Ligaw
**Alex
Nakakaubos na ng lakas ang pakikipag bangayan sa kanya. Hahayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin. Kailangan ko lang bantayan ang puso ko, baka mahulog na naman ako… at wala na naman sumalo. Mahirap na.
Hindi naman na hinto ang pa bulaklak niya, araw araw pa rin… may food delivery pang kasama. He is determined to woe me again. Stubborn Man…
*Kinabukasan noong gabing pinuntahan niya ako sa opisina… sinundo niya naman ako. He’s being himself, the stubborn one. Yung taong hindi ka mananalo sa kanya.
Ang aga manundo… bakit alam niya oras ng alis ko.
- Stalker Alert
Nakasandal siya sa pinto ng sasakyan paharap sa gate. Damn! rich kid, Audi Q7 na SUV... kotse palang pogi na. Iba pa yung gamit niya kagabi.
- Fresh Demigod, naka Business Suit pa naman…
- Laglag panty ka noh
- Shut it… ang landi mo ki aga aga
“Good Morning, Pinakamamahal” ganda ng ngiti… sabay bukas ng pinto for me… tinaasan ko lang ng kilay. Sumakay na rin ako, I don’t want to make a scene here. Kahit gustong gusto kung magsungit.
May pa breakfast pa si Mayor…
“Salamat, ikaw Kumain ka na ba?” sabi ko nung inabot niya yung pagkain
“Your welcome… I have a breakfast meeting, Don’t worry about me” sabay haplos sa pisngi ko, with pilyong ngiti
“Bakit ka pa nanundo kung may meeting ka, baka ma late ka” sumbat ko
“Mas importante ka, maaga pa naman” nagkatitigan pa kami, ako na unang nagbaba ng tingin…
“Tara na baka ma late ka pa” aya ko na
Tahimik lang siyang nag maneho, walang kaming imikan. Pa ngiti ngiti siyang pag na sulyap sa akin.
- Papacute pa…
After niya ako ihatid sa harap ng building namin umalis na rin.
*Ng mga sumunod na araw nakipag patintero ako sa kanya… mas maaga ako pumasok para hindi niya ako masundo at maaga ako umuwi para iwasan siya. Kaya lang dahil nga determinado ang Lolo mo… inagahan niya rin sundo sa akin at maaga rin ang dating niya sa uwian.
Ang siste…
Naging routine na naman namin yun, hatid sundo.
- Monthsss after , Napagod na rin kasi ako sa kaka paki pagtaguan sa kanya palagi niya din naman ako nahuhuli. Hindi man lang nagagalit nginingitian lang ako.
Pag hindi siya pwede mag bobook siya ng Grab for me, ang gastos ng mama or minsan naman papasundo niya ako sa Driver nila.
- Ayaw niya daw, nakikipag siksikan ako sa MRT or Bus... hindi ko naman kasi inuuwi yung company car… pag lumalabas lang kami for meetings or site visit ko siya ginagamit.
Sinita ko ulit siya sa pa bulaklak niya… ginawa niya yung mga bulaklak sa garden ng Mama niya pinapadala niya, ayaw tumigil.
- Tawang tawa mga Officemate ko sa Santan, Gumamela, Kalachuchi at Bougainvillea niyang padala. Buti may Chrysanthemums, Zinnia, White Angel, Malaysian Mums din ang Mama niyang tanim or baka sa kapitbahay nila… Gaya dati nanghihingi siya. Pa isa isa or max na tatlo lang naman pwera yung White Angel na twigs kinukuha niya.
Monthsss later…
Pag siya ang nasundo sa akin personally...naghahanda na ako ng kape niya sa umaga, ang gastos sa Starbucks nabili kasi ng almusal. Brat Kid. Halos araw araw rin kasi ang pa breakfast niya.
SMS Message
Ako (Alex) : Good Morning! Huwag ka na dumaan ng Starbucks, may breakfast akong ginawa…
- Favorite niya dati ang Tuna Sandwich na gawa ko, Maarte pa naman wheat bread gusto…
Andreu : Nag abala ka pa…
Ako (Alex) : Gastos mo po kasi, huwag ganun
Andreu : Hindi naman… Basta para sayo only the Best
Ako (Alex) : Basta, Ayokong nagastos ka for me… Please (angry emoticon)
Andreu : Ok! Huwag ka na magalit… masarap ba yan
Ako (Alex) : Tikman mo nalang kung hindi mo gusto eh di bigay mo sa palaboy…
Andreu : No way, Basta galing sayo… akin lang yan
- Parang Bata… Kala mo aagawan.
Kape at sandwich na gawa ko ang almusal namin, grilled type or fresh. Minsan overnight oatmeal, pag super aga ako French toast, Quesadillas or Breakfast Burgers.
Bumili na rin ako ng coffee maker at ground coffee ng Starbucks mismo, Black kasi kape niya with sugar naman. Pati coffee tumbler ng Starbucks binili ko siya.
Tuwang tuwa ang loko, feeling daw niya love ko na ulit siya. Sarap kaltukan.
~~~~~~~~~~
By the end of the third month
Pinilit niya akong mag Dinner sa labas nung sinundo niya ako. May gusto daw siyang pag usapan… hindi rin kasi kami talaga nag uusap ng masinsinan. Hatid sundo lang civil naman kami sa isa’t isa, malayo sa dating close kami.
Alam ko naman na inaalala pa rin niya yung sinabi niya dati. Alalang alala, hindi niya rin kasi alam na nag pa Ob Gyne ako bago pa man mangyari yun. Buti nalang may isang responsable sa aming dalawa.
He brought me to a Japanese Restaurant in Edsa Shangrila.
- Mas nakikilala ko na ang other side niya, yung sosyalin at yayamanin. Malayo doon sa Mr. Foreman na una kong nakilala. Ok din naman na siya dati pa, mas naging confident lang ngayon. Kung noon tagasunod lang siya sa mga utos ngayon nasa aura na niya ang pagiging Boss.
Having Dinner with him in a high end restaurant is quite intimidating, pero siya he belongs here. Buti nalang matino suot ko ngayon. Girls magnet pa naman ang kasama ko.
“Hey! Relax” napansin niya yatang medyo kabado ako
“Sorry, hindi lang sanay” pabulong kung sabi
“Well, masanay ka na… I will only bring you to the best places” bulong niya sa tenga ko pa, kulang nalang mahalikan niya ako.
Nag pa reserve pa siya…
Pagka upo namin…
“Di ba mahal dito?” bulong ko ulit
“Hey, Look at me… Don’t worry about anything. Let’s enjoy ourselves OK. Smile ka na, para namang napilitan ka lang sumama sa akin. Hurt naman ako” hawak niya baba ko, habang naka smile…
Napangiti nalang ako… well yeah better enjoy ko nalang to. At kailangan confident din para hindi naman ako mag mukhang out of place.
While waiting for our food…
“What do you want to talk about?” tanong ko sa kanya, may duda naman na ako kung ano
“About what I’ve said during the meeting?” diretsa niyang sabi
“What will you do then if that happens?” balik ko sa kanya… kita sa mukha niya ang gulat pero nakabawi naman agad
“Let’s get married then” casual niya lang sabi
Natawa ako...
“Very Funny, last time I check I’m a wh*re to you. Now you want to marry me. I’m confused” asar kung sagot sa kanya…
“Exi, I’m so sorry for what I’ve done, for what I’ve said then. I don’t have any excuse for all of that. I'm trying my best to make it all up to you. I know it’s all my fault. That’s why I will do everything, anything just to gain your trust again. Please give me a chance. Please take a chance on me again… Please” sumamo niya sa akin, habang hawak ang mga kamay ko sa ibabaw ng lamesa…
Tumahimik lang ako habang nakatingin sa mga kamay namin.
Buti dumating na pagkain namin naputol ang madramang tagpo.
Sa pagkain nabaling ang usapan namin… the food is great here. Sulit naman ang binayad niya sa sarap at laki ng serving. Kani Salad, Ramen, Grilled Salmon platter, assorted maki and sushi… dami niya inorder ramen lang ang sinabi ko. Oh well, sabi niya nga enjoy ko nalang kakain nalang ako.
Pa sweet ang pogi masyado kulang nalang subuan ako buong dinner, hinayaan ko nalang… mag iinarte pa ba ako, eh ang daming inggiterang frog na nakatingin sa amin. Kung mga maka irap at makatingin akala mo wala akong karapatan kumain doon.
We’re drinking tea already after Dinner, ng inopen ko ulit usapan namin...
“Don’t worry too much about what you’re afraid of” sabi ko sa kanya
“I’m not afraid, I’ll be happy to take the responsibility of my mistakes” balik niya sa akin
“You’re not afraid, but it’s still a mistake to you” napatingin siya sa akin, tinaasan ko lang siya ng kilay
“I don’t mean it that way. God, Exi I can’t seem to say the right words to you. But however we look at it, it’s still because of my irresponsibility… OK” frustrated na mukha niya…
“I told you don’t worry too much, after your indecent proposal… The first thing I did was to see an ObGyne. I will not make the same mistake my Inay did, I have to protect myself from guys like you, sorry to say that.” balik ko sa kanya… kita ko ang pag aliwalas ng mukha niya.
Huminga muna siya ng malalim
“Why didn’t you tell me” halos pabulong niyang sabi
“I told you already not to worry about it, but then again you don’t trust me. So what can I do?”
“I’m sorry, I was so worried that I did not think about what you’ve told me.” ginagap niya ulit mga kamay ko at pinagsiklop mga daliri namin.
“Maybe I was just hoping you’ll marry me the soonest because of that” he’s kissing my knuckles while smiling
“At balak mo pa akong pikutin… Ganun, Hoy!!! Gernale. Ang pag aasawa ay sagradong bagay.” asik ko sa kanya… binabawi ko mga kamay ko ayaw niyang bitawan, natatawa pa ang loko.
“Alam ko naman yun, Pinakamamahal kaya nga Hoping lang naman ako” naka ngiti niyang sabi…
“Ewan ko sayo”
“Tara na nga, ihahatid na kita… baka sapian pa ako iuwi kita sa condo ko” sabay tawa niya…
He is being the playful boy that he is again… maybe because he has nothing to worry about now.
Habang sa sasakyan nagbibiro pa rin siya…
Hinawakan niya tummy ko…
“Wala ba talaga, ang hina ko naman… hindi man lang naka buo ng Jr.” tinampal ko yung kamay niya
“Hindi ako tatablan ng ano mo, hindi lang depo shots ginawa ko… nag morning after pill din ako para sigurado.”
“Grabe ka naman” naka nguso niya pang sagot
“Anong Grabe, eh ikaw itong iresponsable… siguro ang dami mo ng anak di mo lang alam” asar ko sa kanya
“Never gonna happen, I always have protection. I just went crazy over you, that's why I forgot about it” seryoso niyang sabi…
Hindi na ako sumagot.
After that Dinner… mas naging komportable na kami sa isa’t isa, hindi pa kasing close noong dati but we are building the friendship again. Hindi na masyado awkward.
~~~~~~~~~~~
**David
My st*pid remark about her getting pregnant really pissed her off, F**k! she’s so difficult. She avoided me like I’m a piece of sh*t… which I am. I thought I'd lose her. Buti nalang hindi ko rin pinairal ang tigas ng ulo ko… alam kong mali na naman kasi ako.
Persistent and Consistent, naging mantra ko yun sa kanya...
Tiyaga lang… lalambot din puso niya, paulit ulit kong sinasabi yun…
Ako may kasalanan... ako dapat magpakababa...
And it paid off, after sometime she warmed upon me.
Ng hinayaan niya akong ihatid sundo siya… I’m so happy. I know this is a start of something new for us and it did. It rekindled the friendship we had. We are really friends then before we became boyfriend and girlfriend. The awkwardness is still there but now she’s not shooing me away.
She’s preparing our breakfast now, how sweet…
- She doesn't know how that makes me one happy… lucky guy.
I already know how thoughtful and kind she is then and I’m so happy she still can treat me like that after all what I've done to her. She’s an angel really. I don’t know if I do deserve her, but God! I can’t lose her and I’m not giving up on her too. If I have to pursue her forever I’d do that.
Seeing her smile and laugh again is such a joy.
- When I first saw her again, all I could see was sadness in her eyes, the spark of life she always had is gone. When the truth comes out… I hated myself more, I know I’m one of the reasons she’s that way.
The pregnancy thing really scared the hell out of me… not that I’m afraid of the responsibility but I’m more afraid that I’d lose her forever because of it. I can’t let it rest.
When I asked her for the Dinner…
I’ve already decided that if ever my carelessness would bring little David or little Alex into this world unexpectedly… I’d marry her right away. It’s a win win for me, she’ll be forever mine and I’ll be hers. I don’t think she will say no to that.
- That’s what I thought… to my dismay
I always hate myself when I hear her say the things I’ve hurled at her then, but I have to endure it. Ayokong marinig pero hinahayaan ko siyang isumbat yun sa akin, para maalala ko kung bakit ko ginagawa ang pagsuyo ulit sa kanya. Mahal ko siya, titiisin ko lahat ng galit niya at pasakit niya sa akin. Kulang pa yun sa kasalanan ko sa kanya.
Kaya ng pag usapan namin yun nagulat ako sa sinabi niya…
She really did prepare for me...
“I told you don’t worry too much, after your indecent proposal… The first thing I did was to see an ObGyne. I will not make the same mistake my Inay did, I have to protect myself from guys like you, sorry to say that.”
- Sh*t! Buti nalang may isang matino sa amin, I was so bent on my revenge on her that I went crazy again.
- I was disappointed, akala ko magiging akin na siya buong buo
“Why didn’t you tell me” halos pabulong kung sabi
“I told you already not to worry about it, but then again you don’t trust me. So what can I do?”
- Yeah! Ngayon ko lang na realize sinabi na nga niya yun, when she was so pissed off with me kaya binalewala ko lang
“I’m sorry, I was so worried that I did not think about what you’ve told me.” sabi ko habang hinawakan ko mga kamay niya…
- I don’t know if I’m deserving of this wonderful woman
“Maybe I was just hoping you’ll marry me the soonest because of that” habol ko pa…
- I’m smiling inside that she’s letting me kiss her knuckles, I miss her but I have to wait…
“At balak mo pa akong pikutin… Ganun, Hoy Gernale. Ang pag aasawa ay sagradong bagay.”
- She’s so cute when pissed… I can’t hide my mischievous smile. Can’t wait for the time that I could kiss her senseless. She’s taking back her hand but I can’t give in to that.
“Alam ko naman yun, Pinakamamahal kaya nga Hoping lang naman ako” sabi ko pa, natatawa na ako at siya naka nguso na sa asar…
“Ewan ko sayo” sarap halikan haba ng nguso
“Tara na nga, ihahatid na kita.. baka sapian pa ako iuwi kita sa condo ko” natatawa kung sabi…
- F**k!%&$ Sh*t!$%# knowing that she’s on birth control stirred my buddy down there. Just thinking about doing it again with her is so tempting, but I have to think with my head not my buddy down there. I have to stop thinking about it or else I’ll be sorting out myself.
After that talk… something changes, the awkwardness is almost gone. Our friendship is getting better each day.
I’ve joined all her activities and she’s letting me.
~~~~~~~~~~
Another month would pass…
News came to me, the D*vil Rowel was sacked. What they’ve found only proves my investigation and more. Not only is he selling drugs on site even in the office pag may mga party sila. At ang pang ba-blackmail niya pati Big Boss niya gagawan niya dapat buti nalang magaling ang mga bodyguard nito, yung babaeng pinadala niya hindi naka lusot.
- Pati Boss niya gagaguhin niya… baliw din, walang tatanggap sa kanya dito sa Pilipinas… sisiguraduhin ko yan. Sa ibang bansa siya mag trabaho kung gusto niya ng tahimik na buhay.
Hindi ko na sinabi kay Alex…
- Bahala na ang pagkakataon kung makakarating sa kanya ang balita. Ayoko ng ipaalala sa kanya ang mga nangyari dati. Nakikita ko pa namang mag sisimula na siyang maging masaya ulit, sana ako na ang dahilan...