Sinuyo ko ang mga labi ni Julian dahil hindi agad siya sumagot. At habang tumatagal ang pagsuyo ko sa kanya, unti-unti rin siyang sumuko at sumagot sa halik ko. Sandaling nag-usap ang mga labi namin hanggang sa naramdaman ko ang pagtulak niya sa akin. Nag-aakusa na naman ang mga mata niya ngunit hindi na iyon kasing-tapang gaya kanina. "Galit pa rin ako sa'yo," seryoso niyang saad. Agad ko namang itinango ang ulo ko. "Alam ko. Hindi madaling patawarin at kalimutan ang mga ginawa ko. May mga nasaktan ako kahit na sabihing nagawa ko ang mga iyon dahil sa pagmamahal ko sa'yo. Pero wala akong pagsisihan sa kanila. Hinding-hindi ako magsisisi dahil ang mga iyon ang dahilan kung bakit nasa piling kita ngayon, Julian." Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang mga kamay niya. "Kahit anon

