Nagsalubong ang mga tingin namin ni Ivan at kahit gusto kong umiwas ay hindi ko magawa. He was starting intently at me and his eyes seemed like a pair of magnets pulling me. Napalunok ako. Hindi pa ba? Hindi pa ba talaga ako in love sa kanya? "Julian..." "Julian!" Sabay kaming napalingon ni Ivan kay Jessica na papalapit sa amin. Maluwang ang kanyang ngiti ngunit nang mapasulyap siya kay Ivan, bahagyang nabawasan ang ngiting iyon na tila nag-aalangan na siyang lumapit. "Ate Jess, what is it?" tanong ko sa kanya para bumalik sa akin ang pansin niya. "Payag na sina Tito na pumunta tayo sa La Union bukas." Bumalik ang sigla sa mga mata niya nang tumingin siya ulit sa akin. Naupo pa siya sa bakanteng upuan sa table namin ni Ivan. "Really?" Nang sulyapan ko si Ivan ay nagtatanong ang

