Gaya ng ipinangako ko kay Damon, nagtungo kami sa family house ng mga Vladimier kinabukasan. Masyadong naging excited si Julian nang ibalita kong pupunta kami sa bahay na kinakihan niya nang matapos kaming mag-dinner na halos hindi siya nakatulog. Marami siyang naging tanong na sumubok kung gaano ko kakilala ang pamilya niya. Of course, sinabi ko ang mga alam ko sa pamilya niya. Ang pagkakakilala ko sa kanila at kung ano ang sinabi sa akin ng imbestigador noong pinaimbestigahan ko sila noon. May isang detalye lang akong itinago sa kanya. At iyon ay ang koneksyon ng pamilya niya sa mga mafia. Ibinibigay ko na sa kanila ang desisyon kung ipapaalam nila iyon kay Julian o hindi. Sa pagdaan ng mga taon, ibinigay na nila ang pagmamahal sa grupo nila sa mga naging tauhan nila noon. Ayon sa im

