HABANG binabagtas ni Alexander ang daan patungo sa bahay nila Dianna ay hindi naman sinasadyang nahagip ng kanyang mata ang babae. Matagal niyang pinagmasdan ito at hindi lamang nag-iisa ang dalaga. May kasama itong lalaki at ang lalaking iyon ay ang kasama rin nito sa litrato. Masaya ang mga itong nag-uusap sa dalampasigan. Mula sa kanyang kinatatayuan ay tanaw niyang masaya at tila nakalimutan na ni Dianna ang lahat ng bagay tungkol sa kanya. Nakaramdam tuloy siya ng selos sa kaalamang napapangiti na ng ibang lalaki ang dalaga at hindi na siya iyon. Napabuga siya ng hangin na tila makakatulong iyon upang lumuwag nang tuluyan ang kanyang pakiramdam. Makalipas ang dalawang linggo mula nang magpunta ang mama ni Dianna sa kanya upang humingi ng tawad ay sa wakas ay natanggap niya na rin

