Nagulat ako nang hawakan ni Ivan ang nanginginig na kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Julian, if you say yes, I'll be very happy. Lahat ng ipinangako ko sa'yo at sa pamilya mo ay ibibigay ko nang walang pagdadalawang-isip. If you say no, malulungkot ako but I won't stop protecting and taking care of you until you will finally say yes to me." Nakatingin siya nang taimtim sa akin habang sinasabi iyon.
"They don't like you," mahina kong sagot. "They don't like you anymore."
"Because of what I did out of anger to what had happened to you? I will do it again and will pull the trigger by then if I discover more, Julian," puno ng determinasyong saad niya. Tumingin ako sa mga magulang ko. Wala akong mabasang damdamin sa mga mata nila.
Pumikit ako at tahimik na nagdasal na sana ay maging tama ang desisyon na bibitawan ko sa mga oras na ito. Nang magmulat ako ng mga mata ay sigurado na ako sa sagot na sasabihin ko sa kanilang tatlo.
"Pa, Dad... I'll marry Ivan."
Kitang-kita ko na tila nakahinga nang maluwag si Ivan samantalang napakuyom ng kamao ang mga magulang ko. Bumuntonghininga si Papa.
"Malaki ka na, Julian. As I've said, you can already make a decision for yourself. If that is your choice, we will respect it. We will respect your marriage and we will accept him as your husband. But more than that, we can't promise anything more. Let's go, Miguel." Tumayo na sila ni Dad at bago tumalikod, Dad gave me a sad smile.
Ivan's hand touched my cheek. Gulat akong napatingin sa kanya kaya ipinakita niya sa akin ang hinlalaki niyang basa.
"You're crying," simple niyang sabi sa akin kaya nagmamadali kong pinunasan ang mga pisngi ko. Hindi ko man lang napansin sa tumulo na pala ang mga luha ko.
"Ivan, about what they've said..."
"I don't mind it, Julian. Ikaw maman ang pinakaimportante sa lahat para sa akin." Tumango ako sa kanya.
"Now that I've decided, babalik na ba tayo sa Manila?" tanong ko sa kanya.
"Kung kailan mo balak bumalik, then saka tayo babalik," nakangiti niyang saad sa akin.
"Talaga? Hahayaan mo muna ako rito sa Baguio?" biglang nae-excite na tanong ko sa kanya.
"We can stay here for one more month, Julian. Then after that, I need to go back to Russia. Marami akong naiwang trabaho na kailangan ng personal kong supervision." Nakakaintinding tumango ako sa kanya.
"I still wanna marry you here in the Philippines, Julian. Pagkatapos, muli tayong magpapakasal sa Russia para sa pamilya ko."
Muli akong tumango sa kanya. Alam ko na hindi lang ang totoong pamilya niya ang tinutukoy niya sa salitang pamilya. May pamilya siya sa business world at sa mafia na kailangang maging saksi sa kasal namin. Alam ko rin na sa pagsama niya sa akin dito sa Pilipinas, marami siyang naiwanang trabah room. We actually needed to go back pero pinagbibigyan niya pa rin ang gusto ko.
"Just give me two more weeks here in Baguio then we will prepare the wedding in Manila, Ivan. We can go back to Russia after."
Napatitig siya sa akin at muli ko na namang nasilayan ang pagngiti niya. Sa totoo lang, bumabata siya ng 15 years kapag ngumingiti siya.
"Do what you have to do in that two weeks, Julian. Ipapahanda ko na sa mga kaibigan ko ang kasal para pagbalik natin sa Manila, a-attend na lang tayo sa ceremony ng kasal natin. I've heard of an island in the Northern part of the Philippines. Would you like for us to get married there?" Nagdikit ang mga kilay ko.
"What is the name of the place?" tanong ko sa kanya.
"Batanes?" Nanlaki ang mga mata ko. I've never been to that place. Nakita ni Ivan ang reaksiyon ko kaya bahagya siyang natawa.
"Batanes it is," nakangiti niyang saad. "I'll ask our people to arrange everything for us and for our visitors." Napangiti naman ako nang marinig ko yung sinabi niyang our people.
"Wouldn't you spend a lot if you'll fly all of our visitors there?"
"Money will never be an issue, Julian. I want to give you the best wedding here in your country and it will happen."
"Thank you, Ivan," pagpapasalamat ko sa kanya. Now, I can say that I really appreciate every things that he's doing for me.
"Can I kiss you, Julian?" Nakangiti akong tumango sa kanya. He is my fiance now so why not, di ba?
Unti-unting lumapit sa akin ang mukha ni Ivan at nang malapit na malapit na ito, ipinikit ko na ang mga mata ko. He kissed me tenderly at first and then passionately the next. My hands automatically went to his shirt for support when his kisses became deeper. But then, napahiwalay ako sa kanya nang may maramdaman akong malamig na bagay na dumaan sa daliri ko.
I looked at my finger. There lies a white band, studded by diamonds and at its center was a rare red diamond.
"Ivan..."
"One of the 30 pieces in the world, Julian. That's how you are important to me."
Titig na titig ako sa singsing na nasa daliri ko. Engagement ring pa lang ay pinagkagastusan na niya nang ganito.
"You... how... why?"
"I already have that prepared a day after I met you, Julian. Ganon ako kadeterminadong makuha ka. Kapag may gusto ako, ibinibigay ko ang lahat para lang makuha iyon. It doesn't happen a lot kaya pinaghaandaan ko talaga ito. I can both give you the world and my world, Julian. That's how deeply I am in love with you."
Sa sinabi niyang iyon ay nakonsensiya ako. Naalala ko bigla ang mga ginawa ko para maiwasan at mapagtaguan siya. Hindi ko naman talaga inakala na ganito pala siya kaseryoso talaga.
"Ivan, I accept you and your proposal. Pero isn't this too expensive for me to wear? Paano kung mawala ito? Paano kung..."
"Magpapagawa ulit ako, Julian. I still have 9 remaining red diamonds on hand."
Napanganga na talaga ako sa kanya.
"I---ivan..."
Sinapo niya ang mukha ko at muli akong hinalikan.
...
"Grabe, Julian. Hindi ko akalain."
Ngumiti ako kay Cymon na titig na titig sa singsing na nasa daliri ko.
"Couz, singsing pa lang, milyonaryo ka na. Pwedeng-pwede mo na siyang takbuhan."
Natawa ako sa kanya. Naririto kami ngayon sa kuwarto ni Ivan. At siya ang isa pang surpresa nito sa akin. Ipinasundo niya si Cymon pagkatapos ng klase nito para magkausap kami.
Naririto pa rin ang pamilya ko. Since hindi naman sila pinapaalis ni Ivan at kasya naman kaming lahat dito, I think they decided to stay. Mula pa kasi kahapon ay hindi ko pa nakakaharap ang mga kapatid ko. Siguro ayaw din nila akong makausap dahil sa ginawa ni Ivan kay Papa. Maybe, iniisip nila na Wala man lang akong ginawa para ipagtanggol ang parents namin mula sa pang-aatakeng ginawa ni Ivan sa kanila. Or maybe, nasabi na rin nila sa kanila na pumayag akong magpakasal kay Ivan sa kanila ng ginawa nito sa mga magulang namin.
Mapait akong napangiti. Of course, I feel bad sa nangyaring iyon. Sinong anak ba ang matutuwa kung tututukan ng baril ang ama mo sa harapan mo mismo? Pero ano ba ang magagawa ko? Hindi ko rin naman in-expect na gagawin iyon ni Ivan. Besides, I was overwhelmed at that time. Tungkol naman sa pagpapakasal ko pa rin sa kanya sa kabila ng ginawa niya, ginawa lang naman niya iyon ng dahil sa akin. Dahil sa galit sa nangyari sa akin. Someday, kapag kalmado na ang lahat, alam ko magkakaroon din sila ng pagkakataon na magkapatawaran. Kung ayaw nila akong kausapin, hindi ko ipipilit ang sarili ko. Naiintindihan ko naman sila.
"Cymon, tuloy ba kayo bukas sa San Juan?" Napatingin si Cymon sa akin. Katatapos lang niyang kunin ng picture ang singsing ko for remembrance daw.
"Yes. Tuloy tayo kung papayagan ka ng jowa mo." Nagdikit ang mga kilay ko sa salitang sinabi niya.
"Jowa?"
"Oo, boyfriend, lover, kabembang, karelasyon."
"Kabem-bang?"
"Ka-S. E. X."
Namula ako sa sinabi niya.
"Kahit hindi mo sabihin, alam ko ang ginawa ninyo. May kissmark ka pa sa leeg, oh!" Itinuro niya ang leeg ko. Umatras naman ako palayo sa kanya.
"Ano? Sama ka?"
"I'll ask him kung papayagan niya ako. Why don't you ask my sisters and cousin if they want to join too? Para Naman makapasyal sila doon sa La Union. For sure, may mga resorts doon that can accommodate all of us."
"Sige, bago ako umalis, itatanong ko sa kanila."
Napalingon kaming dalawa sa pinto nang may kumatok doon at nang bumukas iyon, pumasok sina Ate Mikaella at Ate Jessica. Napatayo kami ni Cymon.
"Ate? Ate Jess?" tawag ko sa kanila. Nang makita ko ang pagngiti nila sa akin, Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naglakad na ako pasalubong sa kanila. I all of a sudden felt how much I missed my siblings and cousins. Sinalubong nila ako ng yakap.
"I miss you, Julian!" halos sabay nilang sabi sa akin.
"I miss you, too."
Niyaya ko silang maupo sa couch.
"Julian, Tito said na pakakasalan mo pa rin si Mr. Petrov. Is that true?" Naunang nagtanong si Jessica. Since dalawang taon lang naman ang tanda niya sa akin, paminsan-minsan ay pwede ko siyang tawagin sa first name niya without the Ate.
Ngumiti ako sa kanya at ipinakita ko ang singsing ko sa kanila.
"Wow!" Halos lumuwa ang mga mata ni Jess nang hablutin niya ang kamay ko para matitigan niya sa malapitan ang singsing. Nakitingin din si Ate Mikaella.
"Julian, this is a very, very expensive red diamond," sabi niya sa akin. "I'm impressed."
Hinila ko na ang kamay ko dahil sa pagkakatingin ni Jessica sa singsing parang gusto niyang kagatin yung diamond para lang mapatunayan niya na tunay ito.
"Sabi ni Ivan, he owns 10 of the only 30 pieces of this in the world."
"Grabe, Julian. Kahit sa ikasampung henerasyon ng magiging pamilya ninyo, hindi sila maghihirap sa yaman ni Mr. Petrov."
"Yan nga ang sabi ko sa kanya kanina, Ate." Napatingin ako kay Cymon. Sa akin Julian lang pero pagdating kay Jessica, Ate ang tawag niya.
"Well, that's not the reason why I'm marrying him."
"Don't be defensive, Julian. Of course, we know. Though makakatulong yung bilyong investment niya sa kumpanya natin sa Russia at hindi ka maghihirap financially sa kanya, we knew that you found something in him that made you decide to finally marry him," sabi sa akin ni Ate Mikaella.
"Gusto ko ring Malaman kung ano ang reason mo, Julian," dagdag din ni Ate Jessica.
"Baka Daks."
Napatingin kaming tatlo sa pinsan namin.
"Daks? Baka BAKS as in Bakulaw," panghuhula ni Jessica. Natawa si Cymon sa kanya.
"Well, bagay naman sa kanya yun Kasi higante naman siya pero mali ka pa rin. Daks hindi baks."
"So what is DAKS?" curious kong tanong kay Cymon.
"Well, from the Ilocano word dakkel which is DAKS for short, it means large. Large d.i.c.k." Humagalpak ng tawa si Jessica. Pati si Ate ay natawa rin. Ako naman ay napaiwas ng tingin sa kanila.
"Sinasabi ko na nga ba!" tawa pa rin nang tawa na sabi ni Jessica sabay tingin sa akin.
"I'm not a pervert!" napipikon kong bulyaw sa kanya.
"Bakit? Tumingin lang naman ako sa'yo, ah? Bakit nagagalit ka?"
"Julian, huwag mo nang pansinin si Jessica. Sa akin mo na lang sabihin yung reason mo kung bakit magpapakasal ka na rin sa kanya."
Sumeryoso ako.
"He makes me feel... protected."
Nawala ang tawa ni Jessica. Bigla silang sumeryosong lahat. Matagal silang natahimik.
"I understand now, Julian. And I won't blame you. Napakarami natin sa pamilya. We're even a mafia family but everyone failed to protect you when you needed it the most." Napayuko ako at tumango sa kanya.
"Do you love him already, Julian?" sunod na tanong ni Ate sa akin.
Malungkot akong umiling.
"I don't know, Ate. I can't say it yet. Pero sa ginagawa niyang effort para sa akin, I know it won't be hard for me to love him back."
"He's only good to you. But to others, he's very ruthless even to your own family. And I understand that. When we love a person, we protect them with all we have. And Ivan knows that too especially that he's powerful enough to rule the world if he wanted to. You're indeed so lucky to make him fall in love with you, Julian."
"I didn't make him, Ate. It wasn't intentional."
"I know. At iyon nga ang pinakamagandang part, Julian. Yung kusa kang mamahalin ng isang tao at gagawin at ibibigay niya ang lahat para sa'yo. Sa kabila ng ginawa niya sa mga magulang natin, I can genuinely say this to you, brother. I am happy that he's the one you're gonna marry."
Napangiti ako sa ate ko habang tumatango.
I am indeed so lucky to make Mr. Ivan Dmitrch Petrov fall in love with me without even my intention to do so.