Chapter 56

1202 Words

KINABUKASAN, maagang umalis si Maria mula sa tahanan nila Dianna. Naging maayos naman din ang magdamag nitong pananatili sa kanila. Habang siya naman ay napagtagumpayan din ang kagustuhang huwag nang alamin pa ang balita tungkol kay Alexander. Samantala, hindi pa niya nakakalimutan ang ginawa ng kanyang ina kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon ay kinausap niya ito ng masinsinan. Pinuntahan niya ito sa kuwarto. Nadatnan niya itong nagtutupi ng kanilang mga damit mula sa sinampay. “Ma,” aniya habang marahang umupo sa tabi nito. Nilingon siya nito at bago pa man niya maungkat ang binabalak ay nauna na itong nagsalita. “Kinausap ko si Alex kahapon. Dahil gusto kong magkaayos kayo.” Kumunot ang kanyang noo sa pag-aalala. “Pero, Ma, hindi niyo na dapat ginawa pa iyon. Bakit pa kayo nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD