(The overwhelming surprise) HALOS HINDI NA marinig ni Fortney ang tugtog ng musika na kanina pa niya sinasabayan sa isip nang bumukas na ang malaking gate. Sinakop na ng kanyang pandinig ang ingay na nanggagaling sa lakas ng t***k ng kanyang dibdib. Hindi pa rin pala siya sanay sa ganoong excitement na lumulukob sa kanyang kabuuan. LImang segundo ang sabi ng isa sa organizer kaya naman nagsimula na siyang humakbang matapos bilangin ang limang segundo. Dahil nakatakip ang belo sa kanyang mukha ay halos hindi niya makilala ang mga napakaraming bisita na nakatingin sa kanya. Naalala niya ang bilin sa kanya ni Karen. Kailangan niyang ngumiti. Tunay na napakaganda ng buong paligid dahil sa nakikita niyang mga bulaklak na nadadaanan niya. Tila isang paraiso para sa dalawang tao na nagmamahalan

