Ang Buhay Probinsya
**Alex
An Orphan? That I am… I thought so…
Nagka isip ako, sa orphanage ako nakatira kaya ang alam ko isa akong ulila at walang sariling pamilya. Ito ang kwento ng kabataan ko… bago ako magka malay sa mundo… base sa kwento ni Tita Yaya Amy.
Tita Yaya ang tawag ko sa kanya… siya ang nagdala sa akin sa orphanage. Bunga daw ako ng isang pagkakamali or aksidente lang ba. Namatay ang Inay ko sa panganganak sa akin. Ang Inay kung itinakwil ng mga magulang niya ng malamang buntis ito sa pagka dalaga. Inuwi siya ni Tita Yaya sa kanila at doon namalagi habang ipinagbubuntis ako. Si Tita Yaya ay talagang yaya ng Inay ko at kapatid niya mula pagkabata.
Nang ipinanganak ako at namatay nga si Inay… ayaw akong tanggapin ng Lola ko… ako daw kasi dahilan ng pagkawala ng unica hija niya. Her words…
- “I don’t want anything to do with that bastard, have it adopted or throw it away I don’t care” sabi ni Tita Yaya na intindihan naman daw niya ang galit nito… kaya nga mas minabuti niyang ilayo ako sa pamilyang yun baka kasi mapapano pa ako kung ipipilit niyang maiwan ako sa bahay nila Inay.
Sa orphanage niya ako dinala kasi nga walang siyang makaka tulong sa pag aalaga sa akin, kailangan niya kasing bumalik sa mansyon andun pa ang kapatid ni Inay na inaalagaan din niya noon. Dinadalaw dalaw niya ako lagi at dinadalhan ng mga kailangan kagaya ng gatas at diaper. Naiwan sa kanya ang kaunting Savings ni Inay kaya na tutustusan niya mga kailangan ko ng baby pa ako.
Hindi niya rin ako dinala sa pamilya ng Itay ko dahil ni hindi nga nito alam na nabuntis niya si Inay dati. Binalaan din siya ng Lola ko na huwag akong dadalhin sa pamilyang yun. Ang alam ni Tita Yaya pinasabihan nito ang pamilya ng Itay na pati ang baby namatay sa panganganak.
- Alam daw ni Tita Yaya na ipinaalam ng Inay ko sa pamilya nila Itay ang kalagayan nito noon pero wala naman daw naging tugon, kaya din lalo yata nagalit ang Lola ko.
Kinausap niya rin sila Tatay Max at Nanay Eva tungkol sa tunay kung pagkatao ko.
After one year pagkamatay ni Inay umalis ang pamilya niya sa probinsya namin, sa US na sila tumira kasama ang kapatid ng Inay ko. Kaya naman halos full time ng volunteer si Tita Yaya sa orphanage para tumulong sa pag aalaga sa amin. Siya pa rin ang caretaker ng mansyon ng iwan ito ng pamilya.
Lumaki naman akong maayos sa orphanage, masaya kami ng mga kapatid ko… pinalaki kaming puno ng pagmamahal at aruga. Sila Tatay Max at Nanay Eva ay mag asawang hindi magkaanak… lagi silang nag aalaga ng mga bata pag Pasko at Summer Vacation sa Farm nila. Ang Farm na pina alagaan sa kanila ng isang mayamang negosyante. Nung minsan may isang batang iniwan ng magulang sa kanila at hindi na binalikan doon nila naisip na mag alaga ng mga ulila ng mga bata. Doon nagsimula ang “Kanlungan Orphanage”.
Three years na itong nag ooperate ng mapunta ako sa kanila, kaya halos isa ako sa mga pioneer nilang anak.
Sa public school din kami nag aaral lahat ng mga kapatid ko… bata pa ako nagsimula. Maaga pa lang nakita na nila na kakaiba ako… I’m a gifted child, be it arts or ang pag intindi ko sa mga bagay bagay. Matanda daw ako mag isip sabi nga ni Tatay Max. I started at 4 years old “saling pusa” ako sa kinder pero dahil gifted nga ako… pinasa ako ng Teacher ko kaya at 5 years old Grade 1 na ako.
Kinamulatan ko na rin na may dala kaming paninda sa school araw araw… mga kakanin, gulay at lutong pang meryenda. Bata palang ako magaling na akong mag tinda. Niluluto namin yun sa orphanage sa gabi or madaling araw… by order naman yun at pag Friday ang singilan namin.
Dahil nga “gifted” ako… lagi akong kasali sa mga contests, naging pambato ako ng school. Inter-School, Provincial, Regional… pati National umabot kami.
~~~~~~~~~~
Grade Six na ako ng makilala ko ang pamilya ni Itay…
“Alex, gusto mo ba makilala ang pamilya Tatay mo?” kausap ni Tita Yaya sa akin…
“Bakit po… gusto po ba niya?” ayon nga kasi sa kwento ni Tita Yaya, eh hindi naman nito alam
“Kasi anak, hindi naman talaga nila alam na buhay ka… pero karapatan nila malaman di ba” napag usapan na kasi namin ito dati pa… na sa tamang panahon kailangan namin ipaalam sa pamilya ni Itay na buhay ako…
- Siguro ito na ang tamang panahon, kailangan namin ng tulong hindi lang para sa “Kanlungan” kung hindi sa akin na din. Kasali ako sa NSPC ngayong taon at alam kung malaki maitutulong nila sa akin. Gusto ko talaga kasi sumali para na rin sa school ko.
“Paano niyo po gagawin yun Tita Yaya?” tanong ko sa kanya
Ipinaliwanag nila sa akin na magpapadala sila ng mensahe sa Lolo ko, para ipaalam na buhay nga ako at kung nasaan ako.
- Little did I know then that this gesture would turn my simple world upside down.
After a week the message was sent, may pumuntang imbestigador sa “Kanlungan”. Ininterview sila Tita Yaya, Nanay Eva at Tatay Max pati na rin ako. May kasama siyang nurse, to get some DNA samples from me. The family wanted to make sure of my identity.
After one month nagkaroon ng program for gift giving sa “Kanlungan”.
Habang ongoing ang gift giving sa labas nasa opisina ako kasama si Tita Yaya to meet my Lolo… to my surprise my Grandpa is no other than the Honorable Silverio Garcia II.
- Tahimik lang ako ng makita ko siya, sinabi na ni Tita Yaya na influential ang pamilya ni Itay pero hindi niya sinabi na ganito ka impluwensya. Kayang kaya nila akong kunin dito sa “Kanlungan” pero hindi ako papayag dito ako nakatira at lumaki.
“Alex, siya ang Lolo mo” pakilala ni Tita Yaya sa akin… nag manong ako sa kanya, ginulo niya lang ang buhok
“Kilala mo naman kung sino sila di ba” habol pa ni Tita Yaya
“Opo” maikli kung sagot… sabay yuko
“Good Morning Alex… pwede ba kitang tawaging Alex?” kausap niya sa akin, tumango lang ako
“I have the DNA Test Results and it’s 99.99% positive that you’re Third’s daughter” paliwanag niya
“You know what that means?... That means you're my granddaughter.” paliwanag niya ulit
“Come here… give this old man a hug” tawag niya sa akin
Binigay ko sa kanya ang hug na hinihingi niya…
Tsaka siya nag kwento na ipinaalam ni Inay na buntis siya noon at nakiusap itong huwag ng sabihin sa Itay ko dahil ikakasal na nga ito sa ibang babae. Nag antay daw siyang bumalik si Inay para ipakilala man lang ang anak nito pero hindi na nga nangyari. Nabalitaan na lang niya na namatay ito sa panganganak at pati ang bata. Kaya hindi na rin sila nag usisa at umalis na nga rin ang mga magulang ni Inay kaya nawalan na sila ng balita.
Gusto niya akong kunin sa “Kanlungan” pero tumanggi ako…
Gusto nila akong pag aralin sa Private School sa Metro ng High School, tumanggi din ako sinabi ko sa kanya… I want to give honor sa probinsya ko. Everytime kasing na nanalo ako sa mga Contest sa National Level credit yun sa lugar kung saan ako galing. Hiniling ko ring huwag akong ipakilala sa publiko bilang parte ng pamilya… ayoko kasing ma iskandalo pa sila sa istorya ng buhay ko. Naiintindihan naman niya.
Ipinaalam na din niya sa Itay ko ang existence ko.
- Pinadala lang pala nito ang mga DNA samples niya para dun sa paternity test na ginawa… na sa ibang bansa ito kasi naka station ngayon, nasa Australia.
Nung Graduation ng Elementary
Valedictorian ako, ginawan ng paraan ni Grandpa na siya ang maging Guest of Honor namin. At humirit na maki sabit ng mga medalyang nakuha ko. Nagtataka man ang mga tao wala namang nagtanong.
~~~~~~~~~~
Ang High School Days ko busy sobra… tuloy ang pagsali ko sa mga contest, pero ngayon mas nakaka luwag luwag na kami. Suportado ako pamilya ni Itay… pati si Itay nakipag communicate na sa akin. We do Skype or Video Call… sa ganun niya ipinakilala ang mga kapatid ko sa akin.
I’ve learned to sell my Artworks online na napakalaking tulong sa orphanage. Ni regaluhan din ako ni Lolo ng sarili kung Tablet at Smartphone, kay Itay naman galing ang DSLR camera…
nabalitaan kasi niyang I’m into photojournalism. Naging Student Leader din ako.
As expected of me, I graduated with the Highest Honor. Nagpunta sila Grandpa at dumating din si Itay, first time naming mag kita face to face. Na meet ko na rin ang mga kapatid ko at ang asawa ni Itay.
Pinatawag ako ni Tita Yaya sa opisina ng orphanage the night before ng graduation ko.
“Alex, may bisita ka” bungad niya sa akin… naabutan ko sila Itay sa opisina kasama ang sekretarya ni Grandpa
“Hi Alex, Surprise!” bati sa akin ni Itay… nagulat talaga ako ang alam ko nasa Australia sila.
“Hello po… Kelan pa po kayo dumating?”
“Just Now, humabol ako para sa Graduation mo bukas… I hope you don’t mind” nakakunot ang noo ko sa sinabi niya alam naman niyang we cannot be seen together in public.
“I know… we will watch from the sidelines” nabasa niya yata iniisip ko.
Nag prisinta ulit si Grandpa mag Guest Speaker sa Graduation ko pati si Itay sinama niya sa Stage bilang Special Guest ng Graduation. Siya ang presentor ni Grandpa. Election Year naman kaya walang nagduda sa kanila. Kagaya nung elementary naki sabit ulit sila ng mga medalya sa akin… kasama si Tatay Max, Nanay Eva at Tita Yaya.
After the ceremony, nagpakain sila sa “Kanlungan”. Kasama mga Teachers at mga classmates kong available. It was one happy occasion. Pinaka masaya ang mga kapatid ko sa orphanage.
~~~~~~~~~~
Never kong naisip na after ng napakasayang okasyon na yun ay may unos palang dadating...
A week after Graduation… I was called to Grandpa’s big house.
As it turns out…
There’s an article circulating online like a blind item tungkol sa pagkatao ko at ang koneksyon ko sa pamilya nila. At ako ang pinaghihinalaan nila na pinagmulan ng article.
“Alex! What on earth came to your mind to do this?” sigaw na bungad ni Grandpa sa akin… ni hindi ko pa alam pinagsasabi niya.
“What do you want, we supported you… do you want more money? You should have come to me rather than sell your story to some media entity.” tuloy tuloy niyang salita… galit na galit.
Nakakunot lang noo ko sa kanya… kaya inabot sa akin ng secretary niya ang iPAD na naka open sa article. Habang binabasa ko hindi ko maiwasan magalit… kung sino man ang source ng nagsulat ng article, I’m sure malapit sa pamilya.
“With all due respect Sir… You think I would sell my story… remember I’m the one who asks to be kept hidden” sagot ko sa kanya after ko mabasa ang article.
“And who do you think would do that other than you? You’re the outsider here… You’ve threaten me already then that you would tell everyone about you to destroy me” asik niya sa akin
- Yes, I did threaten him then, that’s for my staying in the orphanage and be kept hidden away from the public eye.
“Sir, I would never in the world do that to this family? Ni minsan hindi ko naiisip na pagkakitaan ang istorya ng buhay ko. Mahal ko ang “Kanlungan”, I would never jeopardize their safety because of a scandal.” paliwanag ko sa kanya
But he would not listen to any reasons I’m giving him…
“You’re the only one who could do that… Why would I listen to your excuses? How much did my opponents pay you for these hullabaloo ? singhal pa rin niya sa akin…
- Sobra akong nasaktan sa sinabi niya… mukha ba akong pera. S**t!? I hated him and all there is in this family.
“Sir, why did you call me here if you already made up your mind that I did that to you”
He did not answer me… sabi niya lang...
“You wanted nothing to do with this family… that’s what you wanted. Now I’m giving it to you… I’m now cutting all my ties with you. You are no longer a granddaughter to me” galit niyang sabi
- Napabuntong hininga nalang ako… Wala naman bago doon… I’ve live my early life without them, I can go on living without them. Disappointed lang ako dahil hindi na matutuloy ang pag-aaral ko sa Metro.
Pagka uwi ko sa “Kanlungan”, kinausap ko sila Nanay Eva at Tatay Max sa nangyari… alam namin baka dumugin ng reporters ang orphanage kaya kailangan maka alis ako doon sa lalong madaling panahon. That same night inuwi ako ni Tita Yaya sa mansyon nila Inay para itago… after three days inilipat niya ako sa bahay nila malapit sa bundok kung saan nagtago si Inay habang pinagbubuntis ako.
Binalik ko sa Secretary ni Grandpa ( kay Mr. Acosta the ever loyal and confidant Secretary / Personal Assistant ni Mr. Honorable ) lahat ng binigay nila sa akin… Tablet, Smartphone, Camera etc. Hindi naman daw kailangan but I opted to return it para wala silang masabi.
“Alex, there’s no need to return these things… These are all yours. And for your peace of mind I don’t believe that you would do such a thing… sell your story. You could have done that a long time ago. Why now when you have your college life at stake? Di ba?... I’ll talk to your Lolo about it… I’ll have it investigated… OK” sabi niya sa akin
“Mr. Acosta, don’t you dare do that… mas lalo lang magagalit ang matandang yun. Ako na bahala sa college life ko kakayanin ko yan. Sanay naman ako na wala sila.” sagot ko sa kanya
“Pero, Alex… you need money para sa college mo” balik niya sa akin
“Sir, ayoko ko pong pati kayo madamay pa sa dramang ito… Favor lang po… Please don’t forget to help the “Kanlungan” yun lang kahit huwag na ako. I’m of age already and I can take care of myself.” pakiusap ko sa kanya…
That’s the last thing I heard from them.
Instead of going to the Metro for College… naka pasa pa naman ako sa naglalakihang University doon, I have no choice but enroll in City sa Region.
- Hindi ko kasi kakayanin kung sa Metro ako mag aaral, mag isa kung itataguyod ang pag aaral ko… ayokong iasa pa sa “Kanlungan” ang mga gastusin ko. Swerte ko na hanggang ngayon hinahayaan nila akong tumira doon.
While hiding that summer prior to College… I’ve painted a lot, posted it online para may pera ako to start with. Gumawa ako ng malalaking Painting 2.4 x 1.2meters ( 8 x 4 feet ) and was able to sell it at a huge amount. Tinawag ko itong “Ampunan Series” galing sa pictures namin ng mga kapatid ko sa “Kanlungan”. Medyo nag trending siya sa Soc Med kaya nabili ng mahal. Pati ang “Kanlungan” nag benefit sa pinagbilhan ng mga paintings...
I was able to buy my own laptop… find an online job...
That's what got me going through College. And then my professors helped me with others.
It would take five years for the Garcia Family to find out who the real culprit is… by then I’m already on my thesis year.