Ang makita ang lalaking naging saksi ako kung paano hinubog ng mga pagsubok ang katatagan, na natataranta at hindi malaman ang gagawin ay sapat para ma-doble ang nararamdaman kong pagmamahal. Pinigil kong kumilos. Malakas ang nararamdaman kong udyok na abutin siya at yakapin nang mahigpit. Hindi ko muna gagawin. Kailangan naming mag-usap. Hindi ko sasayangin ang mga sakripisyo niya para mahubog nang tama si 'Maria'. Gusto kong makita ni B na hindi siya nabigo. Na ang hinubog niyang si Maria ay mananatiling si Maria—matatag at walang kahinaan. Isang babaeng hindi kailangan ng sinuman para mabuhay. Isang babaeng buo ang tingin sa sarili, na hindi nagmamahal dahil may nararamdamang kakulangan na kailangang punuan. Gusto kong makita niyang si Maria ay isang babaeng nagmamahal dahil nagmamah

