pantry ni Papa?” bungad ko sa kanya “David, bakit hindi ka pa kumakain? Alas tres na ah.” nag aalala ang boses niya “Wait lang check ko, alam ko may tira pa sa pinabili ng Papa mo, padala ko nalang dyan” Maya maya.. Kumatok Secretary ko.  “Sir, may padala pong pagkain si Mam Mercy” sabi niya  (siya si Mia Secretary ko, pamangkin ni Mam Mercy) “Put it on the coffee table” sabi ko habang naka yuko sa table ko “Ok lang po kayo Sir?” tanong niya sa akin “Yeah, Huwag ka na muna magpapasok ng kakausap sa akin. Si Papa lang.” bilin ko sa kanya Kumain ako, buti na lang ininit na ni Mam Mercy yung pagkain. After kumain pumikit muna ako ayoko kasing tumuloy ang migraine na nagbabadya. I need to rest my eyes and mind kahit sandali. Messenger  Ako (Andreu) : Hi! Mam Riza… OT po ba kayo? Mam Riza : Siya o Ako? Joke lang… Siya yata, Oo. Tsaka bakit sa akin ka nagtatanong. Ikaw dahilan noh, bakit mainit ang ulo niya.  Ako (Andreu) : Sorry po, may nasabi lang hindi maganda. Sunduin ko na lang mamaya.  Mam Riza : Good Luck sayo, sa sungit neto ngayon ewan ko nalang kung makakausap mo ng matino to. Ako (Andreu) : Susubukan ko po… Thank you Mam Riza Sh*t! She pissed, ganyan siya pag galit sinusungitan lahat, kahit ikaw pa Boss.  Inayos ko report ko about all the meetings I’ve attended today. I’m exhausted but I have to talk to her personally. What I’ve said is so inappropriate. Wala akong pwedeng idahilan sa kag*guhan ko na naman.  Alas otso na hindi pa siya lumalabas sa opisina, nandun pa daw siya sabi ng mga ka opisina niyang nakita kung lumabas sa building nila. Nagpaalam ako sa Kuya Guard kung pwede ko na lang siyang puntahan… kilala na siya ng gwardya lagi kasi siyang huling na uwi. Nakayuko siya sa table niya ng madatnan ko. Naramdaman niya yatang may tao, nag angat siya ng ulo niya. “What the hell! What are you doing here!” singhal niya sa akin… nanggagalit ang mga mata  “I’m here to fetch you, kumain ka na ba?” mahinahon kung sabi “Wala ka ng pakialam dun” habang nililigpit niya mga gamit niya… padabog. Kulang nalang ibato niya sa akin mga gamit niya “Kailangan mong kumain, Exi” nakatingin lang ako sa baba at nakapamulsa mga kamay habang sinasabi yun. “Hindi na.. kung kasama ka, hindi na baleng magutom ako” asik niya sa akin Lumakad na siya palabas ng opisina nila… nakasunod lang ako. “Hatid na kita” bulong ko ulit… wala na akong energy makipag bangayan “Hindi na, kaya ko sarili ko” sabi niya habang pinapatay mga ilaw sa area nila. Hinawakan ko braso niya, pumiksi siya pero hindi pa rin binitawan braso niya... “Please, Exi… I’m sorry. But we really need to talk about it'' bulong ko  “It’s a fact we need to face… it’s my st*pid fault I know, Please let's talk.” mahinahon pero mariin kung sabi… nakikita pa rin ang alinlangan sa mukha niya. “There’s nothing to talk about. That thing you're afraid of, don't worry that’s not gonna happen” sagot niya sa akin… sabay hawi sa pagkahawak ko sa kanya. - Wala na talaga akong lakas makipag bangayan… sumasakit ang ulo ko sa katigasan ng ulo niya pero pagbibigyan ko siya ngayon. Pero pag uusapan pa rin namin yun.  Magkasabay kaming palabas ng building nila…  “Hatid na kita, Huwag na matigas ang ulo” matigas na sabi ko… nakahawak na ako sa noo ko. Tumingin siya sa akin… nakita ko ang concern sa mata niya dahil nga siguro nakahawak na ako sa noo ko.  “San ka naka park?” walang buhay niyang sabi Nag Drive thru na rin kami bago ko siya ihatid… tahimik lang kami buong biyahe. Sabay din kami kumain sa loob ng kotse, pagdating namin sa tapat ng apartment niya. Naawa na yata sa akin kaya hindi na tumanggi ng yayain ko.  After Thank you’s and Good Nights bumaba siya sa kotse dala mga basura namin.  ~~~~~~~~~~~ Hindi ko na pinaalam kay Alex… Napadala ko na sa dati niyang Big Boss ang imbestigasyon ko sa D*monyong yun. Aantayin ko ang gagawin nilang move. Pag wala silang ginawa ipapahuli ko sa PDEA ang hay*p na yun. Kung kailangan ko siyang gulangan gagawin ko, managot lang siya sa ginawa niya kay Pinakamamahal.  After a month… Nabalitaan ko nalang kina Engr. Nilo na wala na siya sa Project Site… confined to Head Office daw ito ngayon. Under Investigation, pati yung mga kasabwat niya. Nag hire pa yata ng third party ang Big Boss nila para gawin ang imbestigasyon… nawalan ito ng tiwala sa mga taong naka palibot sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD