bc

The Perfect Couple

book_age16+
128
FOLLOW
1K
READ
billionaire
arranged marriage
kickass heroine
heir/heiress
drama
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Para kay Maria bagay na bagay sila ni Manolo dahil pareho lang sila, parehong kontrabida sa buhay ng iba.

Ang kaso ayaw iyong paniwalaan ni Manolo, pinagbintangan pa siyang may sira sa ulo.

Kaya laking gulat niya ng bigla na lang mag-iba ang ihip ng hangin at mahalin siya nito. Ang saya niya na sana kung hindi niya lang nalaman na ginagamit lang pala siya ni Manolo para sa pansarili nitong dahilan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Manolo's POV Ponkan... Orange turtle neck longsleeve mini dress. May orange na malaking belt sa just below her boobs. Green head band na may two inches ang lapad ang accessory nito sa ulo at mataas na dilaw na stiletto sa paa. Earings na metal, hugis dahon. Vintage ang kulay pero sigurado siyang sa kulay lang iyon. Nutrition month ba ngayon? Hindi niya alam kung tatawa o ngingiwi ba siya sa suot ng babaeng kausap ng maitre 'd at ngayon ay papalapit na sa kanya. Humagod ang mga mata ni Manolo sa kabuuan ng babae. 36-24-34 Idagdag pa ang legs nitong maputi,  makinis at mabibilog. Na sa 5'7 ang babae, 5'3 kung walang heels. Maganda ang hubog ng katawan. Malaki at mabilog ang balakang. Hindi na masama... At least sexy ang soon-to-be-fiancee niya. Hindi niya lang alam kung bakit kakaiba ang taste nito sa pananamit. Mayaman naman ito. Afford nito ang kumuha ng sarili nitong stylist o wala bang nakakapagpayo rito? Sabagay. Sino bang makakapagpayo sa isang Arcega? Dalawang Arcega na ang nakilala niya at parehong matitigas ang ulo. May mga sariling paniniwala at desisyon sa buhay. Muling napunta sa babae ang atensiyon niya. Sa tuwing nakikita niya ito sa ilang social gathering agaw pansin ang sense of fashion nito kung mayroon man ito niyon. Madalas na mapagtawanan ang babae. Maging bulung-bulungan ng ibang socialite na nasa pagtitipon pero hindi natitinag si Maria Magdalene Arcega. She acts and walks as if there's nothing wrong with her fashion statement. She talks confidently. Laughs elegantly. Contrast ang action nito sa kabuuan nito. Somebody says kulang daw sa attention at papansin lang si Maria. Sinasadya raw nitong magbihis ng katatawanan para mapag-usapan. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ba iyon dahil sino ba ang hangal na gustong maging clown sa harap ng mga kaibigan at kamag-anak? Maybe she's artistic? Eccentric daw ang mga artist. Ang mga porma kasi nito porma ng mga taong may something different sa  brain department. Mas madaling tanggapin kung iisipin niyang artistic ang mapapangasawa kaysa sa may tililing. No choice siya. Beggars cannot be choosers ika nga. Kailangan niya si Maria para maisalba ang negosyo ng Daddy niya. Wala na sana siyang problema kung hindi lang umurong sa kasal nila si Vida. Anak ng business tycoon. Nag-iisang heredera ng mga Altamirano. Ang kaso naudlot ang pagpapakasal niya rito dahil sa gabi ng engagement party nila ni Vida dumating si Erika, his ex-girlfriend. First love and first heartbreak. Erika set him up. Pinalitan nito ng mga hubad nilang larawan ang slide show sa projector. Of course nagalit si Vida. Kulang na lang ipalunok sa kanya ang engagement ring na ibinigay niya rito.    Wala siyang nagawa ng gabing iyon kundi hayaan muna si Vida para lumamig ang ulo nito. Kinabukasan niya na ito pinuntahan para magpaliwanag. May dala pa siyang bulaklak, chocolate at teddy bear na kasing laki ni Vida. Kaso nakaalis na pala ng bansa ang babae. Nag-book ito agad-agad papuntang Singapore. Nagpadala na lang itong email na nagsasabing tapos na sila. Akala niya masasaksaktan siya pero para pa siyang nabunutan ng tinik sa dibdib niya. Mabilis niyang natanggap na wala na sila ni Vida. Pero ang Daddy niya ang hindi maka-move. Minaya't maya nito ang kakamura sa kanya. Siya pa ang sinisi kung bakit sila naghiwalay ni Vida. "Hi," bati ni Maria na nagpabalik sa kanya sa reyalidad. "Am I late?" tanong nito. Tatayo sana siya para ipaghila ito ng upuan pero kakaangat pa lang ng puwit niya ay nakaupo na ito kaya naman umayos na lang siya uli ng upo. "Ah, no. You're just in time." Ang totoo three hours na siyang naghihintay sa pagdating ng babae. Nakadalawang tasa ng kape na nga siya. Ayaw niya namang kumain na agad kahit gutom na siya dahil baka hindi niya ito makasabay. Siya ang nanliligaw at kailangan niya itong mapasagot kahi pa nakapag-usap na ang Daddy niya ang Lolo nito. "Order na tayo?" anito sa kanya. Nagulat nama siya. Sa lahat ng nakaka-date niya ito lang angh bukod tanging unang nang-alok na umorder. Ang iba ay makikipag-chit chat muna or oorder ng wine. "Y-Yeah, sure." Kinawayan niya ang maitre 'd sa di kalayuan. Inabutan sila nito ng menu. Pinag-aaralan niya si Maria. Seryoso ito sa paghagod ng tingin sa menu. "Sarloin steak, salmon tacoma, grilled angus, and... beef tenderloin," nakangiting anito. Napataas naman ang kilay niya. Sinusubukan ba nitong magpa-impress sa kanya?  "Hindi ka ba oorder?" tanong nito. Napakurap-kurap naman siya. "S-Sayo lang yung inorder mo?" Mabilis itong tumango. "Oo. Gutom ako e, may problema ba?" Tumikhim siya. Binalingan niya ang maitre 'd. "Sarloin steak, and one bottle of red wine." Nakaalis na ang maitre 'd ng balingan niya si Maria. Nakangiti ito sa kanya pero hindi ngiti ng babaeng nagpapa-cute parang ngiti ng isang nang-uuyam. Kahit ayaw niya nakaramdam siya ng pagkairita sa mga titig nito sa kanya. "Ang pormal mo naman," anito. Humalukipkip at sumandal sa kinauupuan nito. Nakataas ang sulok ng labi habang nagtatawa ang matang nakatingin sa kanya.  Nakakainsulto. Wala naman itong masamang sinasabi pero naiinsulto siya sa paraan nito ng pagtingin at pagngisi. Nagkibit balikat siya para ipakitang hindi siya natitigatig dito. "Balita ko ex mo raw yung pinsan ko." Dumukhang pa ito sa lamesa at hininaan ang boses. "Si Erika?" mahinang anito na parang may ibang makakarinig. Pinilit niya itong nginitian pinaglalabanan ang inis at diplomasya.  "Yeah," maikling sagot niya. "I heard you have double degree in agriculture and business management? And that you are chief--" "Agriculturist?" putol nito. Natatawa. Tawang nakakaloko na parang may nakakatawa talaga gayong wala naman. "I'm not even a licensed agriculturist from PRC." Naiiling ito at patuloy pa rin sa mahinang pagtawa. Napatiim bagang siya. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong inis sa isang babae. She's too proud of herself kahit hindi naman nagyayabang mukha pa ring mayabang the way she talks ang laughs. Nawala ang elegant at natira na lang ng nag-uumapaw na confident. Yes. She's too confident na kahit hindi nagsasalita ng kayabangan astang mayabang pa rin ang dating sa kanya. "Really..." all he could say. Dumating na kasi ang mga inorder nilang pagkain. Kahit gutom ang una niyang pinansin ay ang wine imbis na ang steak. Kailangan niya ng alak pampakalma. "Who told you that, anyway?" tanong nito habang hinihiwa ang stake nito. Nag-angat ito ng tingin saka sinubo ang tinisok ng tinidor na steak nito saka ngumuya. Nagkibit balikat siya. "My father," matabang na sagot niya rito. Bakit pa ba siya magpapa-impress dito e mukhang hindi naman ito tatalaban niyon. Saka nawalan na rin siya ng gana. Ang gusto niya na lang ay matapos ang dinner nila nang makauwi na siya. Ayos naman na ang kasal nila. Sa ayaw at sa gusto nilang dalawa ay ikakasal sila. Umaasa lang siya na baka sakaling magkasundo sila tutal silang dalawa naman ang magsasama sa iisang bubong. Hindi rin naman umimik si Maria. Enjoy na enjoy nito ang pagkaing inorder nito. Mukhang nakalimutan na nga siya. Masama ang loob na kumain na lang din siya. Bumalik lang ang atensiyon niya rito ng kawayan nito ang iasang waiter. Nagtatakang tinignan niya ito maging ang mga pagkain nito na nasa harapan nito. Kaunti lang ang bawas ng mga iyon tila tinikman lang. "Pakibalot," anito. Muntik na niyang maibuga ang wine na iniinom niya. Agad niyang inabot ang tela na nasa kandungan niya at pinunasan ang bibig. "Ma'am?" takang tanong ng waiter. "Sabi ko pakibalot," ulit naman ni Maria. Pinandilatan pa nito ang waiter. "Kilos na!" "Y-Yes, Ma'am..." Mabilis namang kinuha ng waiter ang mga pagkain at dinala sa kitchen. "Bakit pinabalot mo pa? Puwede naman tayong umorder ng take out kung gusto mong mag-uwi," gigil na bulong niya rito. Na sa isang fine dining restaurant sila sa loob ng isang five star hotel tapos magpapabalot ito? Ano to karinderya? Umingos naman ito. "Kaya kayo naghihirap dahil sa ugali niyong yan," anito. Humalukipkip ito at taas noo siyang tinignan. "Anong masama kung ipabalot ko ang tirang pagkain? Babayaran mo naman yon? Mahiya ka kung hiningi ko lang sa kanila." Para siyang napahiya sa sinabi nito. Totoo naman kasi na naghihirap na sila, dahil kung hindi tagilid ang kompanya ng Daddy niya nunca na makipag-date siya sa babaeng ponkan na to.  Umabante ito ng kaunti at nangalumbaba.  "Magaling ka ba sa kama?"  Laglag ang panga niya sa tanong nito. "I was just asking kasi nga di ba, we barely knew each other. Tapos pakakasal tayo. Siguro naman karapatan kong malaman kung kaya akong i-satisfy ng lalaking mapapangasawa ko if ever." Tumaas-taas pa ang kilay nito. Hindi na niya napigilan ang mapasimangot. "Huwag kang mag-alala kaya kong patirikin yang mga mata mo sa unang gabi natin bilang mag-asawa," sarkastikong aniya rito pero tila hindi naman ito apektado. "Ay rawr..." anito na humahagikgik pa. "Try kaya natin sa itaas?" anito at tumingin pa sa kisame indicating the private rooms of the hotel upstair. Tumingin siya sa relo niya. "My lakad pa pala ko," aniya kahit wala naman gusto niya lang talagang makaalis na sa harap ng babaeng to. "Hindi mo ko ihahatid?" gulat na tanong nito. Nakita niyang naalarma. "No. Mag-taxi ka na lang." Bumunot siya ng pera sa wallet niya at nilapag sa mesa kasama ang tip saka walang sali-salitang tumalikod na. "Owkaaay..." narinig pa niyang ani Maria. Bitch!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook