My sister and cousins asked me to join them for dinner. That also means na kasama namin ang parents ko pati na rin si Ivan. I asked Veron, to inform him about the dinner with my family and in just about an hour, they were already calling for us.
Habang bumababa kami ay kinakabahan ako. I don't know kung sino sa dalawang panig ang a-attend at kung sino ang magbibigay-daan para makasama ko sa dinner ang isang side.
"Sir, sa likod po ang dinner. Tumawag po si Sir Ivan sa catering service ng Isang restaurant," pagbabalita sa akin ni Veron dahil ibang direksiyon ang nilalakaran namin imbes na sa dining area ng bahay.
"That was fast," pansin ni Ate Jessica. "Lahat talaga ng hingiin mo, binibigay agad."
"Maybe, iniisip din niya na isang paraan ito to settle his war with our parents," sabi naman ni Ate Mikaella. Hindi naman ako makapagsalita dahil sobrang kinakabahan ako.
Nang makarating kami roon, naka-set na ang mahabang mesa at nasa ibabaw nito ang mga food trays na may mga pagkain. My parents are there and they were so formal na natakot akong lumapit sa kanila. Pero hinila ako ng mga kapatid ko palapit sa kanila.
"Pa, Dad..." bati ko kahit na parang lalabas na mula sa dibdib ko ang puso ko anumang sandali.
Matagal silang walang imik habang titig na titig sa akin but it was Dad who came to me first at nagulat ako nang yakapin niya ako. Napaigtad ako but settled when he started whispering to me,
"I'm really sorry for what happened in the past, Julian. Please forgive me for not protecting you." Nag-init ang mga mata ko nang marinig ko ang boses niya. Iyong boses na kanyang-kanya talaga at hindi galing sa demonyong kahati niya sa katawan niya.
"Dad, hindi mo kasalanan yung nangyari," sabi ko nang maghiwalay na kami. "And I forgive you for whatever fault that you claim. I'm sorry too, Dad."
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinisil iyon. Nang tumingin ako kay Papa ay naglakad din siya papalapit sa akin.
"Julian, tanggap namin ang desisyon mong pakasalan pa rin si Mr. Petrov. Naiintindihan na rin namin ang nagawa niya sa dad mo. But I am hoping that it won't happen ever again because mas mayaman at mas maimpluwensiya man siya kesa sa pamilya natin, I won't think twice in making him bleed."
Tumango ako kay Papa. Naiintindihan ko rin naman siya.
"We will be civil with him as much as we can, Julian. Yun lang ang maipapangako namin sa'yo bilang mga magulang mo."
"I appreciate it so much, Papa. Thank you."
Hinaplos niya ang pisngi ko.
"I'm sorry for the slap, anak. You wouldn't imagine how worried we were noong nawala ka. Marami akong naging pagkukulang sa'yo mula pa noong bata ka and I admit, what Mr. Petrov did to me somewhat awakened me."
"Don't worry about it, Pa. I needed it as well." Ako na ang kusang lumapit at yumakap sa kanya. Nakisali rin ang kapatid ko at pinsan at panghuli si Dad.
Nagkatawanan pa kami nang mapa-aray si Papa na naapakan ni Ate Jessica ang paa.
"At ikaw, Cymon..." Napatingin kaming lahat sa pinsan ko na nagkakamot ng ulo. "Marami kang dapat ipaliwanag."
"Uncle, sina Mommy at Julian na lang ang magpapaliwanag ng lahat. Pinagbigyan ko lang sila, eh. Wala talaga akong kasalanan. Wag mo akong sampalin."
"Pwede ka nang pumasok an artista. Ang galing mong umarte, eh." Nagkatawanan na naman kami nang aktong sasampalin na talaga ni Papa ang pinsan ko.
"Tito, look at Julian's engagement ring. Baka makalimutan mo na yung galit mo kay Mr. Petrov kapag Nakita mo," pambubuyo ni Jessica kay Papa. "C'mon, Julian. Show them."
Itinaas ko ang kamay ko at ipinakita sa kanila ang engagement ring. Parehong nanlaki ang mga mata nila.
"Is this one of the rarest diamonds in the world?" manghang-mangha na tanong ni Dad.
"One of the only 30 pieces, dad," agad na sagot ni Jessica.
"Pa-impress," angil naman ni Papa.
"Kapag nalugi ang negosyo ko, hihiramin ko yan at isasanla, Julian," pagbibiro naman ni Ate.
"Sabi ni Ivan, kapag nawala ito, pagagawan niya ulit ako ng bago. May 9 pa raw siyang itinatago, eh," dagdag biro ko naman.
"Hus, yabang!" pangangantiyaw sa akin ni Jessica.
Napatigil lang kami sa pagbibiruan nang makitang papalapit na sa amin sina Ivan at Jay-jay. Walang kangiti-ngiti ang pinsan ko samantalang nakapormal naman si Ivan.
"Tito, we have already agreed on a date, the guests list, and the venue of the wedding. I will inform you about it later. According to Mr. Petrov, nagkausap na rin daw sila ni Julian." Walang kangiti-ngiti siyang lumingon sa akin.
"That's right." Agad na kinuha ni Ivan ang kamay ko at pinaghawak niya ang mga kamay namin.
"In that case, kanya-kanyang discussion na lang?" sarkastikong saad ni Jessica sa kapatid.
"Jess!" pananaway sa kanya ni Ate Mikaella.
"Ms. Vladimier, your uncles may not be ready to discuss the details of the wedding with me around. I know that what I did have unsettled them and..."
"We're actually ready, Mr. Petrov. Since it is our son's wedding, we should also share our inputs in the planning," pormal na pormal na sabi ni Papa. Tumango naman si Ivan.
"In that case, please accept my sincere apology for what I did, Mr. Vladimier. My emotions took over me. I will act better next time."
Nagulat kaming lahat sa ginawa ni Ivan. We didn't expect that someone like him would apologize to my parents. Itinaas pa niya ang kamay kay Dad. Seryoso muna siyang tinitigan ni Daddy bago nito tinanggap ang pakikipagkamay niya. But Papa didn't and Ivan just smiled at me, telling me that he understands.
"Let's have dinner then," imbita niya sa lahat. Nauna na kaming nagpunta sa table para kumuha ng pagkain namin. Hinayaan ko siyang lagyan ng pagkain ang plato ko at pagkatapos at nagtungo na kami sa isang bakanteng mesa roon. My family settled at the other tables.
"Ivan, thank you for apologizing to my parents. That means a lot to me and to my family," sabi ko sa kanya.
"Julian, they're still your parents and I know what I did wrong. While your cousin and I were talking, he told me what your parents did after everything was revealed to them and that's the only time that I understood. Besides, I don't want them frowning during our wedding. I want it to be a happy day for you."
Ngumiti ako sa kanya dahil nakikita ko naman ang sinseridad niya habang sinasabi niya iyon.
Habang kumakain kami ay naalala ko na yayayain ko siya sa La Union para makapag-beach kami ng pamilya. Mabuti na lang at napalingon ako kay Cymon kanina.
"Ivan, Cymon's friends and I planned to go to La Union this weekend. They're inviting us to go with them on the trip. Will you allow me and my family to go there? You can come along if you won't be busy." Nilunok muna niya ang nasa bibig niya bago siya sumagot.
"Tomorrow?" Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.
"We will go." Maluwang akong napangiti. We will go and he's joining, too.
Napatitig siya sa akin.
"May dumi ba ako sa mukha?" I asked him dahil napapatagal na ang ginagawa niyang pagtingin sa akin.
"Nothing. It's just that you're more beautiful when you smile, Julian." Nag-init ang mga pisngi ko sa papuring ibinigay niya.
"And you're smiling often now," pagpansin niya.
"Because there's a lot of reasons to smile now, Ivan. Settled na kayo ng parents ko at natanggap ko na rin sa sarili ko na ikakasal na ako. Besides, hindi na kita pinagtataguan kaya wala na akong dapat pang problemahin."
"This relationship has made me realize a lot of things, too, Julian. And I'm glad I can already go with the situation's flow. Quite frankly, I was used to getting everything that I want in an instant. But with you, I've learned to be patient. I've learned that there are things that need time to get what you want. And now that almost everything is settled, I only have one thing left to settle."
Curious akong napatingin sa kanya.
"And what is that, Ivan?"
Ngumiti siya sa akin.
"That's how I can make you fall in love with me, Julian."