Looking at Ivan and holding his hand while we're inside the car, I still have doubts if I've made the right decision to forgive him so easily. Mabigat ang naging kasalanan niya sa akin. Nagsinungaling siya at may ipinahamak siyang tao who happens to be my cheater ex according to him. Pero habang pinapakinggan ko ang mga rason niya kanina, I've realized that he did those things for me. For him, yes but mostly for me. For the both of us. And it's weird na imbes na mas magalit ako sa kanya, parang mas napatunayan pa niya na totoong mahal niya ako. O marahil masyado ko na siyang mahal kaya kahit anong kasalanan pa ang magawa niya, magalit man ako ay madali ko lang siyang mapapatawad sa mga naging kasalanan niya. Mahal ko siya. Ito ang bagay na kailanman ay hindi ko na maipagkakaila pa. Siy

