DOS

2856 Words
David Andreu Gernale, A Musician     **David     Ako naman si David Andreu Gernale, A Musician by Heart, A gifted child (sabi nila)... A rebel? ( "Da_Vid" ang pronunciation ng pangalan ko... not the English "Day_Vid" )   Lumaki ako sa pamilyang mayaman… sagana sa buhay, spoiled brat nga kami ng mga kapatid ko, lalo na ako only boy. May dalawa akong kapatid na babae panganay at bunso.    Sa ngayon nagtatrabaho ako para sa tatay kung magaling… I was kick out of the house after my last sin. Naibangga ko lang lang naman ang Porsche Cayenne na bagong bili niya na itinakas ko. Tumigil din kasi ako ng pag aaral na pa trouble kasi ako sa school hindi ko kasalanan habulin lang talaga ako ng gulo. “David!!!&%$ I don’t know what to do with you anymore” sigaw ni Papa sa akin after niya akong ilabas sa presinto kung saan ako dinala after ng aksidente.    “But I can’t tolerate this anymore… Magtrabaho ka para alam mong hindi pinupulot ang pera” singhal niya ulit sa akin.    “Ibalik mo sa akin lahat ng credit cards mo, kung ano man laman ng ATM mo yan nalang meron ka… lumayas ka na rin dito sa bahay at pati yung condo mo ibalik mo na sa akin ang susi ako bumili niyan. Bwisit kang bata ka… papatayin mo ako ng maaga…” mahaba niyang litaniya…   Tahimik lang ako… makikitira na lang muna ako sa mga kaibigan ko.   To my surprise… “Mag report ka sa opisina bukas, magtrabaho ka na total ayaw mo na mag aral” S**t!!? ayoko mag trabaho   “Ayoko ko nga” asik ko   “Do you want to leave in the streets, you think kukupkupin ka ng mga kaibigan mo… I will not let that happen. Huwag mo akong subukan David puno na ako sayo.” singhal niya ulit sa akin.     Ang katapusan talo ako, wala akong nagawa ng ipinatapon niya ako sa isang Project Site, ang Project Manager lang ang may alam na anak ako ng may ari. Nagsimula akong Timekeeper, Warehouseman tapos sinubukan ako ng PM as laborer. Para daw matuto ako sa trabaho sa loob ng site mismo… and after six months magustuhan ko na rin ang trabaho sa site. Na promote na din ako as electrician dahil henyo nga ako mabilis kung na pick up ang mga ginagawa sa site.   Isang Electrical and Telecommunications Contractor ang kompanya ni Papa, kaya nga Electronics and Communications Engineering ang Course kung kinuha sa college na hindi ko pa natatapos. I just have two semesters left of my fifth year more on thesis nalang talaga kaya galit na galit din si Papa ng tumigil ako.  - He was so disappointed with me… alam ko naman yun kaya lang ayoko ko ng mas lalo pang lumaki ang gulo sa school. I love that school ayokong ma expel ako… kaya mas ginusto ko ang huminto na muna at hayaan grumaduate ang mga nakalaban ko dati. Babalik din ako para magtapos… kaya lang masyado yata akong na wili na sa tambay kaya ayon one thing lead to another.      Ang Project ay isang bagong Mall ng pinaka sikat na mall chain sa bansa, nasa North of the Metro ang location medyo probinsya na siya. Hindi naman kalayuan, just a drive away kaya lang nga wala akong sasakyan dahil lahat ng gamit ko grounded sa bahay.  - Hinatid naman ako papunta… nga lang hindi ako makaalis, kailangan kung mag commute kung uuwi man ako sa Metro. Hindi na ako sanay gawin yun hindi pa ako marunong nung una.   Naging maayos naman ang pagtrato ng mga tao sa akin mas ok na hindi nila ako kilala nalalaman ko mga saloobin at hinaing nila tungkol sa kumpanya. May mga kaunting hinaing tungkol sa sahod at hindi ako nag dalawang isip na ipaalam yun kay Papa.  - Naks! mukhang nag mamature ako sa pag iisip sa trabahong ito ah…     ~~~~~~~~~~ Kasama ako sa staff house ni PM, may hiwalay kasi silang apartment kasama ang iba pang mga Engineer. Pakilala niya pamangkin niya ako kaya kasama nila ako sa bahay. Maayos naman yung bahay namin 3-bedroom bungalow type sa isang subdivision malapit sa site.    Nung una nangangapa ako hindi ako marunong maglaba, magluto pati mag linis ng bahay, nakakahiya naman kung papasilbi ako, kaya napilitan akong matuto. Pala tanong naman ako kaya mabilis kong nakuha nga turo nila… naka washing machine naman kami sa paglalaba isa yun sa una kong natutunan. Yung pagluluto rice cooker una kong natutunan, tapos adobo next sinigang… ayoko lang ang pagprito na tilamsik kasi, bwisit ilang beses ako na sunugan ng balat kaya.    “Ganito lang yan David, lagay ang labahan… lagyan ng sabon… close the lid… power on… choose the program… then start” yan ang turo sa akin ng isang Engr. sa paglalaba… jackpot nga daw ako kasi yung nakuha naming staff house ngayon matic ang washing machine.   “Thank you, Kuya” pasasalamat ko sa kanya…    “Tang na mo Kuya ka dyan” asar niya sa akin…    Nag tawanan lang din kami after…   Mababait mga Engineer ni Papa swerte kami sa tao masisipag na maayos pa makisama sa mga tao. Si PM para ko ng Tatay and he treats me as his son… isa kasi siya sa mga pioneer na Engr. ni Papa talaga, nasubaybayan na niya akong lumaki. At ang bilin yata talaga ni Papa sa kanya ay turuan ako ng lahat tungkol sa pamamalakad sa site. Lalo na ang mga taong kailangan pakisamahan, ang Management Team at ang Engineering Team ng Owner.    Si PM din nagturo sa akin magluto ng adobo…   “Hugasan mo yang baboy, patuluin mo ang excess na tubig… lagay sa kaserola… timplahan, suka at toyo, lagay ang sibuyas na hiniwa at bawang na dinikdik, paminta, laurel… haluin mo” Yun ang basic ba turo niya sa akin. After that pwede na daw yun isalang sa mahinang na apoy… later on natutunan kung ibabad muna ng mga 30 minutes to one hour or overnight ang adobo mixture bago isalang sa mahinang apoy...    Ang sinigang at nilaga natutunan ko just by watching them cook it.   Nakakatuwa lang na, in less than a year ang laki ng pinagbago ng buhay ko. Bumalik din ako sa pag gigitara at pagkanta kanta… gitara ko lang ang pinadala ni Papa pag alis ko sa bahay kasama ng mga basic kung damit. Buti ini smuggle ng mga kapatid ko ang iPad at Mac Laptop ko kaya meron ako ngayon dito. Hindi naman ako ma gadget pero kailangan din kasi minsan.    Nag lay low na rin kasi muna ang mga Soc Med ko… haven’t posted anything for a long time, puro scroll lang ako. My laptop is just for watching movies kung walang ginagawa… na napaka dalang naman sa dami ng trabaho sa site.  - Later on it was a big help sa mga itinuturo ni PM sa akin...     ~~~~~~~~~~ After almost one year… fully immerse na ako sa trabaho ko.    Nag aassist na din ako kay PM sa mga reports na sina submit sa Management at sa mga Owner of the Project. May sarili pa naman silang Teams of Representative sa site. I’m basically learning everything I need to know to run the company from the bottom. And sa totoo lang natutuwa akong natutunan ko ang mga bagay bagay bago pa man mapunta sa akin ang pamamahala ng kompanya. It’s a humbling experience.    Isa na akong foreman…    Pina uwi naman ako sa bahay nung holiday season… gulat mga kapatid ko nognog ako. Dahil wala akong masyadong budget pera ko kasi yung sinasahod ko lang din wala na akong allowance galing kay Papa - sa bahay lang ako. Isinama naman ako ng mga kapatid ko mag shopping sila gumastos at pinakain ako sa labas. Halos araw araw nila ako pinasyal, kala mo naman hindi ako nakapag malling ng ilang buwan.    Dahil nagpaka bait ako nung pag uwi ko… pinadala ni Papa ang Motor ko pagbalik ko sa site. At least ngayon pwede na akong mag liwaliw pag walang pasok. Hindi rin kasi ako pina pagamit ni PM ang sasakyan niya utos daw ni Papa.      “Nandito na daw ang Team ng Interior Finishing ng Owner” balita ni PM pagka balik namin galing bakasyon.    “Kasama na mga Designers?” nakangising tanong na isang naming Engr. - What’s with the Designers? Newbie pa nga kasi ako ni hindi ko alam na may iba pa palang Team ang Owners for the finishing.   “Hooyyy! Yang mga ngisi mo… tumigil ka” banat sa kanya ni PM   “Nagtatanong lang naman”    “Ha? Bakit… Anong meron? Sa Design Team?” sabat ko sa usapan nila   “All Girls kasi ang Design Team nila lagi… Beautiful Girls” sagot nila sa akin…   “Kung ganun makakakita na tayo ng bagong mukha… magagandang mukha dito sa site” hirit ko  - Hmmmpppp… something to look forward to…   “Tumigil nga kayo, pati yan si David nilalason niyo pa utak niyan” saway ni PM sa amin   “Pag handaan natin Si Engr. Rowel baka mamaya siya na naman mapunta dito yari tayo” habol niyang sabi   “Who’s Engr. Rowel” tanong ko kay PM   “Well, siya ang nag hahandle ng mga Electrical and Telcos sa mga Projects ni Owner, medyo demanding lang sa mga extra curricular activities kaya minsan nakakaubos ng budget at pasensya” mahaba niyang paliwanag   “Oh I see… baka inom inom lang naman… OK lang naman yata yun” sagot ko   “Sana nga tumigil na sa pambababae… nakaka kunsume na kasi minsan” paliwanag niya ulit   So we have a demanding drunkard and a man w***e to please if this Engr. Rowel would be really assigned here in this Project.  - S**t!!?? Nakalimutan ko na ang pambababae sa loob ng isang taon ko dito sa Project. Madalang din kami lumabas or uminom pag may nag bi birthday lang sa mga Engr. tsaka kami nakakatagay. Naging good boy na talaga yata ako... nag mature ako ng hindi ko namamalayan.     ~~~~~~~~~~ Hindi narinig ang panalangin namin… Engr. Rowel is in the Project.    Every Wednesday kailangan samahan namin siya mag beerhouse… ayos din tong mamang ito. Malas namin kami ang Electrical Contractor… nag palit palitan mga Engr. namin para samahan siya, kailangan din namin humingi ng extra budget kay Papa sa mga demands niya. Medyo abusado na ang dating pero ganun daw talaga siya sa lahat ng Projects na napuntahan niya.    Maayos naman siya sa kung sa trabaho ang pag uusapan, he's a very effective Project Manager. Wala naman siyang masabi sa mga gawa namin. Nag aantay kami sa Design Team para sa installation ng mga ilaw. Binalita na niya din na may bagong Designer daw para sa Project na ito… newbie daw.    “May bagong Designer na ma aassign dito ngayon, first project niya ito” balita niya sa amin last meeting… ang mga Engr. namin nag ningning mga mata, puro manyak haayyuuu….   “Siguro maganda kaya kilala niyo agad” asar sa kanya ni PM   “Syempre may nakakaligtas ba sa akin” balik niya sa amin   Pagbalik namin sa opisina… napa buntong hininga si PM   “S**t!? Kawawa na naman yang bagong Designer na yan” sabi niya sa amin   “Kaya nga eh” sagot ng isang naming Engr.   “Bakit naman” sabat ko   “Huwag mo nang itanong sa amin… malalaman mo din yan” sagot ni PM - Don’t tell me pati Designers na mga ka Team niya pinapatos niya, that’s so unprofessional.     ~~~~~~~~ Nakilala ko na din ang other side ni Engr. Rowel yung labas sa trabaho…   The other day kasi Birthday ng isang Engr. namin sa bahay lang kami nag inuman pumunta silang Engineering Team ni Owner.   “Dito ka rin ba nakatira?” tanong niya sa akin…    “Ah Opo Sir…” sagot ko nalang  - Ano naman sa kanya kung doon ako nakatira… ah kasi nga foreman lang naman ako…    “Pamangkin ko yan Sir, baka mapagalitan ako pag hindi ko mabantayan kaya dito ko na pinatira” paliwanag ni PM sa kanya   “Ah OK, swerte ka boy… akalain mo yun, foreman ka lang pero dito ka nakatira. No offense” Hirit niya  - Ay mapag mata pala siya…   Medyo may yabang din konti… He likes to talk highly of himself, wala daw nakaka tangging Designer sa kanyang charm. Oh well, may itsura naman siya, pero hindi naman sa pagbubuhat ng sarili pero lamang naman ako ng ilang paligo sa kanya. And kung sa woman department lang naman ako pag uusapan, I do have strings of woman who would beg me to bed them.  - Pero hindi niya naman ako kilala so hahayaan ko na ang pag yayabang niya… doon siya masaya, medyo tamed na ako ngayon.    At sosyal din siya uminom, ayaw sa emperador lang… kaya pala nag padala pa si Papa ng mga Black Label at Jack Daniels nung isang araw. At kailangan pa namin kumuha ng babae sa kasa to entertain him… Wow really just wow… wala akong masabi. Demanding… tama si PM…    After that day…  He would pick on me… buti na lang henyo ako lahat ng pinapagawa niya tapos agad, ako pa ba at suportado din ako ni PM. Hindi niya daw alam kung bakit parang pinag iinitan ako…   “Baka insecure lang sa gandang lalaki ko PM” biro ko nalang sa kanya   “Malamang… yung mga babaeng engineer kasi sayo nakatingin at hindi sa kanya” sabay tawa    “Pero mag ingat pa rin tayo… trabaho lang to wala dapat personalan” bilin niya sa akin   “Alam ko naman po yun PM… don’t yaahh worry kaya ko to, magaling Teacher ko”   “Binola mo pa ako… kailangan mo matutunan yan alam mo na, sayo din mapupunta lahat ng ito at least hindi ka maloloko ng mga tao later on.” paliwanag niya… - Yeah, I’m learning tama si Engr. Nilo (si PM)... this is a training ground for me. And pasalamat ako sa kanya ako na under sa apprenticeship na to. He was so selfless in teaching me… pati ang tungkol sa pera at kontrata tinuturo niya yun sa akin… patago nga lang. Pati lecture niya sa akin tungkol sa buhay… tumatatak sa isip ko. Hindi rin siya na ngingiming pagalitan ako pag may mali ako.    - And I”m so grateful na ganun siya sa akin… hindi kasi ako matututo kung beybi bihin niya ako dahil lang sa anak ako ng may ari ng kompanya.     ~~~~~~~~~~ Dahil may motor ako, naka pamasyal ako dito sa probinsya… may malapit pa lang beach sa site. May mga Eco-Tourism Farm din na pwedeng pasyalan at masarap din mag road trip lang baga. I don’t know what happened to me but I’m liking my new self now… laid back good boy.  - Siguro ang matagal malayo sa City have toned me down… kahit ang pagiging construction worker ko napapamahal na sa akin.      Masaya ako sa trabaho ko dito… nag mature ako, nakita ko rin ang halaga ng trabaho… nakita ko kung gaano kahirap ang mag banat ng buto para kumita.    Masaya din akong natutunan ko ang pamamalakad sa kumpanya mula sa baba… alam kung darating ang araw magiging malaking tulong ito sa akin sa mga gagawin ko para dito.    Masaya akong nakilala ko ang mga kasama ko ngayon, mga simpleng tao lang… simple din lang ang kasiyahan para sa kanila. Hindi kailangan ang mga mamahaling alak para masayang mag inuman...gin bulag lang kahit tubig lang chaser sarap na ng mga tawa. Hindi rin kailangan ang masasarap na pagkain galing sa mamahaling restaurant, lutong bahay na pancit at ulam lang solve na ang birthday ng isang worker.    - What I saw here is the other side of life… the simple but contented one, so unlike the one I have in the Metro, the glamorous… Yes it is a happy one too but the contentment is hard to come by. You always wanted something more… something different from what the others have… something more valuable than what your friends already own. You always wanted to compete with others if they have something new you would always want to have it too… the better version, the latest version…    - But seeing the simple life, the simple province life… ang babaw pala naming mga batang siyudad… and I’m so thankful for this experience.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD